Chapter 18

146 5 2
                                    

Lio

"Dito ka na ba?"tanong sa kin ng kumang.

"Oo,"sagot ko tapos lumabas na ako ng kotse.

"Hindi ka man lang ba magte-thank you?"sabi niya.

"Hindi,"sabi ko sabay sarado ng pinto.

Anong akala niya,close na kami?Nag-enjoy ako sa pagsakay ng kotse niya?Sumakit nga ulo ko e.Pero in fairness of her,kahit papaano mabait din naman siya,kahit papaano,kahit gagabutil.

Pagkababa ko sa kotse,bubuksan ko pa lang ang pinto para pumasok sa bahay nila Ferdinand nang...

"Kyaaaaaaaaaa!"sigaw ni Ferdinand,pagkakitang-pagkakita pa lang sa akin.Problema nito?

"Hoy lalaki!"Binatukan ko siya.

"Aray ko naman!"daing niya.

"Kung makasigaw ka kasi dyan,daig mo pa ang nire-rape ng limang tao"

"Grabe ka naman!Hahaha!E kasi naman no,nakita kita!"

"So?Ano kung nakita mo ako?Ganon mo ba ako namiss ha,Ferdinand?Ikaw talaga!O Sige na,I love you na!Sinasagot na kita!Tayo na!"

"Gaga!"ako naman ang binatukan niya this time.

"Hindi noh!E kasi maganda ako nagising tapos may narinig akong kotse na tumigil sa harap ng bahay natin.E di Syempre na-curious ang lolo mo!Tapos pagtingin ko...Kyaaaaaaaaaa!Kotse ng mga Viceral yun a!"

"A,yun lang naman pala. Akala ko pa naman namiss mo ko,toss...break na tayo!"

"Haha!Adik ka talaga,Lio!Ikuwento mo na kasi!Ano ba'ng nangyari ha?"

"A,Ferdinand, pwede mamaya na?Kain muna tayo ng breakfast. Gutom na kasi ako"

"Okay"Kung makangiti naman ang isang yun.Ano ba'ng meron?Hinatid lang naman ako,anong big deal do'n?Bakit lahat na lang ng tungkol sa babaeng yun big deal para sa mga lalaki sa paligid ko?

XOXO XOXO XOXO XOXO XOXO XOXO

"Lio,gutom na gutom ka a?Para kang hindi naghapunan.Hindi ka ba pinakain ng classmate mo?"tanong ni Auntie Kristy kasi nga ang alam nila nag-overnight ako sa bahay ng classmate ko kagabi.

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon:ako,si Ferdinand at si Auntie Kristy, wala si Tito Jade kasi may work . Si Kim,kapatid ni Ferdinand, tulog pa ata.

"A pinapakain naman po ako do'n.Kaso marami po kami di ba?Kaya medyo kinontian ko lang po ang Kain ko.Nakakahiya naman kasi"

Singualing ka,Lio.Nasa C.R ka kaya magdamag kasama yung magandang bwisit na nilalang!

"A,okay,akala ko hindi ka pinakain e.Sige Kain ka pa"sagot naman ni Auntie Kristy.

"Nag-overnight daw sa classmates niya pero hinatid naman dito ni---"si Ferdinand yung bumubulong magkatabi kasi kami.Siniko ko siya.Baka marinig pa ni Auntie,sabihin may girlfriend na ko!

"Goodmorning,Kim!Kain ka na anak"sabi ni Auntie Kristy . Ang pangit si Kim,kakagising lang . Bakit pangit?Pangit talaga siya,masungit siya,well masungit siya sa akin.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon