Chapter 3

3 1 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon dahil may meeting kami for our group report. Hindi na ako nagpahatid kay Dy dahil mamaya pa namang 8 ang klase nya. Sinabihan ko na lang sya na magkita na lang kami later sa classroom dahil parehas kami ng sub ng 8 to 9 am ngayon.

Natapos agad ang meeting namin and sakto paalis na daw si love ng bahay nila. Though, magco-commute lang daw sya ngayon dahil gagamitin ng pinsan nya yung kotse.

Sinabihan ko na lang sya na sa may gate ko na lang sya hihintayin. Sakto naman na papasok pa lang si Kelsey kaya hinila ko na rin para may kasama akong maghintay.

"Grabe ka naman bakla ang init-init dito tapos niyaya mo pa ko. Sana sa Cafeteria na lang nagugutom pa ako eh."

Kanina pa sya reklamo ng reklamo nung hinila ko sya para pigilang pumasok sa loob.

"Wait ka na lang malapit na daw sya. Ililibre kita ng mamon. Favorite mo yon di ba?"

Pumayag naman sya kaya wala syang nagawa at sinamahan ako. Alang-alang sa pinakamamahal nyang mamon nga naman.

Nang nakarating na si Dy ay kinuha na nya ang bag ko at sya na ang nagbitbit. Pawis na pawis pa sya pero ang gwapo pa rin.

"Sorry love amoy pawis na. Ang init sa jeep eh siksikan."

Pumasok na kami sa loob at gaya nga ng sinabi ko ay binilhan ko si Kelsey ng mamon.

"Oh ayan na yung pangako ko. Not just one, but two yan. Magthank you ka. Sabihin mo thank you, master"

Pinilit ko pa syang magthank you pero ang gaga, ayaw nya.

"Bayad mo to sakin no. Wag mo ko utuin. Babye na dun pa sa kabilang building yung klase ko. Bye bye!"

Nagtatakbo na sya dahil medyo malayo pa yung building nya. Takot kase yong malate. Dumiretso na rin kami sa klase namin dahil malapit ng magtime. Hindi ulit kami nagtabi kaya hindi na kami nakapag-usap bago nagsimula ang klase.

Dito pa rin ang next class ko at sa kabilang room naman sya.

"See you at the cafeteria, love. I love you."

Hinalikan nya ako sa noo at sinukbit na yung bag nya sa balikat nya.

Di pa man sa nakakalagpas sa pintuan ay ayan na naman si Ava.

"Oh DH you're here pala." inipit-ipit nya pa yung kaunting hibla ng buhok nya sa tenga nya. Ang arte ha. At wow, DH may bagong tawag.

"Ah, hi? Excuse me."

Umalis na si love at dumiretso na sa next class nya. Habang yung isa, hindi makapaniwala na nilagpasan lang sya.

'hahaha poor you'

"Okay na yun, Ava atleast nag-hi"

Inirapan naman nya yung kaibigan nya. Nagpapadyak pa habang naglalakad.

Alam naman kase na may girlfriend tapos ganyan umasta. So imma.

Months had passed at masyado kaming naging busy. Halos hindi na kami nakakapag-usap dahil after school ay work naman.

Nandito kami ngayon ni Dy sa may labas ng Audi. Lalabas na kase yung result ng Finals namin ngayon.

Kinakabahan ako habang naglalakad. Kapag kase naibagsak ko 'tong Finals namin for sure laglag ako sa graduation. Guguho mundo ko non for sure.

"Dali na love tignan mo na" tinulak-tulak pa ako ni love dun sa mga list ng mga nakapasa. Habang ako naman ay paatras ng paatras.

"Ayoko love. Kinakabahan ako."

Tinakpan ko pa ang mata ko para hindi ko makita.

"Ako na lang muna titingin bago ikaw gusto mo?"

Tumango naman ako at nagtago sa likuran nya. Binuklat-buklat nya yung mga nakapost na papel doon at hinahanap ang pangalan ko. Ilang minuto lang ay huminto sya sa pagbuklat kaya't alam kong nakita na nya ang pangalan ko.

Everything has ChangedWhere stories live. Discover now