Seduce 21

2.1K 51 5
                                    

Parang totoo ang panaginip ni Addy kanina nang magising siya. Nasa tabi niya daw si Nigel, hinalikan siya nito sa noo at binulungan nang katagang 'i love you' bago siya tuluyang iwan nito. Kung sana lang lahat nang iyon ay totoo, baka sya na ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero malabong mangyari ito dahil wala na ang lalaki at lumisan na ito, tuluyan na niya itong hindi na makakasama pa. Kahit na medyo mahapdi pa ang kanyang mga mata dala nang pagkakaiyak, ay kumilos na siya upang tumayo at magluto nang kakainin. Nagugutom na siya. Kailangan niyang magpalakas para sa kanyang baby. Lumabas siya nang kwarto at agad na nagtungo sa kusina ngunit mabili siyang natigilan sa nasaksihan.

It's Nigel! He wearing an apron while he's cooking on her kitchen.

Kahit na nanlalaki ang mga mata niya sa gulat ay kinusot niya ang mga mata, baka kasi namamalik mata lang siya at naghahalusinasyon na nasa harapan niya si Nigel at kasama niya ito ngayon. Nang maidilat niya ang mga mata ay nandon pa rin ito, this time nakangiti na ito habang nakatingin ang mga mata nito sa kanya.

"Are you hungry?" Tanong nito, hindi niya naman ito pinansin bagkos ay nagtungo siya sa ref upang uminom. Akmang iinumin na sana siya ang isang basong malamig na tubig na kinuha niya sa pitsel nang pigilan siya nito.

Hinawakan nito ang kanyang kamay na may hawak na baso. "Addy hindi dapat 'yan ang iinimon mo, makakasama yan sa baby natin" masama niya itong tinignan.

Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya, matapos nitong sumama sa iba!?

Naguhuluhan pa rin siya kung bakit narito ang lalaki sa condo niya.

"What are you doing here Nigel?" Hindi rin siya pinansin nito bagkos ay biinitawan siya nito at pumunta sa sink kung saan may isang basong gatas ang nakalagay roon. Kinuha iyon ni Nigel at iniabot sa kanya.

"Here drink this" hindi na siya nagalangan na kunin pa ito, para sa kanyang baby ipagsasawalang bahala niya muna ang galit sa ama nito at handang inumin ang ginawa nitong gatas sa kanya.

Nang maubos niya ang gatas ay muli niyang hinarap ito. Kunot noo niya naman itong tinignan.

"I said why are you here"

"Addy i-i'm sorry for everything"

"Sorry? Nigel kung nandito ka lang dahil sa naaawa ka sakin at sa anak mo, hindi kita kailangan. Kaya kong palakihin at alagaan nang mag-isa ang anak ko"

Nagsalubong ang kilay nito sa kanya "Anak mo? Addyson anak natin yan at mas lalong hindi ako nandito para sa anak natin. I'm here beacuse i need you Addy, i need you and our baby" sarkastiko siyang  napatawa rito na hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito ngayon.

Paano si Dominic? Ano to, ginagago siya nito? Pagsasabayin sila ulit nang hayop niyang ex!?

"Now are you saying this para lang hayaan kita sa gusto mo" nabigla siya nang lumuhod ito sa kanya, idinikit nito ang ulo sa kanyang tiyan atsaka siya niyakap nito sa bewang

"Addy alam kong nagkamali ako sa pagpili, nasaktan kita pero handa akong gawin lahat mapatawad mo lang ako. At about kay Dominic, he's leaving the country, bago pa man siya umalis tinapos na namin ang anumang namagitan sakin because we both realize that we are not happy to each other anymore. Addy i keep thinking on you, walang araw na namimiss ko ang presensya mo noong mawala ka sakin. And i want to tell you that I love you Addy matagal na" hindi naiwasan ni Addy na mapasinghap dahil sa gulat sa huling sinabi nito.

He loves me too?

"N-nigel please stand up! Kapag hindi ka pa tumayo hindi na kita papatawarin kahit kailan!" Pananakot niya pa rito kaya pagkasabing pagkasabi niya nito ay mabilis naman itong tumayo sa kanyang harapan.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon