Dedicated sayo tanda! RbCalanoga wala lang trip ko lang. 💆♀
#MutualUnderstanding (Part2)
More than Friends
Less than LoversPagiibigan na ayaw higitan
Ayaw lagyan ng commitment
Walang Confirmation Pero may Something.
Paano mo masasabing nasa Mutual Understanding stage kayo?
1. Walang malinaw na Confirmation, like landian there, landian here landian everywhere! Pero WALA NAMANG KAYO!
2. Sweet kayo sa isa't isa pero wala namang kayo! Tipong lalanggamin na lang kayo, wala namang commitment.
3. Kilig na kilig. Tipong naguusap kayo napapangiti ka pa. Tipong magbibiro lang s'ya kahit corny hala, sige ka naman tawa ng tawa.
4. May mga bagay kayong ginagawa na para Jowa. Tipong ginagawa ng mga couples at kayo lang nagkakaintindihan. Like holding hands kemerlo!
5. Confusing part! "Like kayo na ba?" O "hanggang dito lang?", 'Yung minsan napapaisip ka na sa mga pinaggagawa ninyo pero hindi mo matuloy kung ano ba talagang meron sa inyo!
Ang MU kasi ngayon ay parang pagliligawan noon mas hightech nga lang ngayon! Ang dating pagsisibak at pagiigib ngayon pagti-text at chat na lang ngayon.
Advantage!!!!
Mas magkakakilanlan pa kayo.
Pwede pang mas magkagustohan kayo at mapalalim pa ang nararamdaman.
Pwedeng pang umatras.
Pero bakit hanggang MU lang?
- Bawal pa magka-boyfriend/girlfriend kesyo strick ang parents.
- Study first (Meron pa nito?)
- Bata pa daw (O sige sabi mo eh. So, MU na lang muna???)
- Landian ang gusto! Fling! Fling lang!
- Bawal na Pag-ibig
-Bored ka lang! (kaya naghahanap ka ng lalandian)
-Takot ka! Takot kang masaktan at takot ka sa commitment
- Napipilitan ka lang!
Mahirap sa Mutual Understanding?
Kelan mo ba ako sasagutin?
Kelan ba kita sasagutin?
Biglang lumayo, huminto at walang pasabi tapos papasok 'yung salitang BAKIT?! sa Ending.
No Label
No commitment
Pinapaasa ka lang!
Naga-assume ka lang!
Saan ba nagtatapos ang MU stage?
Dati sa I Love you-han ngayon kapag sinabi nang girlfriend o boyfriend mo na s'ya. 'Yung mismong sinabi na ha. Alam mo nang may Label kayo!
Kasi naman kahit MU pa lang ngayon sige ang I love you - han!
Dalawa lang naman ang patutunguhan ng Mutual Understanding eh. It's either Matutuloy o mapuputol!
Dear Beshwap!!!
Sa MU walang Label, walang commitment, walang Confirmation. Kaya kapag naghiwalay kayo Magmo-move- on ka, kahit walang kayo! May nararamdaman ka kasi, like pwede kang magselos bawal nga lang magdemand. Ang Ending kailangan mong Intindihin.
Understanding nga diba!..
Pero alam mo? Tutal ganoon lang rin naman kapag naging kayo.
Nagkakatampuhan
Nagseselos
Sweet
May nararamdaman
At iba pa!
Kung iisipin wala namang pinagkaiba? Para ka lang naglalagay ng boundaries sa sarili mo. Masasaktan at masasaktan ka pa rin naman dahil nagmamahal ka!.Ps. #SANAALLMAYMU