Dedicated to you! AlingSandraaa_
Suwerte o Madiskarte
Maraming nagsasabi sakin na ang suwerte ko raw..
Ang suwerte ko kasi nakakapunta ako ng mga books signing.
Ang suwerte ko kasi nakita ko na 'yung mga favorite Author ko ..
Ang suwerte ko kasi marami akong books.
Ang dami dami nilang sinasabing masuwerte ako pero para sa'kin hindi.
Sa totoo lang siguro nga masuwerte ako pero naisip n'yo ba bago ako maging suwerte may mga pinagdaanan din ako?.
Hindi lahat ng bagay ay masasabing nasa suwerte, sa totoo lang nasa diskarte 'yan ng bawat tao. Kasi hindi naman ako makakaalis kong hindi ako nagpapaalam. Ginagawan ko ng paraan para mapayagan ako makapunta ng mga books signing at sa libro naman kung bakit ako marami non. Diskarte rin, magipon ka para makabili ka ng books oh diba?
Hindi ako masuwerte madiskarte lang ako sa buhay... Alam ko lang kung pano maging maparaan sa mga bagay at pano ko gagawin ang gusto ko... Kaya ikaw isipin mo kung hindi ka man sinusuwerte eh magisip isip ka na baka kasi hindi ka gumagawa ng diskarte.
Parang sa Loto lang 'yan. Paano ka mananalo kung hindi ka tumataya.
Kuha mo na beshwap?!!! 😉
Kaya diskarte lang 'yan!