Nang maramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura ay mabilis na napabangon si Addy mula sa kinahihigaan at tumakbong nagtungo sa comfort room upang isuka ang dapat isuka. Halos pagpawisan siya sa ginawa, nilinis niya agad ang bibig at marahang napaupo sa nakasaradong bowl. Napasuklay siya sa nagulo niyang buhok.
Tatlong araw na siyang ganito tuwing nagigising siya sa umaga. Halos lahat nang ikinakain niya sa gabi ay isinusuka niya lang rin, wala na yatang katapusan. Kaya kahit wala na siyang mailabas ay nagsusuka pa rin siya kahit na puro laway na lang ang lumalabas sa kanya. Lagi rin siyang nanghihina sa twing natatapos siya sa pagsusuka. Sinubukan niyang inuman nang gamot ngunit wala rin iyon naging epekto.
Lumabas siya nang banyo at mabilis na nagtungo sa side table upang kunin ang kanyang telepono. Mabilis niyang dinial ang numero nang kanyang sekretarya.
"Hello Lina"
"Yes ma'am goodmorning"
"Goodmorning. Hindi ako makakapasok ngayon, ikaw muna ang bahala sa lahat"
"Walang anuman maam" nang makapagpaalam sya rito ay agad na rin niyang ibinaba ang kanyang telepono.
Napagpasyahan niyang pumunta ngayon sa hospital para magpacheck up. Baka may nangyayari na sa kanya at hindi niya pa alam. Kaya nang matapos siya sa pagaayos ay agad na rin siyang nagtungo nang hospital. Nang makarating siya dito ay agad siyang nagtungo sa opisina ni Mrs. Sandoval, kaibigan ito nang mommy niya at ninang rin ito sa kasal ng kuya Adrian niya.
Nakita niyang ngumiti ang doktora nang makita siya nito. "Addy iha, kumusta? Napadalaw ka?" Matapos niyang ngitian at tumango dito umapit siya rito at umupo sa harap nang table nito.
"Mrs. Sandoval to get check up"
"Why? Are you sick?" Kaagad nitong tanong sa kanya.
"I don't know dra. But it's been three days since i vommit" tumango ito.
"Okay. Kukunan kita ng dugo at ihi para malaman natin ang sakit mo" agad naman nitong sinimulan ang test sa kanya nang doktora nang matapos ay naghintay sya sa loob nang mahigit isang oras.
Lumabas si Mrs Sandoval sa lab nito na may ngiti sa labi, kaya hindi maiwasan ni Addy ang kabahan sa reaksyon nito.
"Addy congratulations! You're three weeks pregnant" halos bumagsak ang balikat niya sa narinig.
Umiling siya rito "Dra. i-i'mposible? When i try to test using pregnancy kit, the result is negative. How come?"
"Are you taking pills lately?" Marahan siyang tumango rito. Noong nag-away sila ni Nigel sa hotel nito dahil sa pagseselos niya sa pakikipagusap nito kay Dominic sa telepono, iyon ang simula na hindi na siya nakapagtake pa nang pills. She was busy at nawalan na siya nang time na uminom pa nang pills hanggang sa mawala na lang sa isip niya ang gamot dahil sa dami na nangyari sa kanya.
"Well Addy baka isa iyon sa nakaapekto kung bakit hindi mo nalaman agad na buntis ka, at medyo pang nagaadjust ang katawan mo gayong itinigil mo na ang pagpipills and you're pregnant" tumango tango siya.
She's still shock on what she heard! Nailagay niya ang isang kamay sa kanyang tiyan, at marahan iyong hinimas. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon, pero alam niyang magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya ngayon. Masaya, dahil may nabubuhay sa kanyang sinapupunan ay hindi na siya nagiisa. Malungkot, kasi mukhang ipagbubuntis niya ito nang walang kinikilalang ama.
Nang hindi siya makasagot agad kay mrs sandoval ay nagsalita muli ang doktora "Addy i'll refer you sa kakilala kong obygn. Mas maganda kong magpapacheck up ka regularly para maresatahan ka nang vitamins at malaman kung healthy ba ang baby mo"
BINABASA MO ANG
Seducing the Third Party [R-18] Completed
RomanceIsang araw bigla na lang brineak ng long time boyfriend niya si Addyson Sullivan, sa kadahilanang pagod na ito sa kanya at hindi na rin siya nito mahal. Sa una, hindi siya naniniwala sa bulok na rason na ibinigay sa kanya nito dahil para sa kanya ga...