Chapter 16

130 5 7
                                    

Lio

"Hindi ka mahina.Ikaw ang pinakamatapang na lalaking nakilala ko.Ikaw pa nga lang naglakas ng loob na umaway sa kin e.Tapos mahina ka pa niyan?!"sabi naman niya.

"Ha!Oo nga no!"dahil sa sinabi niya medyo nag-cheer up na ulit ako.

"Ikaw naman ulit ang magkwento!Tungkol din sa mga magulang mo,"sabi ko.

"Ha?Inaantok na ako!Tulog na lang tayo!"sagot niya.

"Ang daya mo naman!Nagkwento ako sa yo tapos ikaw hindi!Madaya!"

"E inaantok na nga kasi ako"

"Sige na kahit konti lang!"

"AYAW"

"Hay,daya naman o"

Hindi na ako nagpumilit pa,alam kong she's one hell of a stubborn individual. Nanahimik na lang kaming dalawa.

Claustrophobic ako at nasa isang saradong lugar,walang ilaw at ang lamig ng sahig,pero bakit ganun?Bakit ang komportable ng pakiramdam ko nang mga oras na yun?

XOXO XOXO XOXO

Nang magising ako,medyo maliwanag na.Naalimungatan pa ako nang map an sin kong...

"Waa!Lumayo ka!"sigaw ko sabay tulak dun sa kabayo na nakayakap sa akin.

"Aray ko naman!Ano ba problema mo?"daing niya.Kagigising  lang din nya.

"Bakit nakayakap ka sa kin?Sabi ko nga ba at manyak ka e!Kunwari ka pang tatabihan ako kasi natatakot ako!Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!"natahimik siya tapos napaiwas ng tingin sa kin . Teka,nasisinagan lang ba siya ng araw o talagang namumula yung pisngi niya?

"I-ikaw kaya ang unang yumakap sa kin!"sa iba pa rin siya nakatingin habang sinasabi yun.

"Anong ako?Asa ka pa!Ang yabang mo!Wag mo nga akong lokohin!At saka tumingin ka nga sa kin!Napaghahalatang nagsisingualing ka kasi hindi ka makatingin!"

At tumingin nga siya.Napatigil ako nang Ilang segundo . Aw,sana pala hindi ko na lang sinabi yun.Nakakailang,talagang nakatingin siya sa kin nang mata sa mata tapos nasisinagan siya nang araw na namumula sa may exhaust window sa may bandang taas ng C.R at walang biro,maganda siya.Asar.Gusto ko kasi ang mga babaeng mahahaba ang buhok at shiny.Mga crush kong anime characters puro ganun e!Ang haba at shiny pa naman ng buhok niya ngayon.

"Ikaw nga sabi tong ng Manyak sa kin kagabi!Nag-I love you ka pa nga tapos bigla mo akong niyakap!"sabi niya.

"I love you?Yakap?What the?"Anong pinagsasabi ng isang to?

Teka...

"Napanaginipan ko si Mom,medyo Tanda ko nag-I love you ako sa kanya tapos niyakap ko pa siya,"napasabi ko na lang.

Aw...ako nga ata yung yumakap,akala ko siguro siya si Mom.Nakakahiya!

"Kitams?Ako pa sisihin mo dyan!Wag ka mag-alala.Sabi mo 'I Love You Mom',kaya alam kong para sa nanay mo yun.Nabigla lang ako nang niyakap mo ako.Akala ko tuloy nilalamig ka,kasi nilalamig din ako e.Nilalamig ka,nilalamig ako kaya niyakap na rin kita!Yun lang yun"

"Woooshoo!If I know gusto mo talaga akong yakapin,"sabi ko sa kanya.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon