Isang malutong na hagalpak ang pumailinlang sa loob ng condominium ni Addyson matapos niyang ikwento kay Everly ang lahat ng nangyari noong kagabi sa kanilang dalawa ni Nigel. It's been a three days since she last time saw him.
Walang patid ang tawa ng magaling niyang kaibigan sa kanya, kaya masama niya itong tinignan ngunit balewala lang dito.
"Tangina Eve! mamatay kana sa kakatawa" iniwan niya ito sa salas sa kanyang inis. Nagtungo siya sa kusina upang gumawa ng kape
"Oh m-my god Addy! Your story is so funny" sinundan siya ni Everly sa kusina
"That's not funny! You wait Everly, kung makakatiis pa siya sa ganda ko" aniya habang busy sa pagtitimpla ng kape
"Mas maganda siya sayo te! Pero sexy ka naman kaya pwede na" komento naman nito sa kanya matapos siyang sipatin nito mula ulo hanggang paa. Inirapan niya naman ito at sumimsim sa kanyang kape
"Anyway, since you've rejected. Let's go to the party" Umangat ang isa niyang kilay
"Party?" She curious
"Yes, birthday party nang kaibigan ni Zane"
Si Zane ang manliligaw ni Everly, halos limang buwan na rin itong nanliligaw sa kaibigan niyang pakipot. They had sex pero hindi pa rin sila nito magjowa, kaya di niya din magets ang kaibigan niyang 'to minsan
"Mamaya na iyon at 6pm sa bahay lang din ng kaibigan niya. Just a normal party. So you don't need to wear a gown or what. Just wear a simple dress" Tumango na lamang siya rito, wala naman siyang magagawa alam niyang pipilitin lang siya nito hanggang sa pumayag siya.
Nagkwentuhan pa sila nito saglit bago ito tuluyang umuwi dahil magdedate pa daw sila nito ni Zane. Pagkaalis ni Everly ay wala siyang magawa kaya nagpunta siya sa kanyang kwarto upang magjogging sa machine na mayoroon sa loob ng kanyang kwarto.
Wala pang kalahating oras nang hingalin siya sa pagjojogging. Pinatay niya agad ang machine. Nagtungo siya sa kama kung saan nakalapag ang kanyang telepono. Chineck niya iyon upang tignan kung may calls or text ba siyang natanggap, ngunit galing lang iyon lahat sa iilan niyang empleyado at mga business partner.
Aminin niya man o hindi ay hinihintay niyang kontakin siya nang binatang si Nigel. Kaya lakas loob niyang tinawagan ito. Nagriring lang iyon pero never nitong sinagot ang kanyang tawag sa nakalipas na dalawang araw.
Inis niya muling itinapon ang telepono sa kanyang kama nang wala siyang mapala. Bukas, kapag hindi pa rin nito sinagot ang kanyang tawag ay pupuntahan niya ito sa hotel! Hindi maaaring hanggang doon na lang sila, kailangan na niyang kumilos dahil anumang oras darating na naman ang hayop niyang ex at tuluyang masira ang plano niya.
She's bored at her home kaya naman napagpasyahan niyang lumabas na mag-isa. Si Everly lang ang tangi niyang kaibigan, di naman niya ito pwedeng maaya ngayon. Bago magpunta ng mall ay umuwi siya sa kanyang hometown kung saan nakatira ang kanyang parents at ang kuya niya Adrian kasama ang asawa at anak nito.
Walang pang isang oras nang makarating siya sa bahay nila, pinagbuksan siya ng gate nang mga tauhan nila sa bahay. Nang huminto ang kanyang sasakyan sa kanilang garahe ay pinagbuksan siya ng pinto ni Mang Ador, ang isa sa matagal na nilang katiwala at nagsilbing isa sa mga guard nang kanilang mansyon.
"Welcome home maam Addyson" nakangiti nitong bati sa kanya nang makalabas siya ng kotse
She smile back "Salamat mang Ador. Where's mom and dad?"
"Nasa loob po maam" tumango siya, pagkatapos ay pumasok na rin siya sa loob ng malaking bahay nila.
Naabutan niya sa salas ang pamangkin niyang si Aquin na naglalaro ng mga toy car nito.
BINABASA MO ANG
Seducing the Third Party [R-18] Completed
RomanceIsang araw bigla na lang brineak ng long time boyfriend niya si Addyson Sullivan, sa kadahilanang pagod na ito sa kanya at hindi na rin siya nito mahal. Sa una, hindi siya naniniwala sa bulok na rason na ibinigay sa kanya nito dahil para sa kanya ga...