CHAPTER 3

3.9K 200 28
                                    

CHAPTER 3

Cassie P.O.V

Lunch time na at nakakapit ako ngayon kay Hades wala akong pake kung pinag-titinginan na kami ng mga estudyante.

Basta ang sa akin ay walang aagad kay Hades. "C-cassie! Kakain na ako." Umiiwas na sabi ni Hades pero hindi ko pa din siya binitawan.

"So? Edi kumain tayo tara!" At hinila hila ko siya pero hindi naman ito nagpahila at todo ang bawi sa kamay.

"Bakit ba? Kala ko nagugutom ka? Tara na kumain na tayo!" Nabubugnot kong sambit. Tumango tango naman ito pero nakangiwi pa din na nakatingin sa akin.

Ano ba ang problema? Kakain na nga kami bakit ayaw pa niya sumama? Ayaw ba niya ako kasabay kumain? Nahihiya ba siya na makita kaming magkasama?

Dahil sa aking mga naisip ay nainis ako at pabatong binitawan ang kamay niya.

Sige! Kung ayaw niya akong kasama at kasabay sa akin edi hindi!

"Okay fine! P'wede mo naman sabihin na ayaw mo ako kasabay hindi yung todo ngiwi ka lang d'yan." Inis kong sabi at umiwas ng tingin.

Ayoko na siyang tignan dahil baka magbago ang isip ko at hatakin nalang ulit siya bigla.

Aalis na sana ako pero nagulat ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking braso. Nagawi ang tingin ko doon hanggang sa mapunta ito sa kaniyang mukha. Kita ko ang sunod-sunod nitong pag-iling.

"H-hindi naman i-iyon ang ibig kong sabihin." Iiling iling nktong sabi at bakas ang pagkataranta sa kaniya.

Bakit?

Saan siya natataranta? At anong hindi iyon ang ibig niyang sabihin? E, kita ko naman na ayaw niya akong kasama.

"Kung hindi iyon ang ibig mong sabihin e, ano?" Bugnot kong tanong. Nakakaasar na kasi ang pagkamahiyain niya at ang pagpapa-ligoy ligoy niya.

"H-hindi kasi d'yan ang daan papuntang canteen." Paliwanag nito at feeling ko nakan ay sobrang pula na ng aking mukha pati ang leeg.

Napaiwas naman ako ng tingin pero bago pa ako tuluyang makaiwas ay nakita pa ang pagngiti nito na tila'y tuwang tuwa sa aking pagkapahiya.

Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa pero alam ko naman na hindi iyon mangyayari kaya upang mapagtakpan ang aking pagkahiya ay sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Kita ko naman na natigilan ito bigla at ito na ang umiwas ng tingin.

"Saan ba? Ituro nga!" Maangas kong utos at para naman itong batang napagalitan at agad na itinuro ang daan.

Habang naglalakad kami ay pinagtitingin pa din kami. At ang katabi ko naman ay namumula pa din at halatang hiyang hiya na.

Nakarinig pa ako ng mga bulungan pero hindi ko nalang pinansin.

Mas hinigpitan ko pa ang kapit ko kay Hades ng maramdaman kong kumakawala sa aking pagkakahawak.

"Kapag binitawan mo ang kamay ko gagawin ulit natin dito ang ginawa ko kanina." Bulong ko sa kaniya na nakapagpatigil dito.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now