[8] Facing Karma

52 11 2
                                    

Part 2 - Facing Karma

"Nasaan na ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko habang nililibot ng tingin ang bawat sulok ng Engineering Department. Hinahanap ko kasi si Ian. Saan naman kaya nagsusuot ang isang 'yon? Ayoko namang magtanong kasi baka sugurin ako bigla ng fans club n'ya. Naku! Nasa teritoryo pa naman nila ako!

"Melody!"

"Clint! Hulog ka ng langit at lupa!" sigaw ko nang makita si Clint pero mabilis din akong kumaripas ng takbo papalayo sa kanya nang mamataan ko ang ilang kababaihan na nagbabanta sa beauty ko.

Grabe naman ang fans club nila! Mga ingeterang palaka! Porket hindi sila pinapansin ng idol nila.

Nagpasya akong bumalik na lang sa department ko pero hindi pa ako gaanong nakakalayo sa building nang mahagip ng mata ko si Ian. Mabilis ko siyang sinundan at hinabol para nga isagawa ang pakay ko.

"Hoy! Ian!" sigaw ko.

Agad naman siyang tumigil sa paglalakad at lumingon sa akin. "What do you want?" tanong niya. Halos magdikit na ang dalawa nitong perpektong kilay nang makita ako.

Galit agad?!

"Wag kang HB. May sasabihin lang naman ako sayo pero pramis mo na hindi mo ako pagbubuhatan ng kamay ahh!"

"Just spill it," inis na anas niya.

"Ano kasi... ehem! 'yong regarding dun sa water bottle. A-Ako talaga ang sumipa nun. Hindi ko naman sinasadya na may matatamaan at ikaw pa 'yong napagbintangan. S-Sorry talaga!"

"Tss," Narinig kong usal niya saka muling maglakad papalayo sa akin.

"Hindi mo ko bubugbogin... I-I mean hindi ka ba gal---Ayyy palaka ka!?" halos atakihin ako sa puso ng may mga braso na bigla na lang pumulupot sa balikat ko. Mabilis ko 'yong inalis saka umatras papalayo.

"Sabi na nga ba. Ikaw nga miss,"

"Shrek!" sigaw ko na ikinakunot ng noo ng matabang lalaki.

"Anong shrek?! Ang ganda-ganda kong lalaki tapos shrek ang itatawag mo sa akin!"

Luhh! Kapal ng apog ng hinayupak! Saang banda naman kaya ang sinasabi n'yang pagiging magandang lalaki n'ya?

"Nagpacheck-up ka ba? Baka dala lang 'yan ng paghampas ko sa ulo mo," pambabara ko sa kanya.

Napaatras ulit ako nang mas lalong sumama ang itsura niya habang nakatitig sa akin. Nang humakbang siya papalapit sa akin ay doon na ako tumakbo papalapit kay Ian na nakatingin pala sa amin. Nagtago ako sa likod niya sa takot na baka anong gawin sa akin ni shrek.

Magpapabugbog na lang ako kay Ian kesa naman malaspatangan ni Shrek.

"Ohh Ian, nandyan ka pala yan! Hahaha! Kamusta? Masakit pa ba ang katawan mo?" tanong ni Shrek. Walang pakialam si Ian na tinalikuran si Shrek. Mabilis naman akong sumunod sa kanya pero muli akong napasigaw nang may biglang humablot sa braso ko.

"Tama yan pre! Iwan mo na sa akin ang babaing 'to pangbawi mo sa kasalanan mo noong nakaraang araw," patawa-tawang saad ni Shrek habang hinihila ako ito papalapit sa kanya.

"Ahhhhhh! Bitawan mo ako kung ayaw mong magka-brain hemorraige!" sigaw na banta ko sa lalaki.

"Ikaw, ang pangit-pangit mo na nga ang arte-arte mo pa. Pasalamat ka nga kasi may isa na nagkaka-interes sayo,"

Naku! Never akong magpapasalamat kung ganyan naman kasalimuot na pagmumukha ang magkakagusto sa akin. Kahit pangit ako ay mataas pa rin ang pantasya kong may gwapong magkakagusto sa akin sa kabila ng itsura ko.

Love TrialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon