29

66 4 0
                                    


Third Person:


Naalimpungatan si Dean dahil sa silaw ng silid niya.


'Huh? My room is dim. Ba't ang silaw?


"Ugh."


He groaned when he felt a wrenching pain on the temple of his head. Kaya napahawak siya roon.


"W-what happened?"


Tanong niya sa sarili habang pilit inaalala kung ano ang nangyari nung nagdaang gabi.


F*ck so embarrassing!


Sabi niya sa isipan nung maalala ang kadramahan niya kagabi.


Inilibot niya ang kanyang paningin at napasimangot nung marealize niya kung nasan siya.


What the f*ck am I doing here?


He was in his room sa bahay nila! Tatayo na sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto niya.


Pumasok ang mommy niya na may dalang tray ng pagkain at gamot.


"Anak.."


Malungkot ang tinig ng mommy niya. Nahabag naman siya ron kaya napaiwas siya ng tingin.


She placed the tray on the table beside his bed at umupo sa tabi niya.


"Nak? What's going on with you? Lasing na lasing ka kagabi."


Mahinahon ngunit bakas ang lungkot ng pagkatanong ng ina.


"Nothing mom. Nagkayayaan lang."


Walang emosyong sabi niya. Nabigla nalang siya nung suminghot ang mommy niya, paglingon niya rito ay umiiyak na ito.


"What's happening to you anak? Minsan ka nalang nga umuwi dito lasing pa. Pinagbigyan na nga kita sa kahilingan mong bumukod pero parang napapabayaan mo naman ang sarili mo."


Nanlulumong sabi ng ina kaya lumapit siya rito at yinakap ito.


"Sorry mom kung pinag-alala ko kayo."


Nangangati na ang dila ni Dean na sabihin sa mommy niya ang problema niya. Pero hindi niya kaya. Lalo na't may isang mahalagang tao siyang maapakan.

Affair with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon