Nananabik sa unang araw ng eskwela ...
-- sige kanta pa :)
Naku ! Late na yata ako ! Ang una kong nasabi ng marinig ang isang boses ng babae mula sa loob ng bago kong papasukan na school. Napakaraming students meron ang school na ito kahit sabihin mo pang Public School lang. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang makakasama sa loob ng apat na taon na pagaaral ko dito.
Pinapila ang mga students sa covered court na hindi ko mawari kung anung klaseng amoy ang meron. May kung anung amoy patay na palaka ang sumagi sa aking ilong. "Nakakainis gitgitan ng gitgitan !" Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinanap ko nalang tuloy yung mga dati kong kaklase. At buti naman nakita ko agad sila. Nagsipila kami na animoy mga sardinas na nagyayakapan sa loob ng lata ng MEGA SARDINES.
"Maiwan lahat ng freshmen. Maari na kayong magsipasok sa inyong mga rooms." bigla na lang namin itong narinig mula sa stage. Babanggitin narin kung anong section kami at kung anung room.Hay salamat. Maririnig ko na rin ang napakaganda kong pangalan. As usual unang tatawagin ang mga Star Section. Aba bigla kung narinig yung pangalan ko ! Aja aja ! Dali dali naman akong pumunta sa bago koung room ( Infernes ! Nasa star section ang bruha ) .
Nasa room na nga ang lahat pati narin ang bago naming adviser. Nagpakilala na si maam. Alam ko na kung anung susunod nito "Introduce yourself". Ang bibilis nila magpakilala hindi ko tuloy na malayan na ako na pala. Ito kasing katabi ko kasing bilis ng elisi kung magsalita.
Shy type pa ako sa pagtayo. I'm Maria Alexa Sison. 12 years old. From Sabatan Elementary School. Sabay upo ako ng mapansing nakatingin na silang lahat sa akin. Mahiyain din kasi ako paminsan-minsan.
Taratatatatatatatatatat ! Natapos na rin dumaldal tong mga to . Dahil firstday of school at wala pa namang klase pwede na muna kaming magsibilyan sa hapon. Nakakatamad . Paglilinisin lang naman kami.