Dedicated to you AerisScarlet
Try to check her works!!! ❤
Now.... Let's talk about love.Sa love wala akong masyadong alam I mean not totally na walang alam ha. Well nakaramdam na rin naman ako n'yan at nakakaramdam pa rin hanggang ngayon.
Walang masyadong explanation about dito sa topic na 'tin dahil gusto ko kayo naman ang magbabagi ng experience n'yo sa love.
So, mga beshwap!
What is love for you?
For me kasi love is about Care, Respect, Responsibility and knowledge.
Why?
Care is not about for someone you love but also for your self ok. Puro ka care sa iba pero wala kang pake sa sarili mo ano 'yun? Tandaan mo sarili mo lang ang nakakaalam at makakatulong sayo pagdating ng panahon, hindi lagi ibang tao. Kaya bigyan mo ang sarili mo ng Care don't worry libre lang naman.
Next, Respect .... Respect for the both of you... Respeto sa pagkakaiba ninyo at pagkakaparehas kasi sabi nga sa nabasa ko "Hindi mo matatanggap ng lubos ang isang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang pagkakaiba ninyo." Naniniwala din ako d'yan totoo naman kasi hindi porket ayaw mo na o n'ya ay masusunod lang ang gusto ng isa dapat parehas kayo ng desisyon at tanggapin n'yo kung anong pinagkaiba ninyo. Respeto rin pala pati sa nararamdaman kung akala mo lagi s'yang masaya dahil 'yun ang ipinapakita n'ya.... Wag ka nang gumawa pa ng paraan na ikakasama ng loob n'ya dahil sa bawat ngiti niya ay may nakatagong lungkot 'yan. Respect na rin sa panlabas na kaanyuan, hindi porket pangit s'ya o maganda ay may maiipintas ka na.
Responsibility.... Tandaan mo kapag nagmahal ka alamin mo kung anong obligasyon mo hindi 'yung puro s'ya na lang ang nagpapakilig sayo. Aba! Ano 'yun ikaw lang ang gustong tumanggap ng mga kilig pano naman s'ya? Responsibility rin na may oras ka sakanya hindi 'yung pinagsasabay mo sila ng ML kunting hiya. Alam mo sana kung saan lulugar ang oras mo para sakanya. Hindi rin ito 'yung tipong oras lang kasama rin sa responsibility ang effort BOTH SIDE! Hindi 'yung isa lang ang ma-effort, ang isa lang gumagawa ng paraan kapag nagaaway at isa lang ang nagbibigay paano magwo-work ang love story n'yo kung isa lang naman pala ang nagpapakahirap. Mas magandang itigil na nagkakalokohan na ata kayo eh... Charot lang beshwap! Kalma lang ako.😅
Last knowledge.... Hindi ito yung kailangan pang aralin sa paaralan hane. Knowledge both side try n'yo mag-getting to know each other magandang paraan yun sa isang relasyon para magtagal at least sa part na to alam n'yo na ang ibang ikot ng buhay n'yo pati na rin ang pagkakaiba diba. Ganoon na rin sa health ng bawat isa... Take note lang guys ito ang pinakamahalagang parte minsan sa love story knowledge, wag lang magpakatanga kasi mahal mo s'ya. Sige nga paano kung may HIV pala yang taong mahal mo tapos isusuko mo na ang bataan pero iiwan ka rin naman sa huli? Oh sinong luge ede ikaw. Hindi kasi sa lahat ng oras pagmamahal ang pinapairal.... Well hindi ko naman pinupunto na wag Kang magmahal ng taong may sakit ang punto ko lang naman sana alamin n'yo muna kong ano at sino ang pagaalayan mo ng pagmamahal mo.
Sabi sainyo maikli lang talaga to.... Kaya sa lahat ng nagbasa thank you sa oras.😘
So....
What is love for you?
With explanation beshwap ha.😉