Chapter 11

15 3 0
                                    

CHAPTER 11

Isang linggo na ang nakalipas simula nang makalabas ako sa hospital. Hindi ko pa nakikita si Carlsen at wala rin akong balita tungkol sakaniya. Hindi ko narin tinanong ang tatlo dahil sadyang hindi ako interesadong malaman.

Nandito kami sa cafeteria at nanananghalian.

"Ang sabi ng mga pulis, lalaki raw ang killer dahil sa naiwang baseball cap sa kitchen," panimula ni Noah. Tiningnan namin siya. Kung totoo ngang may lead na sila sa killer matapos ang pagkamatay ng maraming estudyante, mas maganda kung gano'n.

Inalis ko narin sa isipan ko na ako ang dahilan matapos ang insidente kung saan maraming namatay sa pagsabog ng bomba.

"Ang iniisip ko nalang talaga, baka may kaaway si Carlsen na hindi namin alam. May pagkamalihim din kasi ang isang 'yon. Baka mamaya mga kaaway niya sa negosyo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Carlsen.

Natahimik sila kaya tiningnan ko sila. Lahat sila ay mataim akong tinitingnan kaya inalis ko ang pagkakasalpak ng straw sa bibig ko at tinaasan sila ng dalawang kilay.

"Hindi mo ba talaga kami tatanungin tungkol kay Carlsen?" nag aalangang tanong ni Grover kaya yumuko ako at sumubo ng fries.

Narinig kong bumuntong hininga sila. Hindi narin naman nila pinilit kaya nang matapos kami ay naghanda na kami para pumasok sa klase.

Pinauna ko sila para hanapin ang phone ko sa bag nang mabangga ako ng kung sino. Kasabay nun ang pagkabasag ng kung ano.

"Putang ina! yung project ko!" sigaw ng lalaki kaya nanlalaki ang mata kong tiningnan ang maraming pinggan na may mga disenyo. Lahat 'yon ay basag kaya mangiyak ngiyak akong tumingin sa lalaki.

"K-Kuya, pasensya na po--"

"May magagawa ba 'yang pasensya mo?! isang oras nalang pasahan na namin niyan!" bulyaw nito saka sinabunutan ang sarili sa sobrang asar na nararamdaman.

Someone's Point of View

Pinagsalubong ko ng madiin ang mga ngipin ko nang bulyawan niya ang babaeng pinangangalagaan ko. Umakyat nanaman ang dugo sa ulo ko dahil sa inis.

"Bro, babae 'yan, pakibabaan naman ng lakas ng boses mo." Lumapit dito ang kaibigan niya na sa pagkakaalam ko ay Grover ang pangalan. Napangiti ako. Kahit papaano, kahit wala ako sa tabi niya, may nangangalaga sakaniya.

"Makakapagbigay ba ng uno sa grado ko ang pagkabasag ng mga 'yan?!" sigaw nanaman nito kaya ikinuyom ko ang kamao ko. Pinipigilan kong makagawa nanaman ng kung ano.

I just can't let them hurt her.

"Tama na 'yan bro, kakausapin ko nalang prof mo, nasa'n ba?" tinulak nito ang isa pang kaibigan niya na sa pagkakaalam ko ay Noah ang pangalan kaya naatrasan nito ang babaeng kaibigan niya na Imeg ang pangalan.

"Aray!" daing nito nang maapakan ng kaibigan ang paa niya.

"Tangina mo, pre! pinakikiusapan ka ng matiwasay, pero kung hindi ka madadaan do'n tara sa quad! kanina ko pa gustong bangasan 'yang mukha mo!" gigil na sigaw ni Noah dito kaya muli nanaman siya nitong tinulak.

"Mayayabang kayo kasi kaibigan niyo ang may ari ng university, pero hindi kita uurungan!" napangisi ako. Tumayo ako dahil time na.

"Excuse me," malamig ang tinig na saad ko at pabanggang dinaanan ang lalaki.

"Ano ba?!" napatigil ako at hinarap siya.

"Sinisigawan mo ba ako?" asar na tanong ko kaya idiniin niya ang pagsasalubong ng mga ngipin niya.

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon