[7] Facing Karma

67 10 1
                                    

Part 1 - Facing Karma

"Bye, Melody," paalam sa akin ni Katey habang magkahawak sila ng kamay ni Clint. Napairap na lang ako dahil sa ka-sweet-an na ipinapakita nila sa akinn ng dalawa. Hindi man lang marunong makiramdam! Alam nilang single ako tapos ibabalandra pa talaga sa pagmumukha ko ang mga kalandian nila.

"Sige! Layas na! Nao-OP na ako sa inyo! Mga bwisit kayo!" pagtataboy ko sa dalawa.

Nakakaingit! Ako kaya, kelan ko kaya mahahanap ang prince charming ko? Urggh! Why so tagal! Jowang-jowa na ako!

Malakas kong sinipa ang water bottle na humaharang sa harap ko kaya naman lumipad 'yon papunta sa kung saan. Nang marinig ko ang malakas na mura ng isang lalaki ay dali-dali akong tumakbo papalabas ng school gate.

May natamaan ata ako! Lord patawad! Sibat na muna ako.

Habang naglalakad sa madilim na eskinitang shortcut pauwi sa amin ay may ilang yabag akong narinig. Pasimple akong lumingon sa likuran ko para tingnan kung may nagbabanta sa beauty ko pero napalunok na lang ako nang makita ang anino ng isang lalaki.

Lakad-takbo ang ginawa ko palayo sa lalaki pero tang*na lang dahil ramdam ko pa rin ang pagsunod niya sa akin.

Juskolord! Karma na ba 'to dahil sa ginawa ko kanina? Ang fast ahh! Sana naman gwapo ang killer ko para kahit papaano ay makakita ako ng yummy sa huling sandali ko.

Ahhhhh! Papalapit na s'ya sa akin.

Malakas ang ginawa kong pagsigaw nang akmang hahablutin na niya ako. "Putang*na! Ang ingay mo!" inis na sabi ng lalaki kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

Boses pa lang ang yumm---I mean ang gwapo na!

"I-Ian?" hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan n'ya nang makita ito.

Anong ginagawa n'ya rito?

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya na mabilis na ikinakunot ng noo niya.

Ang feelingera ko bang pakinggan?

Nakita ko ang pandidiri sa mukha niya habang tinitingnan ako. Grabe! Hindi pa s'ya nagsasalita ay nasasaktan na ako. Nakalimutan kong allergic pala ang isang 'to sa mga pangit.

Distance! Distance!

"Ayon s'ya!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ang sigaw ng isang lalaki. Laking gulat ko nang makita ang kampon ni satanas na papasugod sa amin. Ano na naman 'to? Nakita kong tumakbo si Ian at iniwan lang akong nakatunganga sa kinatatayuan ko. Hindi man lang niya ako hinila para i-save gaya ng mga nababasa ko sa wattpad. G*go rin eh! Sarap n'yang rape-in at ipatapon sa palayan. Iwanan ba naman ako.

"Hoy!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Wag kang sumunod! Pucha!" sigaw ni Ian sa akin habang patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Tanga! One way lang 'to! Gwapo nga, BOBO naman!" balik kong sigaw sa kanya.

Agad din akong napatigil sa pagtakbo nang maramdaman ang matinding pagod. Ngayon lang ako tumakbo ng ganito sa tanang buhay ko. Hindi ko na kayang humakbang pa! Puchangama! Gagapang na lang ako!

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Ian sa akin.

Jusko! Bobo nga ata 'to! Obvious naman na gumagapang ako.

"Bahala ka nga jan!" inis na sigaw niya bago ulit tumakbo papalayo.

Ang sama talaga ng ugali n'ya!

Napa-sign of the cross na lang ako habang hinihintay ang grupo na sa tingin ko'y tatapos ng buhay ko. Naririnig ko na ang mabibigat na yabag nila dahil sa pagtakbo kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ng dalawa kong mga kamay habang nariing nakapikit. This is it! Mamamatay akong NBSB at VIRGIN! Tang*na lang!

Love TrialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon