Chapter 18

21 3 0
                                    

CHAPTER 18

Carlsen's Point of View

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mamatay si Effie. Sa tatlong araw na 'yon ay hindi ako pumalyang dalawin ang puntod niya.

Masakit pa rin sa'kin ang nangyari. Kahit si Lolo Zach ay sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ni Effie.

"Kung siya ang naunang inasikaso...sana ay buhay pa rin ang apo ko," humahagulgol na saad nito habang nakaluhod sa harap ng puntod niya.

Ilang beses na bumabalik sa ala-ala ko ang araw na'yon, ang araw ng libing. Ang araw na para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang araw na tuluyang namaalam ang babaeng mahal ko.

Ni hindi ko man lang nasabi sakan'ya ang salitang 'Mahal kita'.

Natawa ako ng pagak. I hate cheezy lines. Pero simula nang dumating si Effie, natuto akong mag-isip ng mga sweet na bagay na pwede kong magamit sakaniya sa hinaharap.

Pero hindi ko alam na ito ang hinaharap na naghihintay sa amin.

Ang manatili ang katawan niya sa ilalim ng lupa, habang ako, heto at hindi pa rin matanggap ang nangyari.

"Carlsen," tiningnan ko ang tatlong tao sa likuran ko. Sa kanilang tatlo ay si Noah ang mas naapektuhan. Tinuring niyang kapatid si Effie, dahil ang sabi niya ay katulad ni Effie ang ugali ng namatay niyang kakambal.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lapida niya.

'You will always be remembered, Effie Wisteria Macarias.'

Tumayo ako at hinarap na ang tatlo.

"Anong balita? kanino ang sumbrerong nakuha sa kusina?"

Simula nang mamatay si Effie ay mas pinag-igihan ko ang pagpapa-imbestiga sa mga nangyaring pagpatay sa loob ng paaralan ko.

Ang tinitingnan kong dahilan ng pagkamatay ni Effie ay may koneksyon doon. Sa Axon Pacific din siya nag-aaral kaya posibleng lahat ng magiging biktima ng taong 'yon ay nag-aaral sa loob.

"N-Nakuha na namin ang DNA test nang naiwang buhok sa sumbrero," utal na saad ni Grover saka inabot sa akin ang brown envelope.

Kinuha ko 'yon at pinakatitigan. Nag-igting ang panga ko.

Oras na mahanap kita ay malalagot ka sa ginawa mo sa babaeng mahal ko.

Tuluyan ko nang inilabas ang nasa loob saka binasa ang nakasulat. Halos mapatiran ako ng hininga nang makita ko ang pangalang tumugma.

"K-Kuya Rhett," hindi makapaniwalang saad ko. Umiwas ng tingin si Noah at Imeg sa narinig. Alam kong binuksan na nila 'to bago pa makaabot sa akin.

"Sabihin mo kay Detective Dylan, ihanda na ang kapulisan," malamig ang tinig na saad ko. Ibinalik ko ang tingin sa lapida ni Effie.

Ipaghihiganti kita.

Third Person's Point of View

Nagdadalamhati ang puso ni Rhett habang nakatitig sa larawan ng yumao niyang pamangkin. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya.

"Effie..." humahagulgol na sambit nito.

Muli niyang niyakap ang larawan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya 'yon pinansin.

Wala siyang pakialam sa paligid dahil nakatutok ang buong atensyon niya sa sakit na nararamdaman.

Kung sinabi niya lang lahat kay Effie at Carlsen, sana ay hindi umabot sa ganitong sitwasyon. Kung hindi niya lang hinayaan ang pamangkin niya na pumatay alang-alang kay Effie, sana ay walang nadamay na buhay.

The Associate (School Trilogy #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon