Tinamaan nga ako ... Walang hiya ka kupido >.<
-- may nainlove na naman yata sakin ? ang ganda ko talaga :)
Bago kami magsimula sa klase pinatawag na lahat ng Candidate for First Year Counsilors . Magsisimula na daw kasi yung campaign namin at bukas na yung voting.
* Flashback *
Biglang dumating yung mga SSG ( Supreme Student Government ) sa room namin . Tinanong kung sino yung willing na humabol para sa First year councilor. Syempre nagtaas ako ng kamay . Gusto ko kasi maging part ng SSG at magserve para sa school.
* End of Flashback *
Lumabas na kami ng room. Ang dami namin mga nasa 13-18. Dahil alphabetical yung system ng campaign kahuli-hulihan ako sa magsasalita. Pumunta muna kami sa 1-E Nagsalita na yung SSG President. Sinumulan na yung pagpapakilala. "Sample! Sample! Sample! " bigla ako kinabahan . Ganto pala dito kailangan pa ng mga sample sample na yan . " Anu to ? Showtime ?" tanong ko sa kaklase ko. Nagisip tuloy ako kung anu gagawin ko . Kung kakanta o sasayaw . Dahil mahilig ako sumayaw... kakanta na lang ako :) Biglang may kumalabit sa akin "Oy ! ikaw na raw." Sa kakaisip ko kung anu namang kakantahin ko hindi ko alam na ako na pala yung magsasalita. Dali-dali akong tumakbo papasok sa room.Hindi ko alam kung ano-ano yung pinagsasabi ko basta english kahit barok.
"Sample sample!" biglang may sumigaw . "Oh****!" nabigla ako . Anu ba pwedeng kantahin . Bahala na.
"Baby you're my destiny you and I were meant to be. With all my heart and soul , I'll give my love to have it all. And as long as I can see you were always meant to be my destiny." Hindi ko alam kung tama yung mga lyrics ko basta kanta lang ako ng kanta. Narinig ko nalang palakpakan nila. Hindi naman kasi ganun kaganda yung boses ko kahit napasok ako sa Glee Club ng school namin. Tinawag na ulit isa isa yung candidate at lumipat narin kami ng room, sa kabilang room lang naman.
Pagdating namin sa room na yun, napakaingay sigawan sila ng sigawan anu ba kasing section to ? Bigla na naman tuloy akong kinabahan kahit paulit ulit lang yung sasabihin. Baka naman siraulo tong mga estudyante dito . "Ate anu po bang section to?" tanung ko sa V-President ng SSG. 1-D pala to. "Ikaw na next" sabi nung V-President. Naghanda nako sa labas ng pinto.
"I'm Maria Alexa Sison. 1-A. Aspiring to be a First Year Councilor. I'm not here to ba popular, I'm here to say that if you will trust me to be an SSG Officer, I will help our school to be clean and have peace. At inulit ko na nga yung mga pinagsasabi ko kanina. Nakatingin silang lahat sa akin."Sample!" may dalawang lalaki na biglang sumigaw dun sa bandang likod ng room. Yung isa mukang busog na busog na biik, at yung isa naman mukang pinagulong na bugok na itlog. Hindi ko nalang sila pinansin pero napilitan akong mgsample kaya kumanta na naman ako. Pero this time change song number naman ako . Parang concert lang.
"The smile on your face lets me know that you need me. There's s truth in your eyes saying you'll never leave me. The touch of your hands says you'll catch me, whenever I fall. You say this, when you say nothing at all." nakatahimik silang lahat, may dumi ba sa mukha ko ? "Hooooooo hooooo hoooo!" biglang sumigaw yung dalawa sa likod kaya sumigaw naren tuloy lahat . Grabe ! Hinding hindi ko na ulit babalaking pasukin tong section nato.
Nakakapagod maghapon. Kahit paulit-ulit lang mga sinabi ko, piling ko para akong bungkos ng sariwang kangkong na nalanta dahil sa kakahawak sakin ng mga kamay na ginamit sa pangungulangot . Biglang lumapit sakin si Chame, may binigay sakin na isang maliit na papel. Binuksan ko yun. Nagulat ako at napatingin sa kanya. "Number yan ni Kyle, yung medyo maliit na lalaking sigaw ng sigaw kanina sa likod namin. Itext mo daw siya" . Napatango nalang ako nung sinabe niya yun, pero wala talaga akong balak itext tong mukang itlog nato. Biglang nagtext si Drew hindi nya daw ako maihahatid.
Pagdating sa bahay, ginawa ko yung assignment namin sa Science na about Force. May biglang nagtext sakin. "Hi" sino naman kaya to ? tinanong ko kung sino siya . Ang bilis magreply siya daw si Cyrence Medina. Sino kayang Cyrence? Siya daw yung matangkad na lalaki kanina sa 1-D . "Yung sigaw ng sigaw" nang ireply nya sakin bigla ko na sya naalala . Siya pala yung biik na nagkukulay violet sa kakasigaw kanina. Aba! ang bilis naman ni kuya maka-bingwit ng number? Makisig. Nakalimutan ko may assignment nga pala ako, kaya pinagsabay ko na yung text at assign.
Mahaba-haba narin yung napagusapan namin. Kwentuhan lang about sa life at study. Kaso bigla akong inabutan ng antok kaya humiga na ako.