Chapter 17

136 6 0
                                    

Lio

"Baka ikaw!Ikaw ang unang yumakap e!"

"Wala ako sa wisyo ko!E ikaw?Gising ka di ba?Pero niyakap mo pa rin ako!So ginusto mo yun!"

"Sabi na ngang nilalamig lang ako e!Ang kulit mo!"

"Oo na!Niloloko lang naman kita!Haha!"

Hindi na siya umimik pagkatapos nun.Suplada!Parang inaasar lang.

Makalipas ang ilang minuto nang katahimikan dahil hindi ako pinapansin ng pikon na kabayo,biglang bumukas na yung pinto ng C.R

"Ma'am Marie?Mister?Ano'ng ginagawa nyo dito?Wag ninyong sabihing..."

Ano ba'ng nasa isip ng mamang to?

"Ano'ng iniisip mo dyan ha?Na-lock kami kagabi dito ng isang tauhan dito!Hindi ata napansin na may tao pa!Magsasarado ng C.R ni hindi sinisiguro kung may tao pa sa loob,bobo!"sigaw ng masungit na kabayo.

"Pe-pero boys comfort room po ito,Ma'am.Maiintindihan ko po kung si Sir ang matrap dito,pero bakit kasama kayo?"

Manong,kasi yang walang hiyang yan,pinagtripan ako,ni-lock niya ako dito tapos bigla naman akong ipinasok sa isang cubicle!

"He!Masyado kang maraming tanong!Basta,walang ibang makakaalam nito!Lalo na si Lolo!Kunwari wala kang nakita!Kung Jin di,patay ka!"pagbabanta naman ni kabayo.

Napailing na lang ako dahil sa sama ng ugali niya.Akala ko pa naman kagabi medyo bumait na siya.Mali pala ako.

"O - Opo Ma'am Marie"sagot naman nang kawawang tauhan.

"Halika na nga,lalaki!Ano pang inuupo-upo mo dyan?Lumabas na tayo!"sigaw niya sabay higit sa akin palabas

Bossy much?Feeling close?

"Tatawag lang ako sa min,papasundo ako,"narito kami sa may guard house sa may gate.Nakikitawag siya.

"Oo,e di bitawan mo na ako.Uuwi na ko sa amin.Malapit lang naman yung sa min dito.Walking distance lang,"sabi ko sabay higit na sa kamay ko pero pingilan nya ko

Ano na naman trip neto?

"Ayaw ko nga!Dito ka muna.Ihahatid na lang kita sa inyo."

"Huwag na"

"Anong huwag na?Sisiguraduhin ko lang na makakauwi ka sa inyo na walang mangyayari sa yo kasi mahirap na noh.Ako ang huling nakitang kasama mo tapos baka mamaya ka na lang sa ilog na patay ka na,ako pa ang pagbintangan"

Natigilan kami nang may huminto na kotse sa tapat namin at umimik yung driver na kabababa lang.

"Ma'am Marie.Nandito na po ako"

"Ang tagal mong dumating!Ano ba yan!Ipapatanggal kita sa trabaho e!"sigaw niya dun sa driver.

"Ang sama mo talaga!"biglang sabat ko.

"Manahimik ka nga dyan at pumasok ka na lang sa kotse!"sigaw niya sa kin,

Hindi ba siya maka-imik nang hindi sumisigaw?Seriously?

"Ayoko nga sabi!Wag mo na lang ako Ihatid!"

"Heto na naman po tayo!"sabi niya tapos kinaladkad niya ako bigla papunta sa kotse.

"Ano ba?Sabi ko ayaw ko e!"

Wala na akong nagawa dahil nasa kotse na ko..Sinabi ko na lang sa kanya yung address ko since wala na rin akong magagawa,nakasakay na ako e.Ayaw ko talaga sa kotse,ang Baho nahihilo ako.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.Well bahay nila Ferdinand, nakikitira nga lang kasi ako sa kanila.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon