Part 2 - Kiss then Fall
After 15 minutes na byahe ay nakarating din ako sa bahay ni Leah. Pagsilip ko sa gate ay nakita ko siyang nakaupo sa harap ng pinto nila habang pinaglalaruan ng isa n'yang kamay ang hawak na walking stick. Mahahalata sa mukha niya na galing siya sa pag-iyak. Agad kong pinindot ang doorbell sa labas ng gate. Hindi ko mapigilang matawa nang gulat na napatayo si Leah at nagpalinga-linga pa sa paligid n'ya.
"Leah..," tawag ko sa kanya. "Hey, slow down!" saway ko rito ng patakbo itong pumunta sa gate. Muntik pa nga itong madapa.
"Dale," tawag niya sa pangalan ko habang binubuksan ang gate. "Tulungan mo akong hanapin si Bonny ah," dagdag pa niya nang makapasok na ako.
"Sino ba si Bonny?"
"My 5 months old golden retriever ko,"
Aso lang pala. Akala ko kung sino na.
"Don't worry, I'll help you find Bonny," nakangiti kong saad habang inaayos ang magulo niyang buhok. "Wait," Kinuha ko mula sa bulsa ko ang puti kong panyo saka ko pinunasan ang basang gilid ng mga mata niya bago punasan ang sumisilip niyang sipon.
"T-Thank you," nahihiyang sabi n'ya sa akin.
Cute!
"Kelan mo huling nakalaro si Bonny?"
"Last night. Kinakabahan ako, baka kung saan na 'yon pumunta. Kapag naman tinatawag ko ang pangalan n'ya ay lumalapit naman agad s'ya sa akin,"
Pagbukas ko ng pinto ng bahay ni Leah ay napakunot ang noo ko nang makita ang isang aso. Nakaupo ito at nakangiti habang nakalabas ang dila. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang paglabas ng ingay sa pagtawa ko.
Sh**! Para akong matatae dahil sa pagpipigil ko ng tawa.
Hinawakan ko ang tuktok ng ulo ni Leah and patted her. "Don't worry. Bonny is safe. Wala kang dapat na ipag-alala,"
"P-Paano ka naman nakakasigurado?" nakasimangot niyang tanong sa akin.
"I just know,"
Magkukunwari muna akong nawawala pa si Bonny. I just want to spend more time with her. Good thing na hindi nag-iingay si Bonny at sumusunod lang sa amo n'ya nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.
Pilyo rin pala itong aso n'ya. Kahit s'ya ay pinagti-tripan nito.
Kinuha ko ang bowl na may lamang pagkain na sa tingin ko ay para kay Bonny at inilapag ito sa harap ng aso n'ya.
"Anong paboritong laro ni Bonny?" tanong ko kay Leah.
"Mahilig s'ya magpagulong-gulong sa sahig habang yakap-yakap ang favorite teddy bear n'ya,"
"Cute. What else?"
"Hmmm. He has this squishy octopus. Hindi ko alam kung naiinis s'ya o natutuwa kapag kinakagat n'ya yun while growling," natatawang pahayag ni Leah.
BINABASA MO ANG
Love Trial
Storie d'amore|C O M P L E T E D| How can people be so ironic? They say it's meaningless, that it's just a waste of effort and yet, they find themselves silently wishing that it would being itself out of their lives. Those feelings... We were once like them. Howe...