[6] F.R.I.E.N.D - End

62 13 7
                                    

Part 2 - F.R.I.E.N.D.S

Pagpasok ko pa lang ng club ay bumungad kaagad sa akin ang napakalakas na musikang halos dumagundong sa loob ng bar. Nakakahilo rin ang iba't ibang kulay ng ilaw na patay-sindi kasabay ng malakas na tugtog mula sa dance floor. Makikita mo ang mga taong hyper na hyper kung sumayaw at uminon habang ang iba naman ay ay nakikipaglaplapan na sa kapartner nila. Ganito pala ang bar. Parang hindi ata kaya ng sikmura kong gawin ang ginagawa nila. Kung si Lindon pa ang partner ko ay baka pwede pa.

Ay p*tang*na ka, Mia! Kaya ka nga nandito para mag-move on tapos ngayon hahanapin mo ang taong dahilan kung bakit nabuo ang operasyon na 'to.

Naupo ako sa isang vacant stool saka umorder ng tequila blue blazer. Habang umiinom ay pinagmasdan ko ang mga taong nasa loob ng bar. Dahil hindi ito pipitchuging bar lang. Marami kang makikita ritong mga socialites, elites at iba pang personalidad na nagfe-feeling mayaman. Hindi ko alam kong saan ko ilalagay ang sarili ko sa mga nabanggit ko. Anyway, habang nililibot ko ng tingin ang kapaligiran ko ay may nahagip ang mga mata kong isang lalaki. Parang gwapo ito at high class. Hindi ako sigurado dahil hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa abnormal at nakakabwisit na ilaw sa loob ng bar. Ipinatong ko ang demin jacket ko sa counter saka naglakad papalapit sa lalaki.

Baka s'ya na ang sagot sa pagmomove-on ko.

"Hi!" matamis ang ngiting bati ko rito. "Do you need company?" may halong kalandiang tanong ko. Mukhang nagso-solo rin ito ngayon.

Nakita ko ang mula ulo hanggang paa na pagtitig niya sa akin. Parang ini-examine niyang mabuti ang kabuoan ko. "Sorry, you're not my type. Mataas ang standard ko and sad to say hindi ka pumasa roon. " seryosong pahayag niya saka muling iniwas ang tingin sa akin.

Naramdaman ko ang paggising ng demonyo sa loob ko dahil sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Minamaliit n'ya ba ako? Pwes! Nagkamali s'ya ng babaing nilait. Mabilis kong hinila ang kwelyo ng lalaki saka s'ya binigyan ng isang malakas na suntok. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid sa'amin.Hindi ko alam kung dala ito ng limang baso ng tequila na nainom o sadyang hindi ko lang matanggap na ito ang pangalawang beses na na-reject ako sa linggong 'to.

"Ano bang mali sa akin?" galit na sigaw ko sa lalaki. Mabuti na lang at pinalitan ko ang kaninang high heels na suot ko ng sneakers. Hindi na ako mahihirapang patayin ang isang 'to.

"Bukod sa maliit ang boobs mo ay baka mapatay ako ng pinsan ko kapag nalaman n'yang nilandi kita,"

Sa lahat ng sinabi n'ya ay tumatak sa akin ang pangmamaliit n'ya sa boobs ko!

"G-Gag* ka!" Dinamay n'ya pa talaga ang boobs ko!
Akmang susugurin ko na sana ulit siya ng may bigla na lang pumulupot na braso sa bewang ko dahilan para hindi ko maituloy ang planong pagpatay sa lalaking kaharap ko.

"Ahhhh! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.

"Stop it, Mia!"

Parang unti-unti nanghina ang katawan ko nang marinig ang boses ni Lindon. Anong ginagawa n'ya rito? Akala ko ba bukas pa ang balik n'ya?

Dahan-dahan akong napaharap sa kanya at nakita ang galit sa mukha nito.

"You're drunk!" Mabilis nitong hinawakan ang pulso. "Kal, umuwi ka na rin," sabi niya sa lalaking kaaway ko bago niya ako kaladkarin palabas ng bar.

Magkakilala sila?

"Teka lang, Lindon! T*ngina! Nasasaktan ako!" reklamo ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Parang mababali ang buto ko sa pulso dahil sa ginagawa n'ya.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat saka ako mahinang itinulak sa loob.

"Anong ginagawa mo sa bar, Mia? Kung hindi pa ako tinawagan ng pinsan ko ay hindi ko malalaman na nandun ka! Are you out of your mind? Alam mo ba kung gaano kadelikado para sa isang babaing tulad mo ang pumunta ng bar ng walang kasama!" galit na galit na sigaw ni Lindon.

Love TrialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon