"Hi, dear!" she gave me a hug. A fake hug actually.
Maka-dear akala mo arabo eh. Napairap na lang ako.
Sinuklian ko sya ng tingin at nadapo ang paningin ko kay Dy na kalalabas lang ng passenger's seat ng kotse ni Ava.
Nilapitan naman nya ako kaagad para halikan sa pisngi.
"What's happening?" I asked him while smiling.
"Yeah, Ahm Ava, my girlfriend, Ada."
ngumiti naman ako ng pilit though we definitely 'fucking' know each other."Ano ka ba Dylan we already know each other." Hinaplos nya pa sa harap ko ang braso ni Dylan habang nakangiti ng malandi.
"Yeah, that's true. What I mean is that why is she here? I mean wala akong masamang ibig sabihin dun, Ava. I'm just asking lang ah."
"Ah yeah, nag-offer kase sya na ihatid na lang ako since baka mahirapan ako sumakay. And gusto din nya makita yung coffee shop natin. Let's go?"
He placed his hand around my chest at naglakad kami papasok ng coffee shop. Nagpatangay na lang ako dahil baka gusto lang nya talaga makita? Though baka malasin nga lang kami.
Nang makapasok na sya sa loob ay nilibot-libot nya ang paningin nya.
"It's so small but a good one for a start-up." she smiled sweetly habang nakaharap saming dalawa or kay Dy lang I guess?
"Yeah, we will expand this one in the future. Pero siguro maliit muna since nagpapakilala pa lang naman kami." I answered that while arranging the equipments.
"That's good." tumango sya maya-maya lang ay naupo.
Nagpaorder ako ng food sa Jollibee since maglalunch na kawawa naman yung mga empleyado ko.
"Oh I don't eat fast food, eh. Mauna na ko. See you on Monday, Hunt."
She waved her hand at umalis na. Kung alam ko lang na si Jollibee lang ang makakapagpaalis sa kanya edi sana kanina pa ko umorder nito?! Sarap-sarap kaya nito.
Kumain lang kami at after non ay tinapos na namin ang mga designs. Babalik na lang kami tomorrow morning para pagandahin pa lalo. Hindi ko kase pwedeng ilagay na agad yung balloons since alam kong magsisiputukan lang rin naman.
Sayang effort 'teh.
▪☆▪☆▪☆▪☆▪
"Are you ready?" he asked habang nakahawak sa gunting for the ribbon cutting.
Hindi ko lubos akalain na ganito kabilis like kahapon lang nagdedesign ako and finally eto na.
I smiled at him and gave a signal to cut the ribbons. Nakisabay na rin ang bestfriend ko since kaming tatlo naman ang kasama sa ribbon cutting dahil gustong-gusto daw nya yun.
Nagsipasukan na ang lahat pati si father na magbebless ng coffee shop namin. Kaunti lang kami actually since maliit lang 'tong coffee shop. Family lang ni Dy and si Kelsey ang nandito. Nagtangay pa nga sya ng ilan-ilang customers para mabinyagan na raw ang mini coffee shop namin.
Habang ako eto nasa labas tinatanaw ang pangarap na naunlock namin.
"You look beautiful today" he gave me a kiss on my lips at hinawi ang strands ng buhok ko na nakaharang sa face ko.
I was actually wearing a black long-sleeve V neck bodycon dress partnered with a 3-inch black pump heels.
Pumasok na kami sa loob ng magkahawak kamay.
They are now starting to order dahil nakaupo na ang ilan at inaasikaso na sila ng waitress namin. Though konti lang naman yung binitbit ni Kelsey na customers at yun ang inaasikaso ng staff namin.
While yung family naman ni Dy ay inaasikaso ng loka-loka kong kaibigan na nag-apron pa talaga.
"Bakla ka talaga" nasa counter kami ngayong dalawa dahil nandun sya binibigay sa barista namin yung inorder ng family ni Dy.
"Gaga ka ganda mo ngayon ah. Buti na lang ako namili."
"Ang hirap naman maglakad sa heels na binigay mo ih"
"Ano ka ba masanay ka na. Pag etong shop mo lumaki tapos nagkaroon ng madaming branch ganyan na dapat mga suotan mo noh"
Inirapan nya ako at kinuha na nya yung mga orders na inabot ng barista namin.
Sinundan ko naman sya sa table nya at naupo rin.
"Career na career ah"
"Bleh swelduhan mo ko"
Tinawanan ko sya at nag-asaran na kami ng nag-asaran.
Nakipagkwentuhan muna ako sa pamilya ni Dylan habang sya naman ay inaasikaso ang iilang customer na pumapasok.
Lumabas ako para mamigay ng flyers sa mga dumadaan. May iilang pumapasok para um-order, meron namang iba na inaabot lang ang flyers na ibinibigay ko pero nagtutuloy-tuloy lang sa paglalakad.
It's already 12 midnight ng magsara kami. Malapit kase ng kaunti ang nirentahan namin para sa shop sa isang hospital kaya naisipan kong every 12 midnight magsarado para naman may mabilhan ng coffee or tea yung mga workers sa hospital. Wala kase halos coffee shop sa malapit kaya kung magstay kami until midnight there is a chance na maging suki namin yung mga doctors, nurses and other workers sa hospital na yun.
"Bye ma'am Ada! See you po bukas." Kumaway pa silang dalawa bago umalis.
Ako na lang mag-isa dito sa shop dahil liligpitin ko na lang yung ibang gamit. Pinauna ko na lang yung dalawang staff namin dahil they look so tired and babyahe pa sila. 10am naman ang opening namin so medyo makakatulog pa sila ng ayos. Well, sana nga para madami silang energy.
12:30 na ng masarado ko ng tuluyan yung shop namin. Naghihintay na lang ako ngayon sa labas dahil susunduin daw ako ni Dylan.
Pinauna ko na kase sya kaninang 8pm para makaidlip sya. Sinabi nya naman na susunduin nya ko so all I need right now is to wait.
1am na pero wala pa rin sya. And antok na antok na ko promise. Maybe, he's still sleeping? I don't know. He's not replying to my calls and text.
Binuksan ko muna saglit yung shop para pumasok. Dahil baka mamaya kidnappin ako or what so ever.
Naupo ako sa isang couch na pahaba na nakalagay sa gilid ng shop. Umubob muna ako saglit sa table dahil antok na antok na ko.
Nagising ako dahil kanina pa nagriring ang cellphone ko.
Hala! 2am na.
Sinagot ko ang tawag dahil alam kong si Dylan 'yun.
"Hey, love! Sorry, kakagising ko lang. I'm really sorry. Are you okay? I'm on my way there. Shit." Narinig ko pa ang pagbukas-sara ng pintuan.
"Yes love, I'm okay. Nakatulog din naman ako sa shop so okay lang. Chat me if malapit ka na ah? I love you. Take care. "
I ended the call and wait for him. Maya-maya lang ay nandyan na sya sa labas. He looked so worried but I assure him that it was alright.
When we arrived at our condo. Hindi na ako nagpaalam or nakipag-usap dahil antok na antok na talaga ako.
I know that there is something I should be aware of but I don't know what it is. But I hope that it is something that could bring happiness not pain.
------------------- To be continued --------------
YOU ARE READING
Everything has Changed
Teen FictionAdaleeh always wanted to fulfill all their dreams together not until they broke apart and see herself starting all over again.