Seduce 8

2.1K 46 5
                                    

Nagising naman si Addy mula sa pagkakahimbing na tulog nang marinig niya ang sunod sunod na pagtunog nang doorbell sa kanyang condominium nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang nakakunot na noong si Everly. Tinignan lang siya nito ulo hanggang paa bago ito walang sali tang nagdire-diretso sa loob nang kanyang condominium. Huling kita niya sa kaibigan noong magpunta sila nito sa party at sa nakalipas na ilang araw ay puro tawag lang ang naging communications nila 'to, panigurado siya na marami na naman itong tanong sa kanya. Napabuntong hininga muna si Addy bago niya tuluyang isara ang pinto at pagkatapos ay nagtungo siya sa kanyang salas kung saan prenteng nakaupo ang maldita at makapal na mukha niyang bhestfriend.

Ang gaga di man lang siya binati nito, ni hilaw na ngiti ay di sya binigyan tsk! Kung hindi niya lamang ito matalik na kaibigan ay malamang nasabunutan na niya ito ng bonggang bongga, masyado kasing umaattitude ang bruha!

"Anong ipinunta mo rito nang ganito kaaga?" Nakapamewang siya sa harapan nito, nakita niya ang pagtaas nang isa nitong kilay.

"Maaga? Ngayon lang ako nakarinig nang alas onse na nang tanghali eh maaga pa rin!" Inirapan niya lang ang sinabi nito at padabog na naupo sa mahabang sofa katabi nito.

Pinagkrus nito ang mga braso sa harap ng dibdib nito. "So how's your landian with that hot gay?"

"Well we're good" tipid niyang sagot dito kaya napataas ulit ito nang isang kilay.

"Good what? At sex? C'mon spill it out Addy! Kahit abutin tayo nang pasko dito ayos lang basta maikwento mo lang ang bawat himaymay nang kalandian mo" walang preno ang bibig nito.

Sarkastiko naman siyang natawa dito at napailing. Gusto pa yata nito na i-detalye niya ang pagsesex nila ni Nigel?

"Fine you want a details?" Nakangisi at hamon niyang sambit dito na ikinatango nito. Kahit na bulgar itong kaibigan niya ay alam niyang may hangganan din ang mga pinapakinggan nitong maseselang salita.

"Okay!" Huminga siya nang malalim bago muling magsalita muli.

"Bukod sa ikwinento ko na sayo ang una naming pagsesex after the party, syempre malandi itong kaibigan mo naulit ulit iyon. Noong nakaraang linggo, We had sex at his condominium pagkatapos naming maligo, inakit ko sya. Ako ang nagpaligaya sa kanya alam mo bang sarap sarap siya at umungol nga sya nang ga----

"Ahh stop! Tangina! ayoko madinig na naman yang aksyon mong ungol ang sagwa pakinggan" anito, sabay naman silang natawa na dalawa. Noong huling kwento niya kasi dito about sa sexlife niya ay talagang detalyado at umaaksyon pa siya non ng ungol at halos idemonstrate niya iyon sa harapan nito. Nadala na ito simula non, ayaw nitong marinig ang kanyang ungol, napapangitan daw kasi ito sa tunog niya na siyang sinasadya niyang papangitin para lalong asarin ito.

"So bukod sa pakikipagchismiss ano pang ipinunta mo rito?" Pagkasabi ni Addy nito ay inilabas ni Everly sa bag nito ang isang invitation at iniabot niya kay Addy na mabilis namang tinanggap ito.

"Iniabot yan sakin ng sekretarya mo kanina mo since hindi ka pa pumapasok, dinalaw kita sa opisina mo pero wala ka 'don"

Binuklat niya ang kulay black gold na imbitasyon. It's an Annual party for elite businesses. Idinaraos kada taon ang selebrasyon na ito para makilala ang iba't ibang klase at malalaking business sa bansa at pinaparangalan ang mga company na may malalaking sales kada taon. Nakita niyang sa susunod na linggo na pala ito gaganapin.

"Pumunta ka babae!" Noong nakaraang taon ay hindi siya nakapunta sa pagtitipong ito kaya ang kuya at daddy niya ang naging representative ng company nila. Sa kadahilanang nilalagnat siya 'non at hindi kaya nang katawan niya ang kumilos.

"Of course!" Sagot niya rito

"Nga pala bakit dalawang araw ka nang hindi pumapasok? Is it true na masama ang pakiramdam mo? Are you okay?" rumehistro naman sa mukha nito ang pagaalala

Seducing the Third Party [R-18] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon