[13] Be with me

60 11 2
                                    

Part 1 - Be with me

"Leo...I'm pregnant," nakita ko ang pagguhit ng matinding gulat sa mukha niya. Halos apat na buwan din akong nag-ipon ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa kanya.

Mahigpti akong napakapit sa strap ng sling bag ko habang hinihintay ang susunod n'yang sasabihin. Napalunok na lang ako ng laway nang makita ang pagbuka ng bibig niya.

"I-I'm sorry, Gab..,"

I'm sorry for what? For f*ck*ng me, for the baby ... or both?

Oo nga pala. Hindi n'ya kasalanan lahat. May kasalanan din ako. Kung hindi ko siya hinayaan na galawin ako ay hindi ako mabubuntis. I'm not even his girlfriend for godsake! May girlfriend siya pero nagpakatanga ako at pumatol sa taken ng tao.

"It's okay, Leo. Hindi kita pipiliting panagutan ang batang dinadala ko," nakangiting pahayag ko. Magaling akong magtago ng totoo kong nararamdaman pero kapag tumagal pa ako sa harap n'ya ay baka magbreak-down ako bigla. "I'll get going," paalam ko. Tinalikuran ko na siya pero bago pa man ako makahakbang palayo ay tinawag niya ako.

Nagdasal ako na sana ay sabihin niya ang gustong marinig ng mga tenga ko. Nagbabakasakaling sa lahat ng mga pinagsamahan at nangyari sa amin ay may kaunti siyang naramdamang pagmamahal sa akin.

"Gab...I'm really sorry. Mahal ko si Liyana a----"

"We will be fine without you," pagputol ko sa kanya. Humugot muna ako ng hangin bago siya muling harapin. "Isipin mo na lang na joke lang ang sinabi ko. I'm sorry. Hindi ko na pala dapat sinabi sayo.

"Susuportahan ko ang mga gastusin ng pagbubuntis mo at ng bata but marrying you and staying by your side will be impossible,"

"Salamat kung ganun," abot tenga ang ipinakita kong ngiti sa kanya kahit ang totoo ay gusto ko nang maglupasay at humagulgol sa harap n'ya. Gustuhin ko man na iuntog ang ulo n'ya sa pader ay hindi ko magawa. Baka sakali lang na magbago ang isip n'ya at piliin na lang kaming dalawa ni baby. Oo na, desperada na ako. Bakit ba! Haist!

"Aalis na ako. Magkikita pa kayo ni Liyana, hindi ba?"

"It's okay. Ihahatid na kita. Baka mapano pa kayo ni baby," presenta niya. Parang gusto kong iuntog na lang din ang ulo ko para matauhan sa nararamdaman ko sa lalaking 'to.

Bakit ba ang complicated ng sitwasyon naming dalawa! Alam ko kung gaano n'ya kamahal si Liyana. Ako pa nga ang naging tulay nilang dalawa kaya sila nagkatuluyan last year.

"Nakapag-isip ka na ba ng pangalan para kay baby?" nakangiting tanong niya habang nagmamaneho.

"Hindi pa," tipid kong sagot sa kanya. "Hindi pa kasi makita ng obgyne ko 'yong gender ni baby. Magpapacheck-up ulit ako next month para malaman na kung boy or girl ang baby nati--- k-ko,"

"Talaga. Can I come with you?"

"Paano si Liyana? Hindi ba s'ya magagalit sayo?" tanong ko sa kanya kaya ilang segundo rin siyang tumahimik sa tabi ko.

"I-I'm sorry," mangiyak-ngiyak kong usal habang pinupunasan ang biglang pagtulo ng luha ko.

I'm a relationship breaker. Dahil sa akin ay maaaring masira ang relasyon nilang dalawa na halos isang taon nilang ipinundar. Alam kong mahal nila ang isa't isa pero katulad pa rin ba 'yon ng dati kapag nalaman na ni Liyana ang sitwasyon naming dalawa ni Leo?

May parte sa akin na nagsasabing mas mabuting maghiwalay na lang ang dalawa at mapunta sa akin si Leo dahil nga may anak na kami pero magiging masaya ba s'ya sa akin? Sa tingin ko'y hindi. Ayokong magpakatanga sa isang lalaki na ayaw naman sa akin. Tatanggapin ko na lang ang tulong n'ya sa amin ng anak ko kesa maghabol pa ako.

Love TrialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon