Part 8 ( Ang Kaarawan ng isang Napaka-gandang Binibini )

36 0 1
                                    

Happy na birthday pa, Happy na birthday pa :)

-- It's my day ^^

Pagkagising ko ang dami na agad text sa phone ko. August 24, Puro bati ng bati ng bati (pag ako nabati ay), birthday ko kasi ngayon. Bagong taon na naman, I'm 13 years old. Yes ! Teen. May teen na yung age ko HAHA. Dahil may pasok ngayon back to the routine.
 Nagayos na ako ng sarili.

Pagdating ko sa school late na. Ala kasi akong masakyan kanina. Di ko nakita si Drew, hindi nya nako nahintay sa sobrang tagal ko. Pagdating ko sa tapat ng room " Goodmorning maam, Goodmorning classmates, Sorry I'm late, May I come in?' grabe nakakahiya nakatingin silang lahat sakin. Buti na lang mabait talaga si maam at pinapasok nako, pano kasi nagtuturo na siya ng dumating ako. Itong mga kaklase ko akala mo naman may dumating na magnanakaw ng timba pagpasok ko >___< .

Malapit na mag 8:30 ang bilis ng oras kasi nga late ako. May biglang isang tropa ng mga lalaking estudyante ang dumaan sa room ang dumaan habang umaawit ng... " Happy Birthday to you. Happy Birthay to you. Happy birthday happy birthday." hanggang sa mawala yung mga boses na akala mo basag na speaker sa kapitbahay. Si Drew at ang mga kaklase niya dumaan palipat na sila ng  room kinantahan pa ko . Ayan tuloy kinilig mga kaklase ko. HAHA. panu ba naman kasi nagsigawan. shhhh -.- nagtuturo si mam e ay pag iyan nalaman . Tinanong ni maam kung bakit sila nagsigawan . "Wala po" sabay sabay na sagot ng mga kaklase ko. Kinabahan ako dun ahh. Biglang nagring yung bell. Haha labasan na !

Paglabas ng room binati na ko ng mga kaklase ko. Kinikiliti pa ako kasi kinikilig daw ako. Ako naman sige tawa lang sa mga pangungulit nila. Nakita ko si Drew nakatingin sakin. Nginitian ko lang siya nginitian niya lang din ako. Dahil ngumiti siya sakin please naman Lord iperfect nyo napo yung test namin sa Math ngayon. HAHA

Nagtext si Drew binati niya ulit ako "Happy Birthday Eya. Magiingat ka lagi. Alam ko na bago palang tayo. Pero sana walang susuko. Iloveyou :*." Masaya ako sa nabasa ko kaya alam ko na mas magiging strong pa kami ni Drew bihira nalang ang seryoso sa panahon ngayon.

Nagtext sakin kanina si biik tska si itlog, I mean si Cyrence tska si Kyle.

Cyrence: "Happy Birthday Eya :) sna mging msya ngyon ang brthday mo. mag iingt ka plagi."

Kyle: "Uy ganda. Happy birthday. nandito lang ako lagi pag kailangan mo ko. Manlibre kana :D"

Sana nga matapos tong araw nato na walang pambadtrip sa birthday ko. 

Uwian na namin sa hapon. Hinintay ko si Drew sa shed ang tagal kasi ng labasan nila. Major nila ngayon. Tapos nakita ko lumabas na yung mga kaklase niya.

Ang tahimik namin habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Hiniram niya yung cellphone ko. Tapos tinignan ko siya . Para bagang lalong nagiba yung mood niya. Parang nainis kulang nalang ibato cell phone ko. Tapos binalik niya narin sakin. Bigla akong kinabahan. Alam ko na nabasa niya yung mga text  ni Cyrence at Kyle dun.

Pagkauwi ko sa bahay nagbihis ako tapos tumambay ako sa labas namin. Tapos may tinanong sakin si mama. Sino daw yung lalaking nasa taas kasama si Chris. Nagulat ako kasi pagtingin ko nandun si Drew nakaupo sa bato. Sabi ko kay  mama classmate yun ni Chris siguro tumambay lang . Tinext ko siya tinanong ko kung bakit  nandun sya . Sabi niya gusto nya daw sana ako kausapin tungkol kay Cyrence at kay Kyle. Hindi ako nakapagreply. Di ko alam kung ano yung mga isasagot ko sa kanya kung tatanungin nya man ako.

Ang Pana ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon