Wag ka ng umiyak sa mundong pabago-bago ..
~~Yeng Constantino.
Nalaman na ni Drew na nanliligaw sakin si Kyle. Nandito kami ngayon sa isang abandunadong sirang pick-up. Nakatingin silang lahat sakin. Ang sama sama tuloy ng tingin ko sa sarili ko. Niloloko ko ba si Drew ? Biglang nagsalita si Nicole; "Drew wag mo hahayaang mapunta yang girlfriend mo dun sa lalaking hilaw na yun." Hindi ko alam kung bakit botong boto tung mga to kay Drew, dahil narin siguro sa bait niya.
Hindi man lang ako umiimik. Bigla akong tinanong ni Roma; "O, Anu ? Makikipagbreak kana kay Drew ? Tapos sasagutin mo yung hilaw na lalaki na yun? . Lumapit sakin si Drew at ibinigay ang isang kulay pink na Catleya kinuha ko yun sabay takbo paalis, iniwan ko sila, feeling ko napagtutulungan na ako.
Bigla kong nakita si Drew na naglalakad papunta sakin. Binilisan ko yung lakad ko, pero tumakbo siya. Tinawag niya ko, " Alexa !" Hindi ako lumingon pero hinatak niya yung braso ko sabay tanong kung kami pa ba o hindi na.
"Break na tayo" ang huli kong nasabi at naglakad na papalabas ng paaralang ito na mahigpit na yumayakap sakin na tila nagsasabing "Huwag mo siyang iwan" Lumingon ako sa likod. Nakita ko ang mga mata ni Drew na nakatingin parin sa kinalalagyan ko na parang nagmamakaawa na ako'y bumalik.
Pagdating sa bahay tinext ko si Drew, nagsorry ako sa kanya. Gulong gulo ako. Naalala ko yung pink na catleya na binigay niya. Pagbukas ko nun napakalinis, wala kahit isang bahid ng nagtataeng black ballpen at wala manlang akong nakitang bilog na hugis itlog na nakuha niya kanina lang sa test nila. Binuksan ko mula sa likod, nakakita na ko nga malalalim na salita at binasa ko yun.
"Anak gising na!" pasigaw na sabi ng nanay ko kahit kalmado siya." iyan ang una kong nabasa. Habang tumatagal ako sa pagbabasa lumalalim ang mga pangyayari. May kung sino sinong pagkakakilanlan ang dumaragdag. May isang babae ang kumuha sa kanyang mga tingin. Tila kung may anong paputok ang sumabog sa kanyang mga dibdib.
"Diary ?, Kwento ba namin ito?' habang binabasa ko yun parang nangyari na rin sakin yung mga nakasulat. Tinext ko ulit siya kung anung kwento yun, sinabi niya sakin na tungkol yun sa kwento naming dalawa. Nagulat ako. Ganto pala siya kaseryoso sa relasyon namin. Nalaman ko kung ano yung mga ginagawa niya lalo na kapag nagaaway kami at nasasaktan siya. Nakakaiyak naman to ! Nakokonsensya tuloy ako sa ginagawa ko . Hindi ko alam kung anung gagawin ko .