#TwoTimer

71 14 0
                                    

Dedicated to you TheCutePromdiWriter

Ang Two Timer ay ang pagkakaroon ng dalawang relasyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang Two Timer ay ang pagkakaroon ng dalawang relasyon.

'Yung tipong may Babe 1 and Babe 2 ka o kaya minsan more than two pa nga e.

Magkaiba po ba ang two timer sa cheat?

Anong magkaiba!? Hindi 'yan magkaiba parehas lang 'yan nagloko! Hahaha ang bitter ko sa part na 'to.

For me, wala naman pagkakaiba 'yun parehas lang nakakasakit at parehas lang nagloloko.

Bakit nga ba may mga Two Timer at nangchi-cheat?

1. May mga tao kasing hindi nakukuntento sa isa. 'Yung kahit na matino naman partner nila pero para sakanya hindi pa 'yun sapat, kaya naghahanap pa ng iba.

2. Siguro akala nila laruan lang ang relationships kaya kailangan dalawa. Para kapag natalo sa isa may reserve pa.

3. Mas challenging daw kasi kapag marami.

4. Kaya siguro sila nagto-two timer o cheat kasi hindi pa sila seryoso sa relasyon.

5. Pinakamalala nadadala ng tukso. Kaya ayun sabihin man nilang nagkamali sila pero nagloko pa rin sila.

Paano mo malalaman kapag ang Partner mo ay nagto-two timer or nagchi-cheat?

1. Una kapag busy 'yan sa phone n'ya. 'Yung minu-minuto n'yang tinitignan ang cellphone n'ya at maya maya ang pagpindot. Lalo na kapag tinanong mo kung sino ang ka-chat n'ya. Nako ang sagot n'yan sayo 'WALA' ibig sabihin nun, wala ka na daw pake don!

2. Kapag tinanong mo kung saan ang pwede n'yong lakad o saan kayo pwede pumunta tapos ang sagot n'ya busy daw s'ya. Tapos kapag lalabas naman kayo piling mga lugar lang ang pinupuntahan ninyo. Nako talaga.... Mamaya iba ang priority n'yan ha.

3. Kapag may call s'ya mapapansin mo lagi s'yang lumalayo. Like hello! Nakakasuspected kaya. Kahit naman importante bawal ba marinig! Bawal ba makinig?! Unless..

4. Kapag tinawag ka n'ya sa maling pangalan. Nako! nakakaloko na 'to. Ok pa kung hindi mo mabasa yung mga message sa phone n'ya o hindi mo marinig ang mga calls n'ya pero ang tawagin ka sa maling pangalan? Maling mali 'yun! Kaya maraming gumagamit ng call sign e. Para iwas.

5. Pansin mo minsan mga gamit n'yan baka mamaya may nakasama nang iba. Like for example head phone na di naman familiar sayo minsan ang dahilan sa friend n'ya lang daw 'yun. 'Yung mga gamit na biglang nasa kan'ya tapos kapag tinanong mo kung kanino sasabihin sa friend n'ya lang daw. Oh, sige maniwala tayo ng kaunte. Pero kapag iba na like lalaki nagloko may lips stick sa gamit magisip isip ka na.

6. Kapag mas madalas kayong naguusap sa nakaraan at madalas n'yong pinagaawayan 'yung mga bagay na dapat nasa nakaraan na. O mas madalas kayong mag-away sa mga bagay na maliliit pero napapalaki. Ang masaklap sa suyuan. Minsan pataasan pa ng pride o minsan ikaw na lang ang sumusuyo.

7. 'Yung hinahayaan ka na lang n'ya. Like kahit sumama ka sa mga kaibigan mo pero parang s'ya walang pakialam. Wala s'yang pake kung nasaan ka, kung anong ginagawa mo. 'yung mga ganitong sitwasyon talaga nakaka ano e.!

8. Ang isa sa masaklap may araw na sched lang kayo pwede like dati  sunday kayo lumalabas ngayon pang saturday ka na lang. Tapos kapag sunday busy s'ya! Oh sige isipin natin baka busy naman talaga pero try mo hulihin sa sarili n'yang kalukuhan kung parang madalas na nangyayari.

9. Nakakatakot sa point na secret ang relationship ninyo. Secret ang date ninyo like hello takot s'yang ipublic ka. Takot s'yang malaman na dalawa kayo o takot s'yang magkahulihan. Meron kasi s'ya pang public at meron din s'yang pang friends.

10. Masaklap kapag madalas na s'yang oras sayo. Kesyo busy. May work. May lakad sige lahat na lang!




Dear Beshwap

Ang bitter ko sa part na 'to kaya bear with me. Mahal ko kayo pero galit ako sa manloloko! Char!

#SANAALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon