Chapter 19

110 4 0
                                    

Lio

"Pagkatapos ninyo na lang ako kakain,nakakawala kasi ng gana,"sabi niya tapos lumakad na papuntang sala.

Anong problema nun?Tapos yung pagkakasabi pa niya ng "nakakawala kasi ng gana"with matching tingin pa sa kin.Ano na naman bang ginawa ko sa kanya this time?

"Naku,si Kim talaga.Bad mood na naman.Pasensya na kayo,"sabi ni Auntie Kristy.

Kaya naman ganyan si Kim e,sa totoo lang favorite siya ni Auntie.Selos nga lagi si Ferdinand e.Lagi na lang kasing kinukunsinti ni Auntie si Kim.

Pagkatapos kumain,pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto syempre hinigit na agad ako ni Ferdinand papunta sa Kama at pinagkwento na agad ako kung bakit ako hinatid ako ng kotse ng mga Viceral.Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari.Kilig na kilig nga ang loko ng sabihin kong hinawakan magdamag nung kabayo yung kamay ko.

Xoxoxo

10:00 p.m. ng magising kami ni Ferdinand.

"Ferdinand!Lio!Kim!"narinig namin ang sigaw ni Auntie.Bilis-bilis kaming bumaba ni Ferdinand. Nasa baba kasi and kwarto nila Auntie,wala naman si Tito Jade,hindi pa nauwi,kadalasan kasi 12:00 na yun nakakauwi dahil sa trabaho.

"Nawawala and ipon kong pera sa bag ko,nandito pa gun kanina!Wala bang nakakakita sa into?!Kim,Ferdinand, bala naman kumupit kayo ha?Ten thousand gun!Masyadong malaki!Kaya ibalik ninyo!"sigaw ni Auntie nang makarating kami sa kwarto niya.

"Hindi namin magagawa gun,Ma!Kung kailangan namin ng pera hihingi na lang kami Diba?"sabi ni Ferdinand.

"Oo nga,Ma.Teka,bakit ba kami lang ni Katie ang pinagbibintangan ninyo?Si Lio pwede ring siya ang kumuha a?"sabi naman ni Kim.

"Hindi yun magagawa ni Lio!Magkasama kami sa kwarto,"pagtatanggol sakin ni Ferdinand.

"Sige Ma,e di halughugin ninyo ang gamit naming tatlo!Sigurado hindi pa nagagastos yun ng kumuha kasi wala pa namang lumalabas ng bahay,"suggestion ni Kim.

Nagpunta na kami sa kwarto namin ni Ferdinand. Hanap dito,hanap soon pero wala din silang makita.

"See?Ma,wala talaga dito!"sigaw ni Ferdinand na pawis na pawis na sa kahahanap,tapos biglang may nahulog na bag sa may pwesto ni Kimat bag ko gun.Pinulot ni Auntie yung bag ko tapos tumingin siya sa kin.Naglakad siya papunta sa akin.

"Auntie,ano po?Bakit p----------"natigil akoo sa pagsasalita dahil bigla akong sinampal ni Auntie.Ang sakit!Pero wala yung sakit sa panlabas e,ma's masakit sa dibdib,sa puso.Ngayon lang kasi ako napagbuhatan ni Auntie ng kamay.Natulala tuloy ako.Hawak-hawak ko lang ang pisngi ko.

"Lio!Wala kang utang na loob!Tinuring ka namin na parang pamilya!Pinatuloy!Pinakain!Binihisan!At mi-minahal,,tapos ganito ang igaganti no samin?Sinira mo ang tiwala ko sayo Lio!Sinira mo!"napaupo na lang si Auntie sa may Kama,kita ko sa Mata niya ang sobrang pagkadismaya.

Boyfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon