Dedicated to you! CHING_CHING19
Lahat naman may hinahangaan diba?Bago ko ito simulan may tanong muna ako.
Ikaw anong kwentong crush mo?
Bakit mo nga ba naging crush ang isang tao?
Maganda/Gwapo?
Maputi/Morena?
Singkit/Bilugin ang mata?
Matangkad/Pandak?
Mataba/ Payat?
Magaling kumanta/Sumayaw?
Mabait/ Masungit?
Simple/ Maarte / Moody?
Lahat naman may dahilan kung bakit tayo nagkakagusto sa isang tao right?
Paano mo nga ba malalaman na Crush mo na ang isang tao?
1. Kapag madalas mo s'yang naiisip. 'Yung tipong parang nagpa-flashback ang mukha n'ya sa isip mo.
2. Kapag madalas mong nababanggit ang pangalan n'ya.
3. Kapag Interested ka sa mga ginagawa n'ya.
4. Kapag 'yung mga gusto n'ya gusto mo na rin.
5. Kapag inaalam mo ang mga details sa buhay n'ya. Like favorite, Hobbies etc. Kahit pa minsan maliliit ng detalye inaalam mo.
6. Kapag gustong gusto mo s'yang makita. 'Yung tipong hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo s'ya nasisilayan.
7. Kapag naiinis ka sakanya, pero ang totoo hindi naman talaga. Naiinis ka lang kasi gusto mo s'ya.
8. Lagi mo s'yang naikukwento sa mga kaibigan mo.
9. Kapag nakakaramdam ka ng selos. Like kahit sa mga kaibigan n'ya pinagseselosan mo. 'Yung tipong nasasabi mo ma na sana nasa sayo na lang ang attention n'ya.
10. Mas gusto mo s'ya makasama. Jamming jamming ganern.
11. Kapag may Awkward feeling. Like nahihiya ka minsan sakanya lalo na kapag sinasabi s'ya o ginagawa.
12. Kapag ginigilig ka sa mga biro n'ya kahit napaka-corny naman.
13. Kapag binibigyan mo ng meaning ang lahat ng ginagawa n'ya. Like papahiramin ka lang ng gamit n'ya pero para sayo may meaning na agad. (Huwag umasa. Baka masaktan ka lang.)
14. Kapag lahat ng sinasabi n'ya may meaning para sayo.
15. Kapag sobra ang pagka-care mo sakanya. 'Yung tipong parang iba na.
16. Kapag kinakabahan ka sakanyan kapag kausap mo s'ya o kapag malapit s'ya.
Nakailan ka kaya sa mga sinabi ko?
Beshwap! Baka naman na-Perfect mo na ha! Mamaya hindi 'yan pagkagusto lang, mamaya Love na 'yan!.
Tips!
Kapag may crush ka huwag mo ipapaalam sa mga kaibigan mo. Dahil for sure sakanila palang kalat na 'yan.
O, sige. Sabihin mo sakanila, malay mo sila pa gumawa ng paraan pero expect mo na hindi lang kayo ang nakakaalam. Mamaya buong mundo na.
Lapitan mo crush mo. Kausapin mo like feeling close lang ang peg! Pero kapag dinadaga ka? Well Goodluck!