Nang dumating ang tourguide ay nagpaalam na kami kila mommy, bumalik kami saglit sa room sa room namin para mag ayos at kumuha ng gamit para sa pag iikot namin sa Bataan mamaya.Nilagay ko ang dslr kasama na ang cellphone at wallet ko sa isang slingbag .
Sabay kaming lumabas ni ate sa room at pumunta sa lobby kung saan nandon ang mga magulang namin at ang tourguide.
"Eve bantayan mo yan si Eris baka mamaya kung saan saan magpunta yan", alam ko minsan na lagalag ako and maraming beses na din nila ako pinapagalitan but still I'm thankful na hindi pa umaabot sa point na sinasaktan nila ako.
Paglabas namin sa hotel may wrangler na sumalubong sa amin , ito daw ang maghahatid sa amin sa whole trip namin papunta sa mga iterinary points .
Habang papaalis kami , we saw our parents waving goodbye towards us kaya naman nag wave din ako pabalik .
Nang nasa daan kami ay biglang nagsalita ang tourguide namin, " Hello I am Ms. Angeline but you can call me Ms. Angel for short.
Before tayo dumeretcho sa una nating destination , ask ko lang kayo kung gusto nyo ba mag stop over muna tayo to buy some foods or a quick run to the bathroom ", umiling naman si ate dahil gusto nya na makapunta na kami sa first destination namin." Ms. Angel saan po ang first destination natin ang malapit na po ba tayo ? " tanong ko sa tourguide namin .
" First destination natin ay ang Las Casas Filipinas de Acuzar , located sya dito sa Bagac, Bataan kaya naman malapit lang sa hotel nyo. Open air din ang museum na pupuntahan natin kaya naman hindi masyado mainit doon ".
Dahil sa sinabi ng tourguide namin ay nakaramdam ako ng excitement sa pupuntahan namin.
Nang makarating kami sa lugar ay namangha ako sa ganda ng lugar dahil pakiramdam ko nakarating ako sa sinaunang panahon.
Pagpasok namin sa loob ay mga turista agad ang una kong nakita karamihan sa kanila ay mga foreigner pero may mga taga lokal din na bumibista.
" The Las Casas Filipinas de Acuzar features 22 antique mansions built during the Spanish Colonial period", hindi man ito kasing ganda ng mga nabibisita namin sa Madrid pag nauwi kami sa Spain para bisitahin si abuela ay pupwede din itong makipagsabayan dahil sa pagpapanatili nila sa ganda nito.
Pagkatapos ng pag iikot namin sa loob ng museo ay hinayaan muna kami ng tourguide namin mag picture taking at pagkatapos ay pupunta kami sa susunod naming destination.
"Eris picturan mo ako dito sa bintana", sabay kuha ko naman sa dslr ko .
Eversince mga bata pa lang kami ay hinahangaan ko na ang ganda nya. She has a beautiful tanned skin na kumikinang kapag natatapatan ito ng araw samantala ang akin ay pale white na namana ko kay mommy .
Eventhough we have some same face features kagaya ng mala rosas naming labi at matangos na ilong ay mas standout padin sya kasya sa akin dahil sa ugali nyang pagiging matapang at madaming humahanga din sakanya dahil sa bata nyang edad ay kaya nya na magpatakbo ng negosyo.
Pagkatapos ng picture taking namin ay bumalik na kami sa wrangler para sa susunod naming pupuntahan .
"Ms. Angel can we stop over sa malapit na convenience store or gas station bibili lang po ako ng tubig ", pumayag naman ang tourguide namin at lumiko muna kami saglit sa isang malapit na gas station para bumili ng inumin.
Pagpasok ko sa loob ay kumuha ako ng isang bote ng Evian sa refrigerator at pumunta sa counter para magbayad . Bumalik agad ako sa wrangler dahil mukhang nagmamadali na kami.
Pinag pasyahan kong umidlip muna para may lakas ako mamaya dahil mukhang madaming fats na naman ang mawawala sa akin sa pag nag ikot na kami.
Pag gising ko ay nakita kong nakababa na ang tourguide namin, si ate naman ay mukhang pababa nadin kaya naman sumunod na ako sa kanya.
" Eris mamaya sila mom na susundo satin ha siguro mga 4pm nandito na sila", tumango naman ako sa sinabi ni ate at sumunod na kami sa tourguide namin.
Habang papasok kami sa loob ng Corregidor ay nakaramdam ako ng cold breeze na kakaiba dahil ala una pa lang at tirik ang araw sa labas kaya nakaka panibago ang hangin .
Napaisip ako na dahil madaming puno kaya ganito dito kumpara sa siyudad na puro nagtataasan na buildings agad ang sasalubong sayo. Sinulit ko na ang pag kuha ng mga pictures dahil alam ko na pagkatapos ng stay namin dito ay busy na ulit si ate at ang mga magulang ko sa negosyo namin.
Nang matapos ang tour namin ay nakita ko ang audi namin na nakapark malapit sa wrangler .
Nagpasalamat si mommy sa tourguide namin at nagpasalamat sakanila sa pagtotour samin. Sa tour naman namin bukas ay sasama naman sila mommy dahil huling araw na namin bukas sa Bataan.
This day might be exhausting but it is worth it.
BINABASA MO ANG
Taste of Love
Teen FictionWe have five senses. Sense of sight, hearing,smell,feel and taste. Every human have that five senses except if you are handicap you will be an exemption . Everything is normal at me,but after that accident happened my world turned upside down...