Chapter 4

19 3 0
                                    

CHAPTER 4

Sa kalagitnaan ng gabi, nagising ako. Pinilit kong makatulog dahil alas dos pa lang ng madaling araw at may pasok pa ako mamaya, pero hindi na ako makatulog kaya nagpasya akong bumaba para uminom ng gatas pampatulog.

Umupo ako sa upuan sa may dining table at tumitig sa kawalan. Kung wala lang akong pasok mamaya baka hindi na ako natulog. Tahimik ang paligid dahil lahat ay tulog pa.

Lampshade lang ang palaging nakabukas dito sa baba kapag matutulog na kami ni tito kaya hinayaan ko na lang tutal mas gusto ko namang dim lang ang paligid para makatulog ako agad mamaya.

Binilisan ko nang ubusin ang iniinom ko saka ako uminom ng tubig. Paakyat na sana ako nang makarinig ako ng kalabog sa likod. Narinig kong bumukas ang pintuan sa may kusina kaya dahan-dahan akong naglakad pabalik.

Halos matuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaking nakahood at nakatayo sa doorframe. Nakamask siya at naka sunglasses kaya hindi ko maaninag ang kabuuan niya.

Tila nagulat rin siya na nakatayo ako sa harap niya kaya marahan akong umatras. Naglakad siya paabante kaya halos kapusin ako ng hininga sa sobrang kaba.

Tumulo ang luha ko sa takot at mas bumigat pa ang paghinga ko nang kumuha siya ng puting panyo mula sa bulsa ng hood niya.

Mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin kaya mabilis rin akong tumakbo paakyat.

'"TITO, HELP!" Malakas na sigaw ko. Hindi na magkamayaw ang sistema ko, sobra akong nanginginig sa takot.

"TITO--" mabilis niyang nahila ang mahaba kong buhok kaya nagpumiglas ako. Itinakip niya sa ilong ko ang panyo kaya pinilit kong huwag huminga.

Patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Patuloy ako sa pagpupumiglas dahil nararamdaman ko nang kinakapos ako sa paghinga.

Ganun na nga ang nangyari. Hindi ko kinaya kaya nakaamoy ako ng mabahong amoy mula sa panyo at ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pagkahilo.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil binawian na ako ng ulirat.

"Effie, gising na." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni tito, pakiramdam ko ay nahulog ako sa higaan kaya pupungas-pungas akong bumangon at nag-unat.

Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kaya mabilis kong naibaba ang kamay ko para mahawakan ang parte kung saan masakit. Natigil si tito sa pagbukas ng kurtina saka ako kunot-noong tiningnan.

"Why? Nay masakit ba sa 'yo?" Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang noo ko."Nilalagnat ka." Mabilis niyang sinara ang aircon saka umupo sa tabi ko.

"What are you feeling? Nahihilo ka ba?" Tanong niya habang iniipitan ako.

"No po, masakit lang po ang ulo ko." Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya napangiti ako.

"Be honest, Effie." Tinanguan ko siya.

"I'm really okay, tito. Siguro sa sobrang lamig lang kagabi kaya sinisinat ako, pero ayos lang po ako." Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni tito.

"Where are you going? Papasok ka?" Maang akong tumango. "May sakit ka tapos papasok ka pa?" Napasimangot ako.

"I can't absent, tito. Kailangan kong pumasok," pagmamakaawa ko pero inilingan niya ako.

"I won't let you, baka bigla ka na lang himatayin diyan sa daan, eh."

"May quiz po kami, tito, malaking bawas sa grado ko 'yon." Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin.

"Sa katigasan ng ulo rin napahamak ang mommy mo, eh."

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon