Malapit nang lumubog ang araw habang papauwi kami sa hotel na tinutuluyan namin .
Pakiramdam ko ay hindi na ata ako makakalakad mamaya para magdinner at para maglakad bukas .
Pag dating ko sa room ko ay minasahe ko ang paa ko gamit ang isang ointment para maibsan ang pananakit nito .
I regret to wear heels kaninang tour namin dahil hindi ko naman alam na mahaba ang iikutin namin sa mga napuntahan naming kanina.
Nagpalit naman ako ng isang kumportable na shirt at jogger pants at isang sandals na lang ang sinuot ko para hindi ako mahirapan maglakad dahil kakain pa kami sa isang seafood restaurant malapit lang sa hotel namin.
Kinatok ko ang kwarto ni ate at ng mga magulang ko para sabihin na ready na ako umalis .
Sabay sabay na kami bumaba at nilakad na lang namin ang restaurant na kakainan namin.
Pagpasok namin sa loob ay madami nang tao, amoy na amoy ko ang pag iihaw ng mga tagaluto dahilan para makaramdam ako ng gutom .
Mabuti na lang at nakapagpareserve si daddy dito at kakilala nya din ang may ari kaya naman hindi kami nahirapan makapagpareserve kahit pa kanina lang sya tumawag dito.
" Pumili na kayo ng kakainin ninyo para mailuto na agad and para makapunta tayo sa souvenir shop mamaya dahil maaga ito nagsasara" , nang ibinigay sa amin ni mommy ang menu ay stuffed crab ang kinuha ko dahil kahit gaano kasarap ang hipon ay allergic reaction naman ang makukuha ko dito.
Nag matapos kami kumain ay nagpasalamat sila mommy sa mga tagaluto dahil sa sarap ng pagkain na isinerve sa amin.
Pagkalabas namin sa restaurant ay dumeretcho kami sa isang souvenir shop na malapit sa kinainan namin para bumili ng pasalubong sa mga helpers naming sa bahay at mga trabahador sa restaurant .
Pagpasok namin sa shop ay madami akong nakitang mga tamarind balls , sabi nila ito daw ang pinagmamalaki ng Bataan .
Habang namimili sila mommy ng keychains at mga tshirt ay nagpunta naman ako sa mga ibinebentang bracelet.
Sa paghahanap ko ng magandang bracelet ay nakakita ako ng isang lucky charm bracelet na kulay blue , kinuha ko naman ito at binili dahil paborito ko itong kulay .
Malapit na mag alas diyes ng makabalik kami sa hotel sinabi nila mommy na magpahinga na daw kami dahil sigurado daw na napagod kami kanina sa byahe at hindi pa kami nakakapagpahinga ng maayos.
Pagpasok ko sa kwarto ay naghalf bath lang ako saglit at nagpalit ng pajamas ko at natulog na.
Nagising ako ng mga bandang 9:30 ng umaga. Naligo muna ako at naglagay ng light makeup bago katukin sila ate at yayain sila kumain ng breakfast sa baba.
Sinabi sa akin ni ate na umuna na daw ako dahil naliligo pa sya at nagaantay na sila mommy sa restaurant ng hotel.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at saka bumaba papunta sa restaurant .
Nakita kong kakalapag pa lang ng inorder nila mommy kaya umupo ako at binati sila ng good morning, "where is your sister Eris, hindi pa ba sya tapos maligo?" si dad " sabi nya sa akin daddy is mauna na daw ako and baka po patapos na sya since narinig ko po na parang pinatay nya na yung faucet", tumango naman si daddy sa sinabi ko at hinayaan nya na kami kumain .
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng saka palang dumating si ate, daddy reprimanded her dahil daw masama pinag aantay ang food, nag apologize naman si ate kay daddy and saka sya kumain .
Habang kami ay kumakain ay umalis muna si daddy saglit para kausapin ang natawag sa phone nya.
"After natin kumain ng breakfast ay pupunta tayo sa isang forest trail susunduin na lang tayo ng tourguide nyo kahapon kaya magdala kayo ng extra clothes dahil sa isang forest trail tayo pupunta " , pagkatapos magsalita ni daddy ay tinapos na namin ang pagkain namin at tumungo na sa mga kwarto namin.
Pagpasok ko sa kwarto ay naglagay ako ng white tshirt sa mini backpack ko at inilagay ko din doon ang camera at liptint ko kasama na ang cellphone at wallet ko para wala na ako makalimutan mamaya .
I just tied up my hair in a bun way then I put on some light makeup para magcompliment sa look ko today . Tinawag na ako ni ate sa kwarto ko kaya hudyat na nito para bumaba ako .
Nakita ko na nandoon ang wrangler na sinakyan naming at ang tourguide naming kahapon . "Good morning po Mr. and Mrs. Casandres sana po mag enjoy kayo sa pupuntahan natin ngayong araw", bumati naman sila mommy pabalik at saka kami sumakay sa sasakyan .
Pinaandar na ng driver ang wrangler hudyat para umalis na kami.
Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na byahe ay nakarating na kami sa forest trail .
Dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw ay minabuti kong ilagay ang sunglasses ko para hindi ako masilaw .
Habang naglalakad kami sa entrance ay inoorient kami ng tour guide namin tungkol sa mga dangers sa loob .
"Before po tayo pumasok sa loob dapat po mag stay lang po tayo sa trail dahil delikado po ang mga gilid at marami pong bato dyan baka po mapahamak kayo. Mag ingat din po kayo dahil minsan madulas po yung trail".
Binigyan kami ng mapa ng namamahala sa trail papunta sa ibat iba nitong attractions at para hindi din kami maligaw.
Sumunod naman si Eris sa likod ng mga magulang nya sa daanan sa trail. Habang sila ay naglalakad ay binuksan nya ang dslr nya para kunan ang trail .
Sa pagkuha nya ng mga pictures ay napansin nya ang ganda ng mga puno at ang view ng kalangitan .
Sa paglalakad nila ay ibinalik nya na ang camera nya sa bag nya ngunit sa pagbalik nya nito ay nahulog ang cellphone nya palabas sa trail dahilan para mahulog ito sa gilid.
Naisip ni Eris na nasa gilid lang naman ang cellphone nya at baka mapagalitan pa sya kung hindi nya ito kunin .
Ngunit nakita nyang medyo nakakalayo na ang mga kasama nya kaya minabuti nyang bilisan ang pagkuha .
Sa pag mamadali ni Eris na makuha ang cellphone nya ay naipit ang rubber shoes nya sa isang sanga malapit doon dahilan para mahulog sya.
"Eve yung kapatid mo nasaan kanina nasa likod lang natin sya" tanong ng kanilang ama na parang kinakabahan na, " Balikan ko saglit daddy baka busy pa sa pagkuha ng pictures ", sa pagbalik ni Eve sa dinaanan nila ay nagulat sya sa dami ng tao na nagsisiksikan, ang iba pa ay nagsisigawan.
Nang makita nya ay namutla sya at dali daling napatakbo sya sa mga magulang nya.
" Daddy bilis si Eris dad si Eris naaksidente!".
BINABASA MO ANG
Taste of Love
Teen FictionWe have five senses. Sense of sight, hearing,smell,feel and taste. Every human have that five senses except if you are handicap you will be an exemption . Everything is normal at me,but after that accident happened my world turned upside down...