CHAPTER 7

3.6K 178 4
                                    

CHAPTER 7

Shett! Bakit ang hot ni Hades? Hindi ko inakala na alam at kaya niyang sabihin ang mga iyon.

Nakatulala lang ako ngayon at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Feeling ko ay sobrang pula na ng mukha ko ngayon.

"What now cassie? What will we do?" Tanong nito na may mapang-akit nitong tanong sa akin.

Hindi pa din ako makatingin ng diretso sa kaniya at parang sa isang iglap ay nagkabaliktad kami.

Parang dati lang ay siya ang hindi makatingin sa akin pero ngayon bakit ako na?

Hindi ito ang Hades na nakilala ko, parang sinapian 'ata' s'ya ng masamang espirito este malibog na espirito.

"Che! Umalis ka nga d'yan kakain ako!" Sabay tulak ko sa kaniya at dali-daling pumuntang kusina upang kumain pero wala akong makitang pagkain maliban sa stick-o.

Pero dahil favorite ko ang stick-o masaya ko itong kinain at dahil nga abala ako sa pagkain ay hindi ko napansin si Hades na umupo na sa aking harapan.

'agad kong naalala ang pinagsasasabi nito kanina kaya namula na naman ako at umiwas ng tingin.

"Bakit iwas ka ng iwas ng tingin? 'di ba ikaw yung wild sa ating dalawa?what happened now?" Tanong nito na pilit na pinapainosente ang tinig pero halata ko ang kapilyuhan na natatago dito.

"Isa Hades! Tumigil ka na!" Banta ko sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin pero umiling lang ito habang nakangisi pa din.

Lumapit pa ito lalo sa akin hanggang sa halos magkadikit na ang aming mukha.

"Ayoko, ano ang gagawin mo kung ayoko?" Pilyo nitong tanong sabay tingin sa labi ko kaya napalunok ako.

"A-ano..." Nauutal kong sambit at uniwas ng tingin dahil hindi ako makaisip ng sasabihin ko sa kaniya.

Mas lalo pang lumaki ang ngisi nito kaya napasimangot ako. Hindi na ako natutuwa sa pagkapilyo ni Hades! Mas gusto ko ang inosenteng Hades ko!

T__T

Ibalik n'yo na si innocent Hades please.

"K-kapag hindi ka t-tumigil b-break na tayo." Sambit ko dahil wala na akong maisip na sasabihin.

Nakita ko naman na nanlaki ang mata nito at hindi makapaniwalang napatingin sa akin kaya unti-unting nawawala ang pagkahiya ko at napalitan ng ngisi.

So ayaw niyang mag-break kami huh?

"Sige Hades, you have your choice now. Kiss me then break na tayo pero kung lumayo ka at hindi ako hahalikan tayo pa din. You chose." Nakangisi kong pagpapapili sa kaniya.

Natigilan naman ito at namawis, kita ko ang kaba sa mukha niya at parang nalilito.

Kinagat ko pa ang ibabang labi ko upang maakit ito at kita ko naman ang epekto ko sa kaniya.

Kita ko na gustong gusto ako nitong halikan pero nag-aalangan siya dahil break na kami once na halikan niya ako.

"A-are you serious?" Nahihirapan nitong tanong at hindi pa din maalis ang mata sa akin labi.

Tumayo na ako at bumalik sa p'westo namin kanina sa sofa at kagaya kanina nakasunod siya sa akin kaya ng umupo ako ay tumabi agad siya.

Nakatingin pa din ito sa labi ko na parang nahipnotismo siya.

Inilagay ko ang aking buhok sa gilis ng aking leeg upang makita niya ang aking leeg, halos kita na din ang aking cleavage.

Naglakbay ang kaniyang mata mula sa aking labi pababa sa aking leeg hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa aking dibdib.

Sunod-sunod na paglunok at pagtulo ng pawis ang nakita ko sa kaniya na nakapagpangiti sa akin.

Gusto ko din malaman kung hahalikan ba niya ako o magpipigil siya. At siguro ito na din ang pagkakataon niya dahil kapag hinalikan niya ako magiging malaya na siya katulad ng gusto niya.

Pero kung hindi edi magiging sobrang saya ko kasi kami pa din at gusto niya akong maging girlfriend.

Kung hahalikan man niya ako iyon na ang sign, hindi ko na siya kukulitin dahil alam ko namang simula't sapul ako lang naman ang siksik ng siksik sa kaniya.

Tahimik ang buhay niya hanggang sa dumating ako kaya gusto ko siyang bigyan ng chance na gawin ang gusto niya.

I promised to myself na hindi ko na siya kukulitin at hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya.

Tumingin ulit ako sa kaniya at hinihintay ang kaniyang gagawin.

"Hades just kiss me, kapag hinalikan mo ako malaya ka na. Hindi na kita kukulitin." Mahina kong sambit habang nakatitig sa mukha niya.

Bumalik ang tingin niya sa mata ko at tinitigan din ako.

Dahil sa pagtitig niya ay nagkaroon ako ng konting pag-asa...

Pag-asa na hindi niya ako hahalikan dahil ayaw niya akong mawala...

Unti-unti itong lumayo kaya tuluyan na akong napangiti. Hindi niya ako hinalikan, ibig sabihin ay mahalaga ako sa kaniya.

O baka naman naga-assume lang ako? Masakit umasa..

Tumayo ito kaya tumingala ako sa kaniya at nakita ko na inayos nito ang damit niya bago umupo ulit at humarap sa akin.

I gasp..

He kissed me..

Hades kissed me! Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya ng bumitaw siya sa paghalik sa akin pero ang gulat ko ay napalitan ng mapait na ngiti.

Isa lang ang ibig sabihin ng halik na iyon.

A goodbye kiss...

Kaya niya ako hinalikan dahil gusto na niyang bumalik sa dati niyang buhay kung saan wala ako.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na nakatingin din ito sa akin at hinihintay ang aking reaksyon.

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti bago tumayo, tumayo din siya at parang nagtataka kung bakit ako tumayo.

Humarap ako sa kaniya at marahang ginulo ang buhok niya. "Hinalikan m-mo ako, ibig s-sahihin ayaw mo na a-akong maging nobya. Hehe! S-sige alis na ako n-naalala ko may gagawin pa pala ako." Sabi ko at dali-daling umalis sa lugar na iyon.

Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon kasi in the first place ako naman talaga ang sumisiksik sa kaniya.

Don't worry Hades hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sayo.. kasi kung importante ako sayo ikaw ang kusang lalapit sa akin kahit na tumakbo pa ako.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now