CHAPTER 6

3.7K 203 21
                                    

CHAPTER 6

Hindi ako makatingin sa babaeng nasa harap ko ngayon at matamang nakatitig sa akin.

Nahihiya ako sa insal ko kanina! Pero sino ba naman ang mag-aakala na ang babaeng ito na akala ko ay nasa mid-20's lang ang age ay nanay ni Hades!

Lintek! Sobrang namumula ako ngayon dahil sa labis na pagkahiya at hindi ko na alam ang sasabihin

"Ehem! So who are you again miss?" Taas kilay nitong tanong sa akin habang ako ay nakatungo pa din.

"Look at me." Maotoridad nitong utos kaya dali-dali akong tumingin sa kaniya.

Halata sa mukha nito ang pagihing seryoso na kabaliktaran ni Hades at ang istriktang aura.

"I-i'm *ehem* I'm Cassie Guerrero p-po." Pilit kong nilalabanan ang utal ko pero kahit anong gawin ko ay kusang bumabaliktot ito.

Dahil siguro kinakabahan ako sa nanay ni Hades. Hindi ko naman alam na ganito pala ito ka seryoso! Ang akala ko ay nagmana si Hades sa kanya.

"Hmm, Guerrero? Madami akong kilalang Guerrero. Are you the daughter of klein Guerrero of Guerrero chain's hotel?" Taas kilay nitong tanong at aligaga naman akong tumango.

Nape-pressure ako ngayon, hot seat!

"O really? I heard a lot about your family at masasabi ko na magkaibigan kami." Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Atleast mukhang close naman sila ng parents ko.

"Ano ulit ang sinabi mo kanina? You're my son's girlfriend?" Doon na naman unti-unting bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina.

Kahit na parang nangangatog na ang tuhod ko ay pilit ko pa din na sumagot.

"O-opo ma'am." Mahinang sagot ko sanay yuko.

Si Hades naman ay paramg walang pake sa amin at panay lang ang laro sa cellphone.

"Paano iyon nangyari?" Tanong na naman nito.

Okay fine! Sasabihin ko na nga ang totoo. Kung ayaw n'ya sa akin wala akong pake. Kahit maging ala-meteor garden ang buhay namin okay lang.

"Ako lang po ang nagke-claim na girlfriend ako ng anak n'yo ma'am pero don't worry I'll do my best to make him fall for me hard and i don't care if you agree or disagree on my decision." Tuloy tuloy kong paliwanag habang pilit na nilalabanan ang tingin niya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkamangha pero para saan? Diba dapat ay magagalit siya sa akin dahil sa kawalan ko ng respeto?

"Feisty huh? If that so then go on. Make him fall for you then if he fell he's yours but if not I'll find another woman who can marry him." Napangisi naman ako dahil doon.

A challenge huh? Sure I'll accept it with all my heart.

Mukha namang nakuha nito ang ibig kong sabihin dahil napangisi din ito bago tumayo. I like Hades mom, she's cool.

"Son, I'll go ahead." Paalam nito kay Hades na busy pa din hanggang ngayon sa paglalaro ng online games.

Napaangat naman ito ng tingin sa nanay niyang nasa harapan niya bago itinago ang phone at tumayo na din kaya naiwan akong nakatingala sa kanila.

"Why mom? Hindi ka ba dito kakain?" Tanong nito

Umiling naman ang ginang bago nagpaalam at wala ng nagawa si Hades. Naiwan kaming dalawa at natahimik.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now