Uri ng Kapitbahay

69 2 0
                                    

Pagusapan naman natin ang ibat ibang uri ng kapitbahay.

Una
Mga kapitbahay na CHISMOSA. Syempre mawawala ba naman sila? Sila nga ang nangunguna. 'Yung maaga palang nakatambay na sila para sumagap ng chismis. Alam mo na umagahan, tanghalian na ata nila ang chismis, maski sa gabi hindi sila nagpapatalo. May mai-chismis lang.

Pangalawa
The REPORTER.'Yung kapitbahay n'yo na walang ibang alam gawin kung hindi magreport ng magreport sa kapwa kabitbahay n'yo, like "Alam mo ba may bago silang ganito ganyan." "'Yung anak ni ganito alam mo ba ganiyan, ganito siya." Lahat naireport na! Masaklap kapag naipost ka pa sa social media. Sana naging reporter na lang sila baka sakaling may sahod pa.

Pangatlo
MABAIT na kapitbahay. Mapapa-SANA ALL ka na lang talaga kapag may ganito kang kapitbahay. Ito 'yung mga kapit bahay na namimigay ng ulam. Shene-share nila 'yung blessing nila. Napakasarap pakisamahan ng ganitong mga kapit bahay. Para silang mga anghel na kapag kailangan mo ng tulong handa ka nilang tulungan. Kapag may problema ka nalalapitan mo sila. Kaya mapapasana all ka na lang talaga.

Pang-apat
The MAISSUE na kapitbahay. Huwag ka maliit lang na bagay issue na para sakanila, 'yung tipong may kasama ka lang na iba. May kabit ka na agad o kaya may kasama lang anak mo na kaibigan para sa kanila boyfriend/girlfriend na. K'unding details lang issue na agad. Minsan 'yung maliliit na bagay sila ang nagpapalaki may maissue lang.

Pang-lima
KAKAIBA ANG TINGIN, May mga kapit bahay na kakaiba ang tingin sa kapwa nila kapit bahay, 'yung mga taong judgemental na agad ang tingin. Makita ka lang nilang maganda ang suot mayamang mapagmataas ka na, Kapag basahan naman ang suot mo mandidiri na agad. Hindi talaga maiiwasan 'yung mga ganitong tao napakajugemental. Sila 'yung magsuot ka lang ng maiikli pokpok ka na agad.

Pang-anim
Kapitbahay na CCTV. Muntakin mo lahat ng ginagawa mo alam nila. Maski ang pagkain ninyo alam nila ang ulan nyo! May mga kapitbahay talaga tayong parang CCTV. kaunting kilos mo lang alam na nila. Kung saan ka pupunta, kung ano ang kinakain mo at kung ano ang ginagawa mo. Wala eh, high tech na kasi ngayon. Ayaw ba nilang magtrabaho sa baranggay o kaya kalsada? May pakinabang pa!

Pang-pito
The MEMASABI. Kapitbahay mo na ang issue mema lang. Mema sabi, Mema chismis, mema kwento lang. Mga wala namang kasiguraduhan kung totoo ba ang pinagsasabi nila o kung may pinagbabasihan ba ang mga chismis nila. Meron din namang mema lang na mga kapitbahay na, memapag mayabang lang. Meron pa " Gumaganda ka ata mare." "Hiyang ka mare, Anong gamit mong sabon?" "Wow! Mare yumayaman ka na ah." 'YUNG TOTOO?

Pang-walo
'Yung mga kapit bahay na SIP SIP ewan ka ba, pero sa totoo lang napakarami nila. 'Yung tipong lapit ng lapit sayo. Kahit wala namang chismis laging nasa bahay ninyo tapos kung ano ano nang pinupuri sayo. Minsan paulit ulit na lang rin, gusto rin kasi maambunan ng kung anong meron ka. Actualy hindi naman masama kasi ang magpaambon huwag nga lang inaabuso. Huwag ka ring sip sip ng sip sip, tapos mali naman ang chismis.

Pang-siyam
Kapitbahay na laging may AWAY. 'Yung tipong araw araw silang nagaaway sa bahay nila. Kapitbahay napakaraming issue kulang na lang magpatulfo na, Actually 'Yung iba talagang umaabot na sa tulfo. Hindi sila nahihiya na ipagsigawan ang kung ano mang bagay na pinagtatalunan nila. Nako ito pa naman ang favorite na pagusapan ng mga chismosa, kaya madalas sila ang laman ng usapan.

Sampo
Kapitbahay na MALALAKAS ANG BOSES. Kalma hindi po sila nagaaway sadyang malalakas lang po ang boses nila. Meron talaga tayong mga kapitbahay na malalakas ang boses, tipong akala mo nagaaway na pero hindi naman. Sad'yang ganon lang sila magusap na tila akala mo nasa ibang baryo ang kausap nila.

Labing Isa
The REKLAMADOR.'Yung kapitbahay mo na napaka reklamador. reklamo here, reklamo there, reklamo everywhere. Akala mo baga mga kagandahan eh, pare parehas lang naman na nasa iisang bayan.

Labing Dalawa
Mga kapitbahay na panira. May mga ganito talaga, hindi mo naman inaano pero kung makapanira akala mo kilalang kilala ka. Masaklap pa nga nito sariling anak sinisiraan na. Diba? Sa paninira nila wala naman silang nakukuha, nakakapanira lang naman sila.

Labing Tatlo
The BURAOT. Meron rin syempre sa mga kapit bahay nating buraot. Pwede ba naman silang mawala? Sila 'yung hingi ng hingi sayo ng kung ano ano. "Mare pahingi naman ng malunggay nyo." "Mare anong ulam nyo? Ang sarap naman n'yan, pwede pahinge?" Alam nyo ba marami ang nabubuhay ngayon sa pangbuburaot? Syempre 'yung mababait d'yan sige naman sila ng bigay. Nakakahiya kayang humindi.

Labing Apat
Mga mahilig HUMIRAM. 'Yung kapaitbahay mo na ang hilig manghiram. "May ganito, ganyan ba kayo? baka pwedeng pahiram?." 'Pahiram naman kami ng ano ninyo." Napakagaling pong humiram pero hindi naman marunong magbalik. Napakagagaling naman! Minsan magbabalik pero matagal, masaklap sira na. Nakakagigil po talaga promise.

Labing Lima
Kapitbahay na akala mo araw araw PARTY sakanila. Muntakin mo 'yun araw araw nagpapatugtog, akala ba nila maganda yun? HINDI! nakakairita sa point na paulit ulit lang naman pinapatogtog nila. Minsan hindi naman maganda ang pinapatugtog, masaklap para pa 'yan silang mangaasar eh. Kelan nasa online class ka aba! palalakasan pa 'yan. Nako! Masira sana speaker nila.
Note kapag magpapatugtog naman po kayo paki lugar. Naiintindihan namin kung may Party kayo pero please lang. MAGPATULOG KAYO SA GABI!

Labing Anim
Kapitbahay mong taga abang. Sila 'yung mga tumatambay sa labas ng bahy nila o n'yo madalas kasi inaabangan nila ang kwento ng buhay mo. Inaabangan nila kung anong bagong chismis sayo, kung anong bagong binili mong gamit para maibalita nila sa iba.

Labing Walo
Kapitbahay n'yong perfectionist at mapanglait. Kamaganak po sila judgement. Grabe rin talaga ang tabang ng mga ito aba, muntakin mo pakapanglait akala mo perpekto sila, makapamintas akala mo magaganda. kakagigigil po mga ganito kaya huwag tularanan. Mga insucure lang mga 'yan.

Labing Siyam
ITO MAKAKALIMUTAN KO PA BA? Ang mga taong magaling mangutang hindi naman nagbabayad. Masama kapa kapag hindi ka nagpautang aba! Please naman kung mangungutang kayo marunong sana kayong magbayad nahihiya kaya kaming maningil! Alam mo minsan mga taktik nila bata ang ipapaharap sayo, ayaw kang harapin ang gagaling diba? bata pa pinangsasangkalan kaya minsan maawa ka na lang sa bata.

BENTE
Kapitbahay ninyong walang respeto sa kapwa kapitbahay, mga walang pakisama kung baga. Alam ng malinis ang tabi magtatapun pa ng basura o kaya opos na sigarilyo. Tipong linis ka ng linis lalo silang nangaasar. Meron din 'yan mga kapit bahay mo nagpapausok alam na may bago kang sampay , sarap baga bumbahin 'yung bahay nila. kaso huwag nyo gagawin 'yun ha! bad 'yun! hehehe. Ito pa pala 'yung mga alagang aso nila! talagang sa bakuran pa ng kapitbahay pinapadumi. Gigil talaga mga beshwap!

Bente Uno
Hindi maiiwasan 'yung may kapitbahay talaga tayong kaaway. Meron kasing mga kapitbahay na halos kaaway na kabaranggay nila, paano hindi marunong makisama sa kapwa nila.

Bento Dos
last na muna to sa lahat. Talagang nanggigigil na ako eh. Mga mabibisyo, kapaitbahay nyong lasinggera lasinggero, sugal here sugal there. Buti nga hinuhuli na yung mga nagsusugal ngayon eh. Nako sa akin lang naman kasi ilugar nyo ha! hindi yung nakainom na kayo hala ay may away na mamaya! Huwag po ganon.

kayo? Anong ang experience ninyo sa mga kapitbahay n'yo?



Kaya nauso 'yung kasabihang may tenga ang lupa, may pakpak ang balita.

Minsan napapa-isip na lang ako saan kaya pwedeng lumugar.

#SANAALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon