"STRANGE HISTORY"
(HER)Habang sumisipsip ng kape ay pinapanood ko lang mag talo ang mag-ina. Infairness pwedeng pwede na maging artista ang dalawa. 'Kanina pa nag babangayan'
"Ipangako mo na hindi mo babanggit sa iba ang nalalaman mo." ikinumpas ni manang Fe ang Kanyang kamay, sa oras na ito ay biglang lumabas ang maliliit na particles na unti-unting namumuo sa kanya palad.
"Tama ako? Ang ibig kong sabihin babae ang prinsip-" biglang sinenyasan ni manang fe ang kanyang anak na tumahimik, kaya agad na tinakpan ni Annie ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Holly cow, ibig sabihin nito, yung crush ko babae? Hindi ito katanggap-tanggap! Huhuhu. Gusto ko pang pakasalan ang prinsipe!" Muntik ko nang madura ang iniinom ko dahil sa mahinang sambit ni Annie.
Wala naman akong ikakabahala dahil alam kong madaldal si Annie ngunit kapag ang mga sekreto ang pinaguusapan, tikom ang bibig nito. "Pumirma ka sa kontratang hawak ko. Sa oras na nilabag mo ang kasunduan, mawawalan ka ng kapangyarihan ng limang taon." Hindi mo masisisi si manang fe kung wala siyang tiwala sa anak niya, dahil hawak niya ang kinabukasan ko.
"Luh limang taon agad, Anak niyo ba talaga ako mama? Bakit wala kayong tiwala sa akin? Ma ibig-sabihin nito isa lang akong ampon? Hindi ito maaari, matapos nyo akong gawing utus-utusan mamalengke! M-"
*Bogshh*
Grabe ang OA ha. Ayan tuloy nakatikim ka ng batok.'Deserve'
"Pwede bang kumalma ka muna?! Pipirmahan mo lang ito, ang dami mo pang dada. Ehh kung isampal ko sayo yung birth certificate mo." Sambit ni manang Fe na agad namang nag peace sign si Annie.
"Mama naman eh, nag jojoke lang ako! Akin na nga baka palayasin mona ako sa bahay." Matapos pirmahan ni Annie ang papel, agad namang nasunog ang papel. Well that's what they call Magical Contact Paper, ang papel na iyon ay gawa sa mahika, na ibinebenta sa mataas na halaga ng ginto.
"Pasensya na Prinsipe sa ikinikilos ng aking anak" yumuko nalamang si manang Fe.
"Pasensya na po, na nga-ngako akong hindi ko babanggit sa kahit na kanino ang mga nalalaman ko, ngunit may isa po akong katanungan kung maaari."
"Sige ano yun?"
"Papaanong kaya mong palitan ang iyong kasarian? Ang cool kasi ang gwapo mo tapos kung gusto mo maging maganda mag papalit ka lang anyo, naging babae kana."
"hahaha, rare ability I think?" Iyon nalamang ang isinagot ko dahil ultimo ako mismo ay hindi alam kung bakit mayroon akong ganitong hindi maipaliwanag na kakayahan.
"Maraming salamat po sa pagsagot ng aking katanungan prinsesa este prinsipe."
"Drop the formalities. Just call me by my name." Tignan mo itong si Annie napaka moody, akala mo sinapian ng singkwentang ispiritu.
Tinitigan nya lang ako ng may pagtataka sa kanya mukha. Naalala kong hindi pwedeng banggitin ng mga mababang antas ang aking pangalan. "Kali. Call me Kali." Ngumiti naman ito at agad akong niyakap na aking ikinagulat.
"Kali wahhhhh! Matagal ko ng gustong gawin sa iyo itoooooo! Pa yakap!"
"Mag hulusdili ka Annie, bitawan mo ang prinsipe!" Tarantang naisabi ni manang Fe, aktong ihahampas niya ang kanyang kamay upang mag cast ng spell ngunit sinenyasan kong tumigil ito. 'okay lang.'
"Ang bango-bango mo talagaaa!" Naalala ko na Annie is my childhood friend at isang taon lamang ang tanda ko sa kanya. She's 15 while I'm 16, isip bata parin ang babae na ito tsk.
YOU ARE READING
Ms. PRINCE (On-going)
FantasyThe cold prince, known for his icy demeanor and exceptional talent in Ice magic, has always felt out of place in the rigid, patriarchal society of his kingdom. From a young age, he knew that he was different from the other boys - he was born with th...