CHAPTER 2

167 59 15
                                    

"REINCARNATION"
(HER)

Pagmulat ng aking mga mata tumambad sa akin ang lumang straktura ng kisame, luminga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling may mapagtatanungan kung nasaan ako ngunit wala akong nakita.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinakabisado ang bawat sulok ng silid. Mapapaisip nalang ako kung nasa lumang panahon ako napunta. Kapansin pansin ang mga yari sa kahoy na mga dingding at ang mga dekorasyon nito. Hindi mo masasabing bahay ito ng mahirap dahil sa magandang pagkakaayos ng mga gamit at malinis na silid.

"Gising kana pala, heto ang iyong gamot. Inumin mo't gagaan agad ang iyong pakiramdam."
Bumukas ang kahoy na pintuan at iniluwa nito ang isang matandang babae. Inilapag niya ang isang asul na tableta na nasa maliit na platito.

"Sa-salamat" ngumiting tumango ito at saka lumabas ng silid.

Sinunod ko nalang ang kanyang sinabi, mukhang mabait naman ang matanda babae.
Habang umiinom ako ng tubig ay nahagip ng aking mata ang isang salamin agad ko naman itong kinuha at kumpirmahin kung tama ang hinala ko.

'I was right.'
Napaka imposibleng mabuhay pa ako mula sa pagkakahulog sa mataas na tulay. Totoo nga ang nasa librong ibinigay ng dati kong lolo. Kapag mamatay ka maaring lumipat ang iyong kaluluwa sa ibang pagkatao pero hindi mo maalala ang iyong memorya sa dati mong buhay. Ngunit sa kaso kong ito naaalala ko pa ang mga nangyari sa dati kong buhay at nakakapagtaka lang kung nabuhay muli ako?

"Nakatitiyak akong marami kang katanungan. Ngunit maaaring maligo ka muna dahil pitong araw kang nakatulog at paniguradong napaka baho mo nang bata ka."

Grabe hah walang filter yung bunganga ng matandang ito. Kelangan ba straight to the point?
Iniabot niya sa akin ang isang pamilyar na tela. Teka saan ko ba ito nakita?

"Iyon nga pala ang pinto papuntang palikuran. Maiwan muna kita dahil may aasikasuhin lang ako sa ibaba." Dahan-dahang tumango ako at pinakiramdaman ang kanyang presensya na unti-unting nawawala.

Dumeretso ako sa isang berdeng pinto na itinuro ng matanda, bumungad sa akin ang isang yari sa kahoy na banyera na puno ng umuusok na tubig. Agad ko nang tinangal ang suot kong lumang damit at inilapat ang kaliwang kamay sa maligamgam na tubig. Napangiti nalang ako dahil sa tamang temperatura nito, inilubog ang katawan at nakaramdam ng ginhawa.

'ohh this is nice'

Matapos kong makapagpalit, nalaman ko ang damit na ito ay isang historical Chinese dress isang normal na Hazel blue na tela, ang istilo nito na sa tingin ko'y bagay sa kulay silver kong buhok, sakto rin ang laki nito sa katawan ko, napansin ko rin na ang tela na ito ay gawa sa waterlily dahil napaka lambot nito sa katawan. 'Mistulang nasisiyahan pa ako sa buhay ko ngayon.' mahinang sambit ko.

Ngiting abot tainga akong lumabas sa silid, sa pagbukas ng pinto ay hindi ko inaasahang sasalubong ang makapal na alikabok sa akin. Agad namang nawala ang masayang mukha, napalitan ng naiiyak na ekspresyon. Kaliligo ko lang tapos ito agad bubungad? Ang sama!

"Naku iha, paumanhin na't ilang taon ko rin' hindi binisita ang bahay na ito kaya't maraming alikabok." Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at sa pag tingala ko'y isang matandang may hawak na pamunas ang bumaba mula sa hagdan. Hindi ko inaakalang malawak ang bahay na ito! Kung tutuusin higit pa sa sampu ang pwedeng manirahan dito. Hindi na rin masama dahil lahat na yata ng mga gamit sa bahay ay naririto na. Pinagtuunan ko ng pansin ang isang sulok ng bahay na puno ng mga libro. 'Parang ginaganahan akong magbasa ngayon.'

"Sa inyo po ba ang bahay na ito?" Wala sa sarili kong tanong sa matandang babae. "Aba shempre naman."
Umilaw ang kanyang mata at sa isang iglap ay may isang mahinang ipo-ipo ang namuo sa kinatatayuan ko, tinatanggal ang mga alikabok na dumapo sa aking mukha at damit.
"Ahh... Thanks." Nabigla ako sa una ngunit nang nag proseso na lahat nang nasaksihan ko'y tila yata bumilis ang tibok ng puso ko sa nasaksihan, sa mundo ng mahika ako napunta? 'Kung sinuswerte ka nga naman.'

Nang mapansin kong pupunta siya sa kusina ay napagdesisyunan kong sundan ito. "Maliit na bagay iha. Siyanga pala, kamusta ang iyong pakiramdam? May masaki ba sa'yo?" Sinulyapan niya ako kayat umiling nalamang bilang sagot. Sa totoo nga niyan sumasakit ang ulo ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit ngunit isa lang ang hinala ko, nagsisimula ng bumalik ang alaala ko.

"Ma! nakabalik na ako!" Sa pagbukas ng pinto, pumasok ang mahinang hangin kasabay ang sikat ng araw. Pumasok ang isang babae na sa tingin ko'y labing-anim na ang tanda nito, kulay kape ang kanyang maikling buhok at may kaakit-akit na berdeng mga mata. Suot nito'y kapareho ng suot ko ngunit mas elegante ang akin. "Natagalan ka yata. Aba't ano pa ba ang iyang dinaanan?" Pinanood ko lamang ito habang ipinatong ang bitbit niyang basket.

"Nako Ma, ang rami mo kayang pinabili sa akin!" Habang pinupunasan nito ang kanyang pawis ay napatingin ito sa akin na tila nakakita ng isang multo. "Ahhhhhhh!... Ma!... Gising na siya!" Napangiti na lamang ako sa kyut niyang reaksyon. "Magandang umaga po." Agad itong yumuko. Napansin kong namumula ang kanyang tenga?

"Paki hinaan boses mo Annie, masakit sa tainga anak." Napanguso nalamang ito sa narinig. "Ma naman eh! Anak nyo ba talaga ako?!" Kumuha ito ng isang baso at sinalinan ng tubig. "Hindi." Mahina akong tumawa sa sagot ng matanda sa kanyang anak. Grabe chaotic ang bonding ng mag-ina.

Lumapit sa akin ang nagngangalang Annie at inabutan ako ng tubig. 'Para saki pala yun.' nginitian ko't agad na tinanggap ang inumin. "Pagpasensyahan mo na si ina, medyo matanda na kasi kaya nakakalimot." Gamit ang kanyang mahinang tono.

"Rinig kita Annie. Hali ka nga rito, kung tulungan mo kaya akong mag-ayos ng hapag?" Hindi ko namalayan na tapos ng magluto ang ina ni Annie. Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo at tumulong sa pag aayos ng mga platito. "Nako, ako na po! Umupo nalang po kayo diyan." Natatarantang sabi ni Annie. "Let me." Napansin kong tinignan niya ang kanyang ina. "Umupo ka nalang diyan iha."

"Ahh... Sig- huh?" Umupo na ako sa bakanteng silya habang hinihintay silang matapos, nagmumukha akong palamunin sa bahay na ito ah. Napansin kong biglang umiba ang timpla ng mukha ni Annie.

"Teka nga Ma, tama ba pagkakarinig ko? Tinawag mong iha ang prinsipe?!" Hindi lang pala ako ang nakarinig. "Maglinis ka nga ng iyong tainga Annie. Iho ang sabi ko." Namumutlang sambit ng kanyang ina. "Ma! Sa dugo natin walang isinilang na bingi! Nagsisinungaling ka eh!" Sa puntong ito bigla nalamang sumakit lalo ang aking ulo. Babalik na ata ang mga ala-ala ko.

Sa sobrang sakit ay hindi ko namalayang napalakas ang aking suntok sa aparador kaya't naglikha ito ng malakas na ingay. "Sor- ahh... Sh*t!"

Biglang umikot ang aking paningin, nagbago ang atmosphere na tila hindi ko maramdaman ang aking katawan. Napunta ako sa isang madilim na silid kung saan maraming senaryo ng mga ala-ala ang nagkalat dito.

"Mahal na reyna, kamukhang-kamukha nyo po ang prinsesa" masayang sambit ng matandang babae. Teka nga saglit lang, ito ba yung mama ni Annie? Tama siya nga! Felisa Aranety, komadrona ng reyna noong isinilang ako!

"Tama ka manang Fe napaka gandang bata, ang ngalan mo'y Cosette de Ruveliss. Kahit na mapanganib sa palasyo, mabuhay ka aking anak." Isang magandang babae ang nakangiti habang hinehele ang bitbit niyang sanggol.

"Mabuti naman at biniyayaan mo ako ng lalakeng anak, Ako, Hari ng Ruveliss Kingdom, ibinibigay ko ang aking basbas sa aking anak na prinsipe, papangalanan kitang Kallisto De Ruveliss. Ang sinomang mababang uring maharlika ang tumawag ng iyong ngalan ay mapuputulan ng dila, upang hindi na makapagsalita." Matapos magsalita ang lalake ay agad itong tumalikod sa mag-ina.

"Ako si Prinsipe Kallisto De Ruveliss, ay nangangakong proprotektahan ang aking nasasakupan sa abot ng aking makakaya." isang labinlimang bata ang nakatayo sa gilid ng kanyang ama. Walang bahid ng kaba ang bawat salitang kanyang binitawan.

"Ina bakit kailangan kong palitan ang aking kasarian?" ani ng batang babae habang nagbabago ito ng anyo.
"Upang tanggapin ka ng iyong ama." Niyakap ng babae ang kanyang anak.

"I want the throne and-" Mahigpit na hinawakan ng lalake ang magkabilang balikat ng batang prinsipe, na tila nais na niya ito baliin.

Pawisan akong napamulat sa sobrang daming memoryang pumasok sa isipan ko. Roxette Austria de Ruveliss ang tunay kong pangalan ngunit Kallisto De Ruveliss ang ipinangalan saakin ng hari. Bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon.

Ms. PRINCE (On-going)Where stories live. Discover now