CHAPTER 04

88 48 4
                                    

"A CURSE OR A BLESSING?"
(HER)

             Ang Kontinenteng Enchanta, Binubuo ng mga maraming kingdom, hindi ko masasabing payapa dahil may isang isla kung saan naninirahan ang mga rebelde o tinatawag na mga Enkanto na puro kasamaan ang kanilang hangarin sa lupain ng Enchanta, ngunit gayon paman ay masasabi ko rin itong payapa dahil sa pagkakaisa ng mga tao rito. Nabanggit ko kanina na maraming kingdom ang Enchanta, tama iyon.

Sa katunayan nga ay dating isang imperyo ang Enchanta ngunit dahil sa paglago ng ekonomiya at pagdami ng mga Enchantas, dahilan upang hindi na kayang pamunuan ng Emperor ang Enchanta, nakaisip ito na hatiin nalamang sa pitong Kingdom ang Enchanta . At dito na nabuo ang Ellwood, Sullivan, Morrison, Ferragamo, Peregrine, Clementine at Ruveliss Kingdom.

Bawat kingdom ay may iba't-ibang tungkulin, halimbawa nalamang ang Morrison Kingdom. Ang Morrison ay kilala bilang taga produce ng mga tela. Hindi lang Tela kundi mga damit na maaayos at matitibay. Kung hindi ako nag kakamali ang naghahawak ng kingdom na ito ay Hari at Reyna na may may taglay ng Water magic.

Kung tutuusin ay napaka ganda ng idea ng Emperor ng Enchanta na ipahawak sa kanila ang ganitong tungkulin, dahil ang mga water manipulator ay may kayang mag produce ng Lotus dahil ang mga lotus ay karaniwang nasa tubig lang mabubuhay. Ang mga Lotus ay isa sa pinaka matibay at mainam sa paggawa ng mga tela. What a wise Emperor.

Gayun pa man, kakaunti pa lamang ang nalalaman ko dito sa Enchanta. Kung babalikan ko ang mga ala-ala ng katawang ito, paniguradong sasakit lamang ang ulo ko sa maraming katanungan ang hindi masagot ng aking memorya. Putol putol ang mga detalyeng nalalaman ko sa past memories ng Prinsipe.




      Habang nag eye to eye contact kami ng kisame, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Annie na bakas ang ngiti sa kanyang labi. Tatlong araw na ako dito sa Enchanta, at sa tatlong araw na iyon ay nagbasa ng mga libro lang ang aking inatupag. Well of course wala sa mga librong binasa ko ang mga sagot sa katanungan ko.

Bigla akong napaisip, kamusta na kaya ang Impostor na nag papanggap bilang ako. Paniguradong kagagawan ito ng aking Tiyo. Una hindi ko masisisi ang Tiyo ko dahil sa una palang ang pangit na talaga ng pagmumukha niya. Pero may kasabihan nga naman 'Kung hindi mo makuha, gayahin mo nalang.' Hayaan muna natin siya sa ngayon. Sa ginagawa niya ngayon, mukhang hindi ko na kailangan pang tumakas sa palasyo. Anong gagawin ko dun? Makipag patintero sa mga guwardiya?

"Your Highnes- i mean Kalli, ayos lang saiyo ang ginawa ng Tiyo mo na gumawa ng dummy na kamukha mo? Sabi ni ina may nagpapanggap bilang ikaw sa palasyo." Tumango lang ako.

    Sa pangalawang araw ko rito hindi na ako nagulat kung may mga dummy maker dito sa mundong ito kaya nang pumunta si manang Fe sa Palasyo de Ruviliss ay agad ko siyang pinagsabihan patungkol sa impostor na nasa palasyo. Sa una'y hindi pa ito naniwala ngunit ng pag-uwi nito galing sa palasyo ay bakas ang kanyang takot sa kanyang mukha habang ibinabahagi nito ang nalaman niya sa loob ng palasyo. At sa ikatlong pagkakataon naging tama ang hula ko. Kaya't minabuti kong pabalikin si Manang Fe sa palasyo upang ipaalam saakin ang bawat ikinikilos ng impostor.

" Ayoko muna siyang isipin, sa ngayon pinagtutuunan ko ng pansin kung paano babalik ang mga nawala kong memorya." Sambit ko habang inaayos ang isang lumang pana na nakita ko sa gilid gilid. Ewan, hindi ko alam kung kanino to. Bored ako today so mag huhunt nalang ako.

"Ahh... Akala ko ba gumagawa ka ng paraan para bumalik ang memorya mo pero parang gumagawa ka yata ng pana diyan? "  Hindi nalamang ako nagsalita bagkus binitbit ang pana at arrow upang maghanda palabas ng bagay.

"Teka sandali Kalli, kung pipiliin mong lumabas ngayon baka mawala ka sa gubat, hindi mo pa alam ang pasikot-sikot sa lupaing ito." Tama siya. Ngunit kung parati akong nakakulong sa kuwarto maslalong nakakabaliw.

"I have an idea. Oh sis straight na English yun ahh." Dali-dali itong binitbit ang isang mahabang boots at isinuot ito. Pinanood ko lang itong mag suot ng kung ano-ano sa katawan at 1 years later hinila na niya ako palabas ng bahay.

"Alam ko gagawin natin, maghuhunt tayo? 'diba?" umarte ito' parang may iniisip and I suddenly imagined a light bulb lit up on the top of her head before she spoke again nonstop.

"Shh shut your mouth, hindi tayo makakahuli nito sa kaingayan mo" pag susuway ko rito. Agad naman nitong sinara ang kanyang bibig habang sinusundan niya parin ako. What a good dog.

Habang naglalakad sa gitna ng kagubatan, marami na kaming nahuli katulad na lamang ng isang usa.
"Alam mo naman na siguro kung paano bumalik. Mauna na ako Kalli para pakuluan ang karneng ito" tumango lang ako at pinagmasdan ang pag-alis nito gamit ang kapangyarihan niyang hangin na nagpalutang sa kanyang katawan. Girl version ni Superman xd

Sa oras na ito ibinaba ko muna ang hawak kong sandata upang magtampisaw sa ilog. Masarap maligo kapag ganitong oras. Pa lubog na kasi ang araw at nag sisimulang lumabas ang mga bituin sa kalangitan na napakagandang pagmasdan.

Habang binabasa ko ang aking mukha natanaw ko sa repleksyon ko ang pag babago ng aking anyo. Anong nangyari? Tila ito'y nagbabago ng hugis at sa ilang segundo nakaramdam ako ng mabigat sa aking dibdib tila itoy nagkakaroon ng laman. Sa oras na ito ang mga hibla ng aking buhok ay lalong kumintab ang dating plain na puti ay nahahaluan na ng kulay asul na unti-unting humahaba hanggang bewang. What the fudge?

Tanaw ang repleksyon ko sa tubig ang pag amo ng aking mukha kung tama ang hinala ko'y agad kong dumausdos ang aking mga malilikot na kamay sa ibabang bahagi ng aking katawan. Laking gulat kong kinapa ito.... Ohhhhh may petchayyyy!

'Naneto hindi na ata ito blessing galing sa diyosa sumpa na ata 'eto!'

Ms. PRINCE (On-going)Where stories live. Discover now