TOL #1

43 13 0
                                    

"Eris why are you alway moving so slow, alam mo bang maraming oras ang nasasayang dahil sobrang bagal mo and sinabi ni mommy na essential things lang ang dalhin mo not your whole room".

Ganito lagi nangyayari samin dalawa ng ate ko kapag nag o-out of town kaming pamilya, sya kasi laging precise mga kilos nya, she always treat time like a platinum so precious kaya dapat walang nasasayang na oras sa mga ginagawa nya .

Kabaligtaran naman nya ako dahil wala akong ibang ginawa kundi ienjoy ang oras ko dahil wala pa naman ako responsibilities, ang dapat ko lang naman gawin ay mag aral and makagraduate with honors yun lang , unlike si ate na sa sobrang busy sa mga ginagawa nya sa sarili nyang work and pag susupervise sa restaurant namin sa BGC nakalimutan nya na magkaroon ng boyfriend kaya siguro lagi mainit ang ulo nya.

Minsan napapaisip ako paano pag tumandang dalaga ang ate ko, masasayang lang ang ganda nya kahit may mga nanliligaw naman sakanya she just rejects them and ang lagi nyang excuse ang mga responsibilities nya.

"Ano ba Eris wala kana ba talagang plano kumilos dyan? Wag mo antayin si mommy ang sumigaw sayo at hilahin ka nya pababa ".

Kaya naman bumaba na ako, alam kong out of town lang naman ang gagawin namin and hindi din kami mags-stay don ng matagal dahil bibisitahin lang naman namin ang bagong site na pagtatayuan ng restaurant, pero nagdala padin ako ng maraming gamit so that mairaraos ko ang boredom ko and para hindi lang ako nakasimangot buong byahe.

"Ate Eve tapos na ako mag impake, aalis na ba tayo?" tanong ko kay Ate Eve kaso parang hindi nya ako narinig dahil busy sya sa pakikipagusap sa phone nya, kaya naman pumunta muna ako sa kitchen para kumuha ng banana bread na iniuwi sa akin ni daddy last night .

Plano ko na sana ilagay sa isang tupperware ang natirang slices ng banana bread nang bigla akong tawagin ni mommy.

"Eris bilisan mo sa pagkain mo nyan dahil aalis na tayo mamaya sumakit pa tyan mo sa byahe".

Uminom na ako ng tubig at kinuha ang maleta ko palabas dahil halata sa boses ni mommy na galit na sya dahil ang pinaka ayaw ni mommy ang naaabutan kami ng traffic sa daan lalo ng traffic sa EDSA dahil kalimitan almost an hour kami nags-stuck sa traffic don .

Habang nasa byahe kami , hindi ko .na napigilan maramdaman ang boredom ko lalo na't hindi .ako makasabay sa pinaguusapan nilang tatlo dahil tungkol lang ito sa negosyo namin .

Kaya naman inilabas ko ang earphones ko at nakinig ng random music sa phone ko hanggang sa makaramdam ako ng antok.

"Hey Eve, wake up nandito na tayo sa hotel", agad akong nag retouch at inayos ang buhok ko at sumunod na ako kay ate papasok sa hotel .

Naninibago ako ngayon dito sa bataan dahil ibang iba ang hangin dito na hindi puro usok kumpara sa bahay namin sa Taguig.

Habang naglalakad kami ay nakita ko ang ganda ng paligid at ang bughaw na langit , namangha ako dahil ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganitong kaganda na kalangitan kumpara sa syudad na punong puno ng usok .

"Eve habang nakikipag usap kami kay Engr. Patrick about sa structure ng restaurant natin , kayong dalawa ni Eris ay mag tour muna dito sa Bataan.

Mamaya after natin maglunch dadating yung tourguide para sya na bahala sainyo habang wala kami ng mommy mo" , tumango naman si ate at nagpunta na kami sa room namin para maligo at magpalit ng damit .

"Eris tara na hinihintay na tayo nila mommy sa lobby ", pagkababa namin ay nagpunta na kami sa restaurant ng hotel. para doon kami mag lunch.

Nang dumating ang tourguide ay nagpaalam na kami sa parents namin and they said na susunod sila after ng meeting.

I can already feel na magugustuhan ko ang tour namin dito sa Bataan

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon