TOL #5

10 3 0
                                    

Dahil sa sinabi ni Eve ay agad silang tumawag ng mga doctor para matignan ang kalagayan ni Eris.

“Mr and Mrs Casandres maayos na po ang kalagayan ni Eris and she’s awake. Anytime soon pwede na po sya madischarge sa hospital”.

Pagkaalis ng doctor ay pinuntahan ng kanyang pamilya agad si Eris.

“Eris we’re glad that you finally woke up, konting pahinga nalang and gagaling kana”, sabi ni mommy.

I can   still remember that time na nahulog ako and nagsisisi ako dahil kung sinunod ko lang ang mga sinabi kanina ay  hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Dapat ay sinabi ko na lang kila mommy na nahulog ang cellphone ko at para maipakuha na lang sa mga crew ng trail.

I know na mapapagalitan din ako but atleast hindi naman ako malalagay sa gantong situation.

“Eris are you hungry? If yes pwede ka naming ibili ng pagkain sa canteen dito dahil sigurado nanghihina ka padin”, pagtatanong ni daddy sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni daddy sa akin.

Umalis sya at naiwan si mommy at si ate dito para bantayan ako dito sa kwarto ko.

They we’re so glad that nagising na daw ako puro kwento pa si ate tungkol sa mga nangyari while I was unconscious.

Mom was laughing a bit at her but when I saw the bags under her eyes I regret every single this na ginawa ko that time dahil hindi sila mahihirap
an ng ganito kung hindi dahil sa akin.

Also  for ate Eve, she may seem too tough sometimes but when I always get in trouble nagiging mabait sya sa akin at nakikita ko kung paano sya mag care sa akin.

Nang makabalik si dad ay may mga dala syang food packs na naglalaman ng kakainin namin.

Nagmukha tuloy na may handaan sa kwarto ko dahil sa dami ng kanyang binili.

“Here are the foods that I bought for you anak , kumain ka ng madami dahil mamaya ay uuwi na tayo sa Taguig”, sabi ni daddy sa akin.
Binigyan din ni daddy sila mommy ng pagkain at nagtungo sila sa table ng kwarto para kumain while i just eat on my bed kasi sabi ni ate ay mahihirapan pa daw ako.

Burger steak ang ibinigay sa akin ni daddy kaya naman  nararamdaman ko na masasarapan ako sa aking pagkain but when I start to eat my food I just felt na parang may kulang sa kinakain ko, it just tasted bland like it doesn’t even taste anything.

Napaisip ako na baka dahil lamang ito sa mga  gamot na nasa katawan ko or baka iba lang ang luto dito at hindi ko preferred ang lasa.

Minabuti kong ubusin na lang ang pagkain ko dahil baka masayang lang at pakiramdam ko anytime babagsak ang katawan ko pag hindi pa ako kumain. I just drank enough amount of water para kahit papano ay marehydrate ang katawan ko dahil nagamumukha na akong sobrang putla.

“Eve tulungan mo magpalit si Eris ng damit while kami ng mommy mo ay isesettle ang payments at bibili ng mga kakailanganin ni Eris for her to recover”, utos ni daddy kay ate.

Sa kama na lang ako tinulungan ni ate para magpalit ng damit dahil hindi ko pa kaya tumayo dahil may bandage ang binti ko. Inalalayan nya ako sa pagpapalit ng underwear ko at isang loose dress na lang ang pinasuot nya sa akin.

Pagkabalik nila mommy ay may dala silang wheelchair at may kasama silang nurse para alalayan ako palabas ng hospital.

When I was young kada napunta kami sa hospital para sa monthly check up ng pamilya ay lagi ako nasakay sa wheelchair because I thought that it was fun but now I feel like ang hirap din pala dahil hindi ka masyado makagalaw ang you need to behave.

I’m like a bird with a broken  wings.

Bago kami lumabas sa hospital ay nagpasalamat si dad sa mga tumulong para maging safe ang kalagayan ko. I just smiled at the nurses as we went outside.

Si dad ang nagbuhat sa akin papasok sa kotse habang si mommy at ate ay ipinasok ang mga gamit namin sa compartment.

Natutuwa sila dahil makakauwi nadin kami at  magkakaroon ng pahinga sa mga nangyari.

Habang papaalis kami dito sa Bataan ay inalala ko ang lahat ng mga nangyari. Siguro ay sobra akong naging masaya kaya sa huli ay ganito ang nangyari sa akin. Rollercoaster of emotions, I guess.

“Eris pag uwi natin ay dadalhin ka namin sa St. Lukes para mas matignan nila doon kung may complications ba na nangyari from the accident kasi kulang ang equipment sa hospital sa Bataan kaya kailangan ka naming dalhin doon”.

Umoo na lang ako sa sinabi ni daddy dahil alam ko na ito naman ang makakabuti sa akin kahit pa na nanghihina pa ako gusto ko padin bumuti ang pakiramdam ko at para wala sila masyado problemahin sa akin dahil I’ve had enough.

Huminto muna kami sa isang gasoline station dahil magpapagas muna kami si mommy and ate naman ay nagpunta sa washroom.

Nanatili ako dito sa loob ng sasakyan naming dahil ayon nga may injury ako. Nasa wrist ko padin ang lucky charm na binili namin noon sa souvenir shop.

“Well it didn’t really seem like it is a lucky charm but just a ordinary bracelet. Siguro dapat di talaga ako naniwala na may luck sayo kasi tignan mo nangyari sa akin”.

I stopped talking to the lucky charm nang dumating ang family ko. Nakatitig padin ako sa lucky charm bracelet ko dahil kahit pa na wala itong luck na naibibigay it still looks fashionable on me though.

Dahil mahaba pa naman ang byahe namin, I decided na matulog muna since wala naman ako pagkakaabalahan kasi wala akong cellphone and ang journal ko naman ay nasa bag ko na nasa compartment ng sasakyan.

It’s kinda weird since nung nasa hospital ako lagi akong tulog and hanggang ngayon gusto ko padin matulog. Sinabi ko na lang kay ate na gisingin nya ako pag nasa Manila na kami.

Mga hapon na nang gisingin ako ni Ate. Tumigil muna sila saglit sa restaurant namin para icheck kung maayos ba ang pagpapatakbo habang wala kami.

Pagkatapos namin bumisita ay nagdesisyon na kami umuwi sa bahay at bukas na lang pumunta sa hospital dahil gusto na magpahinga nila mommy.

Pag uwi namin ay sinalubong agad kami ng mga helpers namin sa bahay. Lahat sila ay nagtatanong kung anong nangyari sa akin.

Sinabi naman ni ate na mahabang kwento at bukas na lamang nila sasabihin dahil kailangan na naming magpahinga.

Ang isa naming helper ang tumulong sa pagtutulak ng wheelchair ko. Sa guest room na lang ako dinala nila daddy dahil nasa ground floor lang ito ng bahay naming at mahihirapan ako kung iaakyat pa ako sa kwarto ko.

Iniwan na nila ako sa kwarto ko. Dinalhan na lang nila ako ng pagkain at nilagay ito sa tray para madali ko ito makuha.

Dati gusto ko lagi yung treatment sakin dahil maraming nag aalaga sa akin dahil nga ako ang bunso but the care that they were giving to me now makes me feel that I’m such a brat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon