Chapter 15

136 6 0
                                    

Lio

"Virgilio?Lio na lang!"puna ko sa tawag niya sa akin.

"Bakit Lio?"

"Lio kasi ang tawag sakin ng mga kaibigan ko."paliwanag ko naman.

"Ayaw ko nga,ang Panget!Virgilio ang gusto ko!"

"E pangalan ko yan e!Kaya ako ang masusunod!"

"E ako naman ang magsasabi a!Kaya ako ang mas ud uno!"

"Teka, akala ko ba hindi na muna tayo mag-aaway? " tanong ko.

"Ikaw kasi e!"paninisi pa niya sa akin.Ako pa ngayon?

"Ikaw kaya!"

"Ikaw sabi!"pag-iinsist niya.

"I-----"hindi na niya ako pinatapos,"Tama na nga!Yan na naman tayo sa ganiyan e!Basta kunwari hindi tayo magkakilala.Kalimutan mo muna ang away natin . sa Lunes na lang natin ituloy"

"Sige na nga,"pagpayag ko naman sa sinabi niya.

"Magkwento ka nga ng kahit ano tungkol sa yo,"sabi niya.

"Ha?Bakit naman?"

"Bored na kasi ako,pampalipas ng oras habang nahihintay akong antukin"

"Hmm,ano namang gusto mong ikuwento ko sa yo?"

"Teka, a alam ko na!Kanina mo pa kasi tinatawag ang Mom mo e.Tungkol na lang sa kanya ang ikukwento mo,"sagot niya.

Kay Mom?

"Masyadong personal yun!"isa pa medyo ayaw kong pag-usapan yun.

"Yun na lang!"Aba't ang kulit ng isang to a!

"Sige,ikukwento ko yun sa yo,pero may gusto lang akong malaman.Sagutin mo muna tong tanong ko."

"Sige,ano ba yun?"

"Apo ka ng may-ari ng school, base sa mga naririnig ko takot sa yo ang mga estudyante dito.E bakit parang takot na takot ka do'n sa limang matatabang lalaki na humahabol sa yo dati?Bakit mo sila pinagtataguan?"

"Haay, kailangan mo pa talagang ipaalala yung mga nakakadiring bagay na yun?"

"Tao sila,hindi sila bagay.Ang sama talaga nito."

"Haay,yung limang balyena kasing yun,worst case na yung mga yun.Sinubukan ko na silang pagtripan at gawin ng mga pranks,pagbantaan pero walang epekto sa mga lalaking yun,ayaw pa rin akong Tigilan."

"Pasalamat ka nga may fans ka e,choosy ka pa."

"Normal lang na maging mapili ako kasi maganda ako.Ganun talaga kami"

Ayan na naman po ang kayabangan niya,lumilitaw na naman.Kaya hindi na ako umimik.

"Hoy nandyan ka pa ba?Tinulugan mo na ba ako?"

"Hindi pa ako tulog,na-speechless lang ako sa kayabangan mo."

"Hindi ako nagyayabang,nagsasabi lang ako ng totoo."

"Whatever"

"Bahala ka nga . Teka,nasagot ko na yung tanong mo.Ikaw naman ang sumagot ngayon.Anong meron sa Mom mo at grabe ka na lang makaiyak habang tinatawag siya?"

"Pwede bang iba na lang tanong ang sagutin k----"

"Hindi pwede!Yun ang gusto ko.Sagutin mo na!"

May pagka-stubborn nga pala tong isang to.Mukhang hindi ako makakatakas.

"Tutal kunwari hindi tayo magkakilala ngayon,sige na nga,ikukwento ko na.Basta sa Lunes kunwari hindi ito nangyari ha?"

"Oo ba,"sagot niya,at nagsimula na akong magkwento.

"Si Mom?Hmm,mas  close ako sa kanya kaysa kay Dad.Only child ako at Mommy's Girl talaga . Si Dad puro kasi work kaya paglumalabas kami ni Mom,madalas hindi kasama si Dad.Pagmalungkot ako,si Mom lagi ang karamay ko,pag may umaaway sa kin siya ang tigapagtanggol ko.Masipag siyang magtrabaho,at talagang okay na okay siyang Mommy.Pero nung thirteen years old ako,naghiwalay ang parents ko.Iniwan kami ni Dad para sa ibang babae.Ang tanga ni Dad kasi iba ang pinili niya kaysa kay Mom.Napakaswerte niya nga kasi mahal na mahal siya ni Mom na kahit na nalaman ni Mom na may iba siyang babae,imbis na pagbuhatan siya ni Mom sa kamay,si Mom pa ang nagmamakaawa na wag siyang umalis.Pero umalis pa rin si Mom tapos..."humigpit ang hawak ko sa kamay niya tapos nagsalita na ako ulit,"Isang taon ang nakakalipas, si Mom naman ang nang-iwan sa kin.Namatay si Mom dahil nabangga ang kotse niya nag maglasing siya para makalimutan si Dad nung anniversary nila.Si Dad,ni hindi niya nagawang magpakita sa burol ni Mom.Wala siyang puso!Galit ako sa kanya!Galit na galit!Kaya simula noon,para sa kin,patay na rin siya."

Naramdaman ko na lang na may tumutulo nang luha sa Mata ko.Kainis,umiiyak na naman ako and worse dito sa tabi ng babaeng to e."Ano ba yan!Ang hina ko talaga.Nakakainis!"sigaw ko sabay pahid sa mga luha ko.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon