Chapter 6

19 4 0
                                    

CHAPTER 6

Tatlong araw na simula nang maghilom ang mga sugat ko. Pinilit ko si tito na papasukin ako, pero nagmamatigas siya.

"This time hindi ka mananalo sa 'kin, Effie," malamig na sagot niya nang kulitin ko ulit siya na papasok na ako. Napasimangot ako. Gusto ko nang maiyak. Kahapon pa nagsimula ang audition at registration sa singing club, pero nandito pa rin ako sa bahay at hindi pinapayagang pumasok.

"Tito, paano kapag naubusan ako ng slot sa singing club?" Tumigil siya sa pagtipa sa laptop niya saka ako hinarap. Frustated niyang inayos ang salamin niya bago huminga ng malalim.

"Effie, please. Kakagaling mo pa lang, baka kung ano na namang mangyari sa 'yo!"

"Nandun naman po sila Noah, tito."

"Noah, Carlsen, palagi na lang! Bakit, napigilan ba nila ang nangyari sa 'yo nung nakaraan?" Inis na siya sa 'kin at naiintindihan ko 'yon. Tito is an accountant at mas pinili niyang magwork sa house para mabantayan ako.

He said na okay lang naman daw 'yon, pero guilty pa rin ako. Ang laki ko na at hindi na ako sanggol para bantayan.

"Sa cr po kasi nangyari 'yon, tito kaya hindi nila alam. Kasama ko naman na si Imeg kaya hindi na ako mapagdidiskitahan sa cr." Hinintay kong magsalita siya, pero nakatingin lang siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Siguro.." Pahabol ko kaya muli siyang tumalikod. Huminga ako ng malalim. Tumalikod na ako para umakyat ulit sa kwarto ko.

"Fine, pero kapag may nangyari pa sa 'yo sa school na 'yon, I am telling you, Effie, ililipat kita sa ibang university," malamig ang boses na saad niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pwedeng mangyari 'yon. I need to see tita at bababa ang percentage na makita ko siya kung aalis ako ng Axon.

Marahan akong humarap sakaniya at bumungad sa 'kin ang kakaiba niyang tingin. Napapansin niya na ba?

"Tito, kung may mangyari mang masama sa 'kin, that's normal--"

"It's not, Effie. I'm telling you." Tinalikuran niya na ako. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa likod niya.

I love you, tito, but I really need to see her. I want to know the truth.

"Sige na, magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas, I'll drop you to your school." Tumango ako kahit hindi niya nakikita saka nagsimulang umakyat sa kwarto ko. Tiningnan ko ulit siya sa huling pagkakataon bago ako tuluyang pumasok.

Humiga ako sa kama ko saka tumitig sa kisame. Inaalala lahat ng plano ko. Nakaramdam na ako ng antok kaya umayos na ako sa pagkakahiga at tuluyang natulog.

Kinaumagahan ay mabilis ang galaw ko. Anong oras na ako nagising dahil hindi ako ginising ni tito.

Napapasimangot na lang ako habang inaayos ang mga dadalhin ko pati ang piyesa mamaya na kakantahin ko sa audition para sa singing club.

Pansin ko na ayaw talaga akong papasukin ni tito, napilitan lang siya na payagan ako.

"Good morning, tito," nakangiting bati ko nang maabutan ko siyang nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.

"Morning, sweetie." Umupo ako sa tapat niya para magsimula nang kumain. Napakunot noo ako dahil sobrang dami ng nakahain. I mean--madami naman talagang maghanda si tito, sobrang dami lang ngayon.

"Anong pong meron?" Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin.

"Nothing, Effie. Kumain ka na." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil naramdaman kong nagbago ang mood niya. Binilisan ko na lang ang kain ko. Nagbaon pa ako ng cake para kila Noah.

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon