Sinong pipiliin ko ... Mahal ko o mahal ako ...-- Kz Tandingan . Kamukha ko daw siya :)
It's Friday morning.
"Oy! Papasok kana ba ?"
Nagreply agad siya . "Hindi pa. Maya maya pa"
"Sige hintayin kita sa court ahh ;) bbye." Reply ko naman sa kanya.Mhh. Kunti pa lang yung tao sa school. Medyo napaaga kasi yung pasok ko . "Nasan kana ba kasi Drew?" Bulong ko sa isip ko . Hanggang sa padami na ng padami yung students dito sa court.
*Chris' POV*
"Oy pare ! Kanina pa naghihintay si Eya sayo ahh ? Nandun sya sa court ."
"Nandun pa ba sya ? Tanghali na nga ako pumasok ee ." Sagot sakin ni Drew.
"Nandun pa yon. Puntahan mo na"
" Nako hayaan mo siya dun." Sabay alis ni Drew . Kilala ko tong tao nato. Yung tipong walang pakialam pero deep inside, may nararamdaman nadin pala . Yun nga lang may pagkatorpe din kasi . Gusto nya si Eya hindi niya lang talaga masasabi dahil torpe nga siya .Pumunta ako sa court para makita kung nandun pa si Eya. Wala na siya . Siguro pumasok na tanghali na kasi ee .
* Eya's POV *
Naku! Nakunakunaku ! Lagot ka talaga saking lalaki ka" Ang tagal ko naghintay sa court pero kahit libag lang ni Drew di ko manlang nakita .
Hinintay ko siya nung uwian sa hapon sa may shed."Hoy.Drew!" May gusto kaba sakin ? May balak ka bang ligawan ako ? Hindi nakaimik si Drew . Siguro isa lang ibigsabihin nito . Gusto nga talaga niya ako . Bigla ko nalang narinig na nagsalita siya. "O--oo" Aba tong lalaki nato pinapakilig ako :) feeling ko tuloy ako na yung pinakamagandang babae sa balat ng saging :) ^^ ahaaay .. este sa balat ng lupa .
Umalis na ren siya . Kami naman nila Nicole naglakad na papunta sa schoolbus. Malayo pa kasi yung bahay namin samantalang si Drew diyan lang sa iputan . Pagdating sa bahay nagdadrama na naman tong nanay ko. Bakit gabi na naman daw ako umuwi . Ang tagal kasi ng schoolbus hinihintay pa namin. Halos 5:30 na dumadating . Ayoko naman sumakay ng tricycle sayang yung baon ko .
Wala akong balak itext si Drew. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos nung sagot niya sakin kanina . Kaya gumawa na lang ako ng assignment at natulog.Kinabukasan ang saya saya ko pumasok . Haba ng hair ng bruha . Nung tanghali na hinanap ko yung mga kaibigan ko . Magkakaklase lang naman sila ee . Naisip ko bigla na may balak nga pa lang manligaw si Drew. Tinanong ko kung sinong may pantawag . Binigay sakin ni Nicole yung cellphone nya at agad ko tinawagan si AJ. Di ko nga pala nabanggit may boyfriend ako maaga kasi lumandi ee .
* Flashback *
Namatay yung tatay nila Aj kaya lumuwas sila galing Pampangga papunta dito sa Bataan . Nagulat ako pagdating sa lugar namin nakita ko yung matangkad na mapunting lalaki nayun . Sabi sakin ni mama si Aj daw yun . Sakto naman namili ng Pop na malaki samin may tindahan ksi kami. Yung susunod na balik nila samin magpapasko na . Nakakatext ko na rin siya . Tinanong niya ako kung pwede manligaw umoo naman ako . Dec. 23 alas 9 ng gabi sinagot ko sya . Sabi ko kasi sa kanya bago matulog kami na . Haha . Nakasayaw ko siya nung may Christmas party samin . Nakahawak siya sa bewang ko ako naman sa balikat niya . ( Ganda ko no ? )*End of Flashback*
"Hello" . Break na tayo ayoko na. Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi ko lang sa kaniya na hindi ko na sya mahal. Kinukulit nya ako at patuloy na sinasabing mahal na mahal niya ako. Pero binabaan ko lang siya ng phone. Natahimik na lang tuloy ako at hindi ko malaman kung nakokonsensya naba ako sa mga pinagagagawa ko ngayon.
"Oo wala na kami ni Aj. Nakipagbreak ako". Buti naman' sagot ng mga kaibigan ko . Hindi ko alam kung anung gagawin ko . Mahal ako ni Aj, minahal ko din naman siya. Pero ngayon nasa harap ko na si Drew nakilala ko na at minamahal ko na ngayon.
"Tanga lang ba talaga ako?' Sabi nga sa kanta "Sana dalawa ang puso ko" pero hindi naman maaari T.T
Tinapik ako ni Roma. "Hoy tara na nga magsikain na tayo." Pumunta kami sa cavite, isang tambayan sa school malapit sa dagat na pwedeng kainan.