Today is our Graduation Day. Magkakahiwalay kami ng upuan nila Dy and Kelsey because magkakaiba kami ng course.
"Graduates of Bachelor of Science in Business Administration Major in Management Batch 2015 - 2016"
Tinawag na yung mga pangalan ng Graduates. Hinihintay ko yung turn nya.
Kinawayan ko sya at niready ang camera na nasa bag ko para pag sya na ang aabot ng Diploma nya ay makuhanan ko sya.
"Salazar, Dylan Hunter N."
Tinignan ko sya habang paakyat sya sa stage. Naging maingay ang ibang mga babae dahil sa kanya. Napangiti naman ako.
Ang gwapo nya talaga.
Inabot na sa kanya ang Diploma nya. Pumunta sya sa gitna ng stage at ngumiti kaya't pinicturean ko sya.
Pinakatitigan ko ang picture nya sa camera ko.
'Finally.'
Nang matapos ang batch nila ay agad naman na sumunod ang kila Kelsey.
Kinawayan nya ako habang nakangiti. Hindi nya mapigilan na maexcite. Pangatlo lang kase sya sa pila nila.
"Graduates of Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Batch 2015 - 2016"
Nagtawag na ng nagtawag ng pangalan. Hindi naman ako nahirapang maghintay dahil pangatlo lang sya sa pila.
"Andres, Kelsey Leigh C."
Kinuhanan ko rin sya ng picture. Todo ngiti pa sya sa stage at kaway ng kaway. Siraulo talaga.
Pumalakpak ako ng pumalakpak hanggang sa matapos sila.
Nang turn na namin ay nagready na kami.
"Graduates of Bachelor of Science in Business Administration Major in Accountancy Batch 2015-2016"
Nagpalakpakan ang lahat ng sabay-sabay kaming tumayo sa upuan namin at naglakad papunta sa gilid ng stage.
Nakapila kaming lahat sa gilid. Kinakabahan ako kaya't nilibot ko ang paningin ko.
Hinanap ko agad ang mga magulang ko sa pag-asang makikita ko sila pero nabigo ako. Lumaylay ang balikat ko at napabuntong hininga.
'Ang impossible naman kase na pupuntahan nila ako rito.'
Hinanap ko na lang si Kelsey at si Dylan. Nginitian ako ni Dylan at ipinakita ang hawak nyang camera. Kumaway-kaway naman si Kelsey kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti.
Hinintay ko ang turn ko para kunin ang diploma ko.
And finally eto na...
" Garcia, Yara Adaleeh M."
Umakyat ako sa stage at kabadong nakipagkamay sa mga special guest at Dean ng school namin.
Pumunta ako sa gitna ng stage at ngumiti.
Agad na hinanap ng paningin ko si Dy. At napangiti agad ako.
'We made it.'
Hindi ako makapaniwala na malapit na kaming pareho sa mga pangarap naming dalawa.
Ganoon ang nangyari sa iba't ibang course kaya't medyo natagalan ngunit alam ko namang worth it kaya hindi ako nainip.
Natapos ng 9pm ang Graduation namin. Sinalubong ako ng yakap ni Dy. Pati ang mama at papa nya ay binati ako at niyakap.
Luminga ako sa paligid sa pag-asang baka narito sila at nalate lang ngunit wala akong napala.
"It's okay love. At least you made it. Congratulations and I love you!" hinalikan nya ako sa labi pagkatapos noon.
YOU ARE READING
Everything has Changed
Teen FictionAdaleeh always wanted to fulfill all their dreams together not until they broke apart and see herself starting all over again.