Chapter 17

19 3 0
                                    

CHAPTER 17

Gabi na pero nandito pa rin ako sa school. Kanina pa ako sinabihan ni tito na on the way na siya, pero hanggang ngayon ay wala pa siya.

Muli kong tiningnan ang relo ko at magi-isang oras na.

"Ne, umuwi ka na, bawal ang tambay sa tapat ng school." Napatayo ako sa gulat nang lapitan ako ng guwardiya.

"S-Sige po," mahinang saad ko. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang shop ni Tito Cassian. Kanina pa siya nakatayo at nakapamulsang nakatingin sa akin.

Ipinagwalang bahala ko nalang 'yon at nagsimula nang maglakad papunta sa parada ng mga jeep. Hindi ako magta-taxi ngayon dahil hindi naman ako nagmamadali.

Ilang minuto rin akong naglakad nang marating ko ang madilim na parte ng kalsada kung saan nagkakapalang dahon ng puno ang nagtatakip sa liwanag ng buwan. Binilisan ko ang lakad ko dahil sobrang dilim, sa unahan ay patay-sindi ang poste ng ilaw na siyang liwanag ko.

Napatigil ako sa paglalakad habang hawak ang strap ng bag ko. Pinakiramdaman ko ang likuran ko dahil may nararamdaman akong presensiya.

Dahil sa takot ay nagsimula na ulit akong maglakad. Naramdaman kong sumusunod siya sa akin, sumasabay kung paano ako maglakad. Napapikit ako at mas binilisan pa ang paglalakad.

Narinig ko ang pagsadsad ng sapatos niya sa kalsada kaya naging mabigat ang paghinga ko. Sigurado na akong may sumusunod sa akin.

Pinilit kong 'wag magbigay ng palatandaan na alam kong may sumusunod sa'kin.

Nang maramdaman kong tumatakbo siya palapit sa akin ay tumakbo na rin ako. Mas binilisan ko ang takbo ko na siyang ginawa niya rin.

Nabuhayan ako nang may makita akong tao sa unahan. May dala siyang basket na sa tingin ko ay balot ang laman.

"K-Kuya! t-tulong!" sigaw ko kaya napatigil 'yon sa paglakad at tinanaw ako mula sa kinatatayuan niya.

Tiningnan ko ang likuran ko. Nagtayuan ang balahibo sa katawan ko nang makita kong marahas na tumatakbo palapit sa akin ang lalaking nakahood at nakamaskara ng puti. May hawak siyang kutsilyo sa kamay niya.

Pero ang mas nakapag bigay gulat sa akin ay ang pagbilis ng takbo niya at nilagpasan ako. Nanlalaki ang mata kong pinanood kung paano niya saksakin ng ilang beses ang mambabalot.

Nakakaawa ang mukha niyang humihingi ng tulong habang inaabot ako ng kaliwang kamay.

Naluha ako sa takot. Napatakip ako sa bibig nang bumagsak siya sa sahig habang nakadilat ang mata maging ang bibig dahil sa hirap.

Napaatras ako ng dahan-dahang humarap sa akin ang lalaki.

"Hi, Effie," mapaglaro ang tinig na saad niya kaya halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko.

Nagsimula akong tumakbo pabalik. Mahaba na ang nalakad ko kaya kitang-kita ko ang madilim na parte papunta sa school.

"TULONG!" malakas na sigaw ko.

Naramdaman kong tumakbo siya palapit sa akin kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

"TULUNGAN N'YO PO AKO!" patuloy ang paghingi ko ng tulong.

Nabuhayan ako ng loob nang maaninagan ko ang papalapit na sasakyan. Ikinaway ko sa ere ang kamay ko habang tumatakbo ng mabilis.

Muntik ko nang maitapon ang sarili ko dito nang makalapit ito, pero halos maubusan ako ng pag-asa nang lagpasan ako nito.

Lumuluha kong tiningnan ang lalaki na tumatakbo pa rin palapit sa akin kaya muli akong tumakbo.

Napatigil ako nang makarinig ako ng pagsalpok sa likuran ko.

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon