Part 2 - Be with me
Mabilis na lumipas ang mga linggo. Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng timbang ko dahil sa lumalaking bata sa tiyan ko pati na rin ang magana kong pagkain. Minsan ay ayoko nang tingnan ang sarili ko sa salamin. Grabe! 'yong dati kong slim na katawan ay unti-unti ng nagkakalaman. Forever na yata akong magiging single nito.
"Hoy! Nandyan na si Leo. Ano pang iminumukmok mo jan?"
"Liza. Huhuhu! Aminin mo sa akin ang totoo. Ang pangit-pangit ko na ba? Tingnan mo ang taba ko na at ang hagard," pagdadrama ko.
"What's wrong?" biglang sumulpot si Leo sa tabi ni Liza kaya napaayos ako ng upo saka ko inabot ang slingbag ko at mabilis ''yong isinuot. Putik! Nakakahiya. Nandito na pala s'ya.
"Tanong mo jan kay buntis," saad ni Liza bago bitawan ang pinto ng kwarto ko dahilan para maiwan kaming dalawa ni Leo sa loob.
"N-Nandito ka na pala. Halika na," pilit ang ngiti na baling ko kay Leo habang hawak ang umbok sa tiyan ko.
"Hey. May problema ba?" malambing ang tono ng pananalita ni Leo habang nakatitig sa akin.
"W-Wala," sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Ayokong isipin n'yang nag-iinarte ako.
"Hindi makakabuti sayo at sa bata kung kikimkimin mo ang problema. Tell me, what's bothering you," Hinila niya ako papalapit sa kanya saka niya ako hinawakan sa magkabilang braso.
"Ang pangit-pangit ko na kasi," diretsong sabi ko saka ako mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Nang mapansin kong hindi siya kumibo ay dahan-dahan akong sumilip sa kanya at nakita ang pagpipigil ng tawa niya. "Gag*!" mura ko sa kanya. Doon na tuluyang kumawala ang kanina pang pinipigilang tawa n'ya. 'yong effort ko kanina na ayusin ang buhok ko ay tuluyan nang nasira ng guluhin n'ya 'to.
Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya!
"Teka lang!" Paghabol niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na lumabas ng bahay. Kinuha niya ang pulso ko kaya mabilis akong napaharap sa kanya. "Slow down baka madapa ka."
Sinimangutan ko lang siya. Hindi na ako nagsalita dahil ang sama-sama talaga ng loob ko. Siguro ay dala na rin ng pagbubuntis ang mood swing kong 'to na nagsimula nung nakaraang buwan.
Tahimik lang kami ni Leo habang nasa byahe papunta sa Obgyne ko. Sinisilip niya ako paminsan-minsan pero hindi ko ito pinapansin. Bwisit s'ya!
"Good morning, Doc," bati niya sa doctor ko pagpasok namin sa clinic.
"Are you the father?" nakangiting tanong sa kanya ni Doktora Maire saka siya bumaling ng tingin sa akin habang pinanliliitan ako ng mata.
"Ako nga po," sagot naman ni Leo.
"Akala ko ba'y patay na ang tatay ng dinadala mo, Gabriella," natatawang pahayag ni Doc.
"You said that?" kunot noong tanong sa akin ni Leo. Nagkibit-balikat lang ako saka naupo sa maliit na sofa ng maramdaman ko ang pangangalay ng mga paa ko.
"Is she on a mood swing again?" narinig kong tanong ni Doktora kay Leo.
"Mood swing?"
"Yup. Pregnant women are more inclined to sudden changes of moods during pregnancy and they also have a lesser capacity in coping with normal stress than usual kaya kailangan talaga silang intindihin at bantayan ng mabuti."
"That makes sense."
"Okay. Let's see if it's a boy or a girl," palakpak ni doktora. Lumapit naman sa akin si Leo at inalalayan ako papunta sa higaan kung nasaan ang ilang equipment para sa ultrasound.
BINABASA MO ANG
Love Trial
Romance|C O M P L E T E D| How can people be so ironic? They say it's meaningless, that it's just a waste of effort and yet, they find themselves silently wishing that it would being itself out of their lives. Those feelings... We were once like them. Howe...