Chapter 7

171 7 0
                                    

Lio

"Meron lang po kasing walang magawa dyan na nagtapon sa 'kin ng kung ano.Kaya ito,nagkaganito po ang itsura ko,"malumanay kong sagot,dane pa rin siya at kailangan kong gumalang kahit na inis na inis na ako.Tignan ko nang masama 'yung kabayo pagkatapos kong magsalita. Pero aba, nakuha pang dumila bwisit!Pasalamat siya nandito kami sa OSAS kung hindi Naku!Alam ko naman na siya ang may pakana nito e.

"Mr.Hilario,nasabi sa 'kin ni Ms.Viceral na inaway mo raw siya sa canteen dahil lang sa naunahan ka niya do'n sa cake na bibilihin mo sana,'di ba?"tanong ni Dane.

"Actually, hindi naman po talaga pang-aaway ang ginawa ko.Siya po ang mali,inunahan niya po ako sa pila kaya yun,nainis po ako at sinigawan siya,"sagot ko sa kanya.

"Mr.Hilario, hindi ba't scholar ka ng school na ito?Ibig sabihin, ang school na ito ang nagpapa-aral sa iyo.At sino ang may-ari nitong school?"tanong ni Dane, para bang lumagpas lang sa tenga niya ang mga paliwanag ko.

Kainis!Alam ko naman kung anong gusto niyang ipamukha e.

"Uhm,ang Viceral Family po,"sagot ko.

"Tama.At sinong babaeng inaway mo?"

Hindi ko naman siya inaway e!

"Yung kabayo--------Este....Si Marie Viceral po."

"Si Marie Viceral,apo ng may-ari nitong school na nagpapa-aral sa 'yo.Alam mo bang kung gugustuhin ni Ms.Viceral na sabihin ito sa lolo niya,pwedeng mawala sa 'yo ang scholarship mo? Pero Mr.Hilario dahil nga mabait si Ms.Viceral,hindi na daw niya ito papaabutin pa sa lolo niya,kung-------"

"Luluhod ka at hihingi ng tawad sa 'kin,"sumbat bigla nung kabayo tapos ngumisi na naman sa 'kin.

"Aa-aah!At ako pa ang hihingi ng tawad sa 'yo?Ikaw nga 'tong sumingit sa pila.At ako pa ang mali?"

"O,so ayaw mo?Ikaw rin,mawawala ang scholarship mo,mapapatalsik ka pa sa school na 'to.Isang luhod at sorry lang naman ang hinihingi ko,sir at nakalimutan ko na ang nangyari,mahirap ba yun?"

Luluhod? Hihingi ng tawad?Hindi ko kaya yun!Lalo na sa harap ng isang kabayo ng katulad mo!

Pero...paano na ang mga pangarap ko?'Pag nawala 'tong scholarship ko,wala na lahat.

Self-supporting lang ako,wala na akong mga magulang. Nakikitira lang ako kina Ferdinand.Kapatid ng papa ko ang mama niya,at kinupkop lang nila ako simula nang mamatay ang daddy ko.Dalawa ang pinapaaral nila sa kolehiyo,si Ferdinand at ang kapatid niyang si Joe,kaya hindi na nila ako kayang supportahan pa ang pag-aaral ko.Kahit sumubsob ako sa pagtatrabaho,hindi pa rin sapat para makapag-aral ako sa school na ito.May kamahalan din kasi itong course kong Hotel and Restaurant management.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon