Chapter 14

18 3 0
                                    

CHAPTER 14

Pagabi na nang umuwi ako galing sa school. Hinanap ko pa kasi si Carlsen, pero hindi ko siya nakita. Ni hindi siya pumasok sa mga klase namin. Tinanong ko din kila Noah, pero maging sila ay walang alam.

"Ginabi ka na yata?" bungad sa akin ni tito pagpasok ko ng bahay. Bagsak ang balikat akong tumuloy sa hagdanan. Tumigil ako sandali para harapin si tito. Nakatingin lang din siya sa'kin.

"Sorry po, tito. Hinanap ko si Carlsen, pero hindi ko siya nakita." Huminga siya nang malalim.

"Hayaan mo na muna siya, magpapakita rin siya." Tumango nalang ako. Masyadong pagod ang katawan ko ngayong araw. Hinayaan niya narin akong makapasok sa kwarto ko kaya ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

Bakit ba pagod na pagod ako ngayon? wala naman akong masyadong ginawa, ah?

Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagising lang ako nang makarinig ako ng kalampag sa baba. Marahan kong minulat ang mata ko at mas pinakinggan pa ang nangyayari.

Parang may nagwawala. Tumayo ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ko. At dahil naglikha 'yon ng mahinang tunog ay napatingin sa'kin si tito na nasa ilalim ng isang lalaki. Halos magtayuan ang balahibo ko nang makitang nakatingin sa akin ang lalaking nakahood ng itim at nakamaskara ng puti.

"Stay inside your room!" sigaw ni tito, pero hindi ako nakagalaw agad sa kinatatayuan ko. Tumayo nang tuwid ang lalaki matapos bigyan ng malakas na suntok si tito na nakapagpatulog sakaniya.

Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang tumayo siya at humarap sa akin. Napakunot noo ako dahil pakiramdam ko ay kilala ko siya. Sa tindig at katawan, pamilyar.

Napipi ako nang magsimula siyang maglakad palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo siya. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang makalayo, gusto kong tumakbo at alamin kung sino siya, pero heto ako at nanigas na sa kinatatayuan ko.

Nang tuluyan siyang maglaho sa dilim ay saka lang ako natauhan. Dali-dali kong tinakbo ang espasyo namin ni tito saka siya pilit na ginigising.

Ilang segundo lang nang magising siya at mabilis na umupo.

"Where is he?" tarantang tanong niya. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya, lito.

"What happened, tito?" natigil siya sa pagtingin sa paligid saka ako tiningnan ng nanlalaki ang mata.

"D-Did you saw his face?" utal na tanong niya kaya dahan-dahan akong umiling. Bakit iba ang galaw niya? bakit tila taranta siya at takot sa ano man? at higit sa lahat, bakit hindi ako sinaktan ng lalaking 'yon? hindi ba ay 'yon ang pinunta niya kahapon pa? kaya nga nagpumilit siyang makapasok sa bintana ng kwarto ko, eh.

"Sino 'yon, tito?" walang kagatol-gatol na tanong ko. Matagal na akong naghihinala sa galaw ni tito, pero pilit kong inaalis sa isipan ko. Ang mga ngising dumadaan sa mukha niya, ang kotse niya sa tapat ng school no'ng araw na masabugan ng bomba ang fishball stand.

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung pati ba siya ay dapat kong pagkatiwalaan.

"Effie, bumalik ka na sa kwarto mo, magpalit ka ng damit," malalim ang paghingang saad niya. Sinilayan ko ang suot ko at naka uniform pa rin ako. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at hinarap siya.

"Tito--"

"Please, not now, Effie." Tinalikuran niya ako at hapong inakyat ang hagdanan patungo sa silid niya. Sinundan ko siya ng tingin. Bakit parang wala lang sakaniya ang nangyari?

Tiningnan ko ang paligid at lahat nakasara, pati ang mga bintana. Tiningnan ko ang main door na buong giliw na nakabukas. Kusa bang pinapasok ni tito ang lalaking 'yon?

Kinabukasan ay bumungad sa akin ang balita na may muli nanamang namatay. Halos mapaupo ako sa baitang ng hagdanan nang malaman kong ang babaeng sumugod sa akin ang namatay. Putol ang lahat ng parte ng katawan niya at dilat ang matang wala nang laman, bahagya rin itong nakanganga kaya napalunok ako.

Ano nanaman 'to?

"'Wag kang papasok ngayon," malamig ang tinig ni tito kaya napatingin ako sakaniya. Kumuha ako ng lakas sa hawakan saka maagap na tumayo.

"Papasok po ako." Nilagpasan ko siya saka ako pumunta ng kusina, pero hinila niya ang braso ko sa marahas na paraan kaya nanlalaki ang mata akong napatingin sakaniya. Bahagyang nakanganga ang bibig ko dahil sa diin ng hawak niya.

"Kapag sinabi kong hindi ka papasok, hindi ka papasok!" marahas niyang binitawan ang braso ko saka napasabunot.

"Makinig ka sa'kin kahit ngayon lang. Ayokong masaktan ka!" nagpabalik balik siya sa harapan ko habang sinasabunutan ang buhok.

"Umiwas ka muna, pupuntahan ka ni Layne sa school niyo kaya 'wag ka munang papasok," hingal niya akong nilagpasan kaya sinundan ko siya papunta sa kusina.

"Bakit naman niya ako pupuntahan kung pinagtatabuyan niya ako?" takang tanong ko. Marahas siyang uminom ng tubig.

"Tito--"

"Fuck!" napapilantik ako sa gulat. Pinilit niyang huminahon bago tumingin sa akin.

"'Wag mo munang piliting alamin ang dahilan ng pagkamatay ng magulang mo, ayokong saktan ka ng taong pilit kang iniingatan," umiwas siya ng tingin para pigilan ang pag iyak.

"Taong pilit akong iniingatan? tinutukoy mo ba ang sarili mo, tito?" marahas siyang huminga.

"Please, don't ask and follow me. 'Wag ka munang--" natigil siya sa sasabihin niya at nanlalaki ang matang tiningnan ang gate. Napakunot noo ako nang makita kong nakatayo sa labas si tita kasama ang asawa niya at dalawa pang tao, isang babae at isang lalaki.

"Pumasok ka sa kwarto mo," mahinahong saad niya, pero dama ko ang pagkataranta.

"I'll stay--"

"Makinig ka!" napalunok ako habang tinitingnan ang galit na galit niyang mukha. Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko sakaniya. "Akyat!" dinuro niya ang hagdanan kaya marahan akong naglakad paakyat nang hindi inaalis ang tingin sakaniya.

Nang marating ko ang pinto ng kwarto ko ay muli ko siyang tiningnan, nakapikit siya ng mariin habang kagat-kagat ang ibabang labi. Hindi na ako nagmatigas pa at pumasok nalang ng kwarto.

Patalikod akong sumandal at pilit pinipigilan ang pagdaloy ng luha ko.

Kahit galit ako kay tita ay gusto ko rin naman siyang makita, pero dahil nandito si tito ay wala akong magagawa.

"Anong ginagawa niyo rito?" dinig kong tanong ni tito. Bakas sa tinig niya ang panlalamig kaya tumagilid ako para pakinggan pa ang mga tinig nila.

"Nandito kami para dalawin ka, Rhett." Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni tita. Ang matatag na boses na 'yon. Kahit pinagtulakan niya ako ay gusto ko parin siyang mayakap.

"Hindi ba sinabi kong 'wag niyo na akong lalapitan?"

"Please, Rhett. Ayusin na natin 'to. Matagal nang patay Silas." Narinig ko ang mataray na boses ng kasama pa nilang babae.

"Sa tingin niyo ba ay madali sa'kin ang pagkamatay ng babaeng mahal ko? umalis na kayo bago ko pa kayo kaladkarin palabas ng gate!"

"Rhett, pare! 'wag kang ganiyan. Alam mo ang dahilan kung bakit namatay si Silas at hindi 'yon dahil sa'min!" Napaayos ako ng tindig nang marinig ko 'yon. A-Alam ni tito ang dahilan kung bakit namatay si Tita Silas...ibig-sabihin ay alam niya rin ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko.

Ang sabi niya ay hindi niya alam! bakit siya nagsinungaling sa'kin?

Naiiyak kong binuksan ang pintuan ko. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang apat habang si tito ay tila nanigas sa kinatatayuan niya nang marinig ang mahinang tunog ng pinto ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni tita. Maging si Kuya Magnus ay nanlalaki rin ang matang nagpapabalik-balik ang tingin sa amin ni tito.

Pero hindi sakanila nakatuon ang atensyon ko, kundi kay tito na dahan-dahang humarap sa akin. Hindi ko na napigilang mapaluha.

"A-Ang sabi mo ay hindi mo alam ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko..." napahikbi ako at nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha.

"Bakit nagsinungaling ka sa'kin, tito?"

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon