CHAPTER 1

5.3K 226 24
                                    

CHAPTER 1

Cassie P.O.V

Naglalakad ako ngayon palabas sa isang bar. Kagagaling ko lang doon at aalis na dahil sobrang boring.

Bakit ba nagtayo pa sila ng ganoong bar? Walang ka-thrill thrill tsk!

Pagkalabas ko ay ang malamig na simoy ng hangin agad ang bumungad sa akin.

Ala-onse na ng gabi kaya wala ng masyadong tao dito pero may nakikita pa din akong mga tao o sabihin na nating mga pokpok na pagala-gala sa labas at loob ng bar.

Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso nalang sa aking sasakyan at ng malapit na ako ay may natanaw akong tao na nakatayo sa tabi ng aking sasakyan at tipong may kinakalikot sa loob.

Nanlalaki ang matang tumakbo ako papalapit dito at hinila ko siya upang mapaharap sa akin.

Pagkaharap na pagkaharap nito ay bigla akong natulala. Isang napaka-gwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon pero hindi ko papalampasin ang nakita ko kanina.

Ano ang ginagawa niya? Nagnanakaw ba siya? Pero napaka-gwapo naman nito para magnakaw? Well it doesn't matter.

"Sino ka ha? Anong ginagawa mo sa sasakyan ko? Magnanakaw ka 'no?" Maangas kong tanong at nanlalaki din ang matang tumingin ito sa akin at mabilis na umiling na parang batang takot na takot.

"H-hindi po ate!" Iiling iling na tanggi nito at parang anytime ay maiiyak na.

Pero hindi pa din ako naniniwala. Hindi ako magpapalinlang sa cute at nakakalibog niyang mukha at katawan.

"Kung gano'n bakit mo kinakalikot ang kotse ko?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa akin at napakamot sa ulo pagkatapos ay tumingin sa kotse ko.

"K-kasi po y-yung laruan ko pumasok doon sa l-loob ng kotse mo. H-hindi ko po maabot." Paliwanag nito at bahagya pang naka-nguso kaya napaiwas ako ng tingin.

Nguso pa lang iyon! Pero nalilibugan na agad ako argghh! Nakakainis!

Tinignan ko nalang ang itinuro niya at totoo nga ang sinasabi nito. May maliit na bola nga sa loob ng kotse ko at nasa pinakaunahan iyon habang ang konting awang naman sa bintana ng kotse ko ay malayo at hindi kayang abutin ng kamay.

Pero seriously? Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon at hindi ako makapaniwala.

"Seryoso? Ilang taon ka na ba?" Tanong ko. Dahil hindi ako makapaniwala na naglalaro pa din ito hanggang ngayon.

Napakamot naman ito sa ulo at namula nanaman. Bakit ba lagi itong namumula tuwing tumitingin sa akin? Nakakatakot ba ako?

"18 po ate, p-pero sabi po ni mama okay l-lang po akong maglaro kasi w-wala naman pong pinipiling edad ang paglalaro." Paliwanag nito na parang batang kinakausap ang crush niya.

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa narinig at dahil na din sa aking nararamdaman. Nakakainis lang dahil konting galaw at bago lang ng expression ng mukha niya ay parang sinisilaban na agad ang buo kong katawan.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now