"START"
(Him)"Your Highness pinapatawag ka raw po ng mahal na hari sa batis." Tumayo na ako at inayos ang aking polo. I looked at my butler with mixed astonishment. Ang hari ipinapatawag ako sa labas ng palasyo? I can't believe my father will let me out of the palace that he forbids.
"Tell the maids not to come in here. By the time I found out someone had tried to break in. You will be the first to have your neck amputated." Malamig kong itong tinitigan kaya't agad itong yumuko.
"Masusunod, your highness." Agad naman niyang binuksan ang pinto, paglalabas ko ng library ay bumungad sa akin ang aking Tiyo na malawak ang ngiti. 'I hate this guy' I thought
"Magandang hapon Tiyo." bati ko rito. Kahit ayoko, kelangan dahil ito ay isa sa Rules ng aming pamilya. Ang igalang ang isa't isa. Tumango lang ito. Hindi maganda ang kutob ko rito. Base palang sa kanyang ikinikilos.
" Samahan na kita pumunta sa kapatid ko." tinitignan ko lamang ito at naglakad na pa punta sa tarangkahan.
Sa puntong ito, sampung minuto na kaming tinatahak ang daan papuntang batis, bigla nalamang nagsalita ang Tiyo na aking ikinagulat.
"Mga kawal ipinagbilin ng hari na hanggang dito lang kayo." Agad namang sumunod ang mga kawal sa sinabi nito.
" Ano bang importanteng sasabihin ni ama at pati kawal ay bawal sumama?" Agad na tanong ko rito. Dahil may mali talaga akong nararamdaman. Ewan ko nga kung bakit ko sinusunod itong Tiyo ko.
" Ito'y utos ng kamahalan, kaya sundin mo nalang munting prinsipe." Nauna na itong naglakad at talagang nilagpasan pa ako? Sa aming dalawa, Ako ang pinaka mataas dahil ako ang pumapangalawa sa Hari at siya'y puma-pangatlo lamang. Kahit kapatid siya ng aking ama, ganoon paman, ako parin ang nakakataas pagdating sa rangko. Ang lakas ng loob nitong itaas ang ulo nito at lagpasan ang nakakataas sa kanya!
Pagdating namin sa batis ay agad hinanap ng mata ko si ama. At ni anino nito ay wala akong nakita. Sinasabi kona nga ba! Napatawa nalang ako ng maalalang dalawang beses na akong na-uto ng Tiyo ko. Pangatlo na ito!
" The one and only son of my brother. Naka chamba pa ang kapatid ko't nabiyayaan siya ng isang prinsipe. Sa pagkakaalam ko ikaw nuwebe ka ng anak ng aking kapatid. Sayang nga lang at naging lalake ka. Kung naging prinsesa ka sinamahan mo na sana ang iyong mga kapatid sa libingan. Tama ba ako? Ang future king ng Ruviliss?" Sabi niyang pa bulong sa aking likuran.
"Anong kailangan mo?" nagulat ako nang hawakan ni Tiyo ang magkabilang balikat ko at saka nya ito pinisil. Ininda ko ang higpit ng pagpisil nito.
"Ako? Ano pa nga ba? I want the throne and-"
" Sabi na nga bang hindi ka pwedeng pagkatiwalaan!" Kumawala ako sa mga kamay nito ay agad akong tumakbo sa ka-kahuyan. Sa kamalas-malasan ng buhay ko. Lumaki ako sa palasyo hindi alam ang pasikot sikot dito. Lumalabas lang ako kapag may seremonyang gaganapin sa Labas. Dahil sa oras na mapasakamay ko ang trono doon na lamang ibibigay ni ama ang kabuoang mapa ng kingdom. Malaking kalokohan hindi ba?
"YOU LITTLE BRAT! ALAM MO KATING-KATI NA ANG MGA KAMAY KONG PATAYIN KA!" rinig kong sigaw ni Tiyo. Nalintikan na hindi ko kabisado ang lugar na ito. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may tumamang pana sa kanang balikat ko. My Uncle is going crazy! Malamang trono ang pinaguusapan dito! Sino ba naman ang hindi mababaliw kung pinagdamot sa iyo ang trono na sa kuya mo napunta, hindi sa iyo?
"HAHAHA hindi mo ako matatakasan. Takbo prinsipe. TAKBO!" Bumagal ang pagtakbo ko dahil na rin sa tama ng palaso sa aking balikat na nangingirot na. Shit...shit...shit... Bakit ngayon pa na wala akong laban sa kanya!
I could not feel my power na tila nauubusan na ng mana ang buo kong katawan. Then suddenly remembered the coffee my butler had given me. That d*mn traitor!
Napaluhod na ako ng may bumaon uli na palaso sa aking likuran. Sa puntong ito nag-uumpisa nanga lumabo ang aking paningin.
Hindi pwede! Malamang sa malamang ipapalapa ako ni Tiyo sa kanyang mga aso kapag nahuli niya ako!
Agad akong pumasok sa isang punong nakahawi ang kanyang mga ugat sa ibaba. Isa itong malaking puno at kapag sinukat mo ito siguradong kukulangin ang sampung tao sa pag yakap dito. Sa pagkakatanda ko ay ang mga ganitong puno ay bibihirang hanapin sa buong mundo. Bagamat ito lang ang alam ko sa mga ganitong klaseng puno ipinag sawalang bahala ko nalang ang nalalaman ko. Ang nais ko lang naman ay ang makatakas sa aking Tiyo!
Walang bakas na pagsisising tinahak ko ang daan pa ibababa ng punong ito.
"Kamahalan! Bigla nalang pong nawala ang prinsipe."
"Mga walang kwenta! Malaraming dugo ang nawala sa prinsipe, hindi iyon makakalayo. Halughugin bawat sulok ng gubat!"
"Masusunod kamahalan!"
"It's seems like, the prince know how to play hide and seek. Well hide as long as you want your power can't protect you either tsk."
Sa isang pagkakamali ay nadulas ako at dumausdos ang aking katawan paibaba. Manhid na ang aking katawan kaya't hinayaan ko na lamang mahulog ang aking walang buhay na katawan sa malamig na tubig.
"H-Help." huling bigkas ko bago lamunin ng mga ugat ang aking katawan.
YOU ARE READING
Ms. PRINCE (On-going)
FantasyThe cold prince, known for his icy demeanor and exceptional talent in Ice magic, has always felt out of place in the rigid, patriarchal society of his kingdom. From a young age, he knew that he was different from the other boys - he was born with th...