CHAPTER 8

3.6K 193 12
                                    

CHAPTER 8

Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Hades, i mean oo nga at common na ang halikan namin pero the fact na my condition yung halik ginawa n'ya pa din?

Well bakit nga ba hindi? It's his chance to be free. Nag-take for granted lang siya at hindi niya iyon kasalanan.

It's my fault, kasalanan ko kasi ako ang ngbigay ng kondisyon na papalayain ko siya once na halikan niya ako.

Okay tama na ang kabaliwan na ito, I need to stop before it's too late. Ayokong umasa, tulad ngayon umasa ako na hindi niya ako hahalikan dahil ayaw niyang mawala ako, but I was wrong...

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at ibinaon ang mukha sa unan na yakap ko. Nandito na ako ngayon sa condo ko, mag-isa.

Ano kayang iniisip ngayon ni Hades? Siguradong tuwang-tuwa na iyon. Tch! Ang tanga ko kasi, bakit ko ba nasabi iyon? Tapos ngayon kung makaarte ako parang hindi ako yung nagbigay ng motibo.

At sa aking pag-iisip hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

***

*Kinabukasan*

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag-inat muna ako at tamad na tumayo, parang ayoko na mag-aral.

To think na makikita ko si Hades, baka hindi ko na naman maiwasan na kulitin siya.

Habang kumakain ay nag-iisip ako ng paraan upang iwasan si Hades pero parang imposible iyon lalo na't mag-kaklase kami at mag-SEATMATE PA!

Ano na ang gagawin ko?

Kainis talaga!

Hanggang sa makarating ako sa school ay panay pa din ang isip ko ng paraan. Para akong baliw dito na natataranta.

Ano kaya kung magpalipat ako ng room? Pero kakasimula palang ng klase.

Paano kaya kung magtago ako? Hay! Hindi nga kaya!

Alam ko na!

Lilipat ako ng upuan, yes! Good idea!ang talino ko talaga

Pagkapasok ko sa room ay napa-singhap ako dahil nakita ko na siyang nakaupo sa tabi ng upuan ko kahapon. Napatingin ito sa akin at nginitian ako pero umiwas nalang ako ng tingin sakto naman na nakita ko ang bakanteng upuan sa tabi ng isang nakatungong lalaki kaya kahit ayoko na doon maupo ay wala na akong choice.

Mas maganda na doon nalang umupo kesa naman kay Hades kasi alam ko na once na magkalapit ulit ako sa kaniya ipagsisiksikan ko na naman ang sarili ko sa kaniya.

"Hey, mister? Can i seat here?" I asked for permission. Baka kasi may nakaupo na dito.

"Ano pa ang gagawin ko? Nakaupo ka na." Walang modo nitong sagot pagkatunghay niya kaya napasimangot ako. Grabe naman pala itong lalaki na ito. Walang modo at halatang mayabang, naku! Kung may choice lang ako edi sana hindi na ako tumabi sa yabang na ito.

"Asar.." bulong ko pero mukhang narinig nito dahil tinignan niya ako habang nakakunot ang noo. Bakit? Anong nakakapag-takha sa sinabi ko?

"What did you say? Me? Nakakaasar? The hell?" Bugnot nitong tanong pero inirapan ko nalang siya at umiwas ng tingin.

At sa pagliko ng aking mata, dalawang pares ng mata ang namataan kong nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil sa klase ng titig na binibigay nito.

Para itong papatay sa sobrang sama ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

Bakit? Ano na naman ang ginawa ko? Hindi ko na nga siya pinansin kaso dib iyon naman ang gusto niya?

Kainis! Dapat hindi ko na kasi siya pinapili, tama sila nasa huli ang pagsisisi.

Hanggang sa mag-lunch break ay puro pagsisisi lang ang nasa isip ko. Pero sa tingin ko mas okay na ito.

Mukhang kailangan ko ng maghanap ng bagong lalandiin. Masyado na akong na-attached kay Hades. I need some distraction.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking katabi na simula kanina ay natutulog.

Buti at hindi ito napansin ng teacher namin kanina? Napatitig ako sa mukha niya. Natutulog ito habang ang mukha ay nakaharap saakin kay malaya kong napagmasdan ang mukha nito.

Gwapo ito, may pagkasingkit ang mata at matangos ang ilong. Pero mas matangos ang ilong ni Hades. Mahaba din ang pilik mata niyo pero sa tingin ko ay mas 'mahaba' ehem ang kay Hades.

Teka nga! Why am I comparing this guy to Hades anyway?

Hmm, okay na siguro ito? Gwapo naman at masasabi kong papantay kay Hades.

Pero bago iyon kailangan ko ng kumain because I'm kinda hungry na kasi. Eww! So conyo.

Habang naglalakad ay hindi ko napansin na makakasalubong ko na pala si Hades. Iiwas na sana ako pero hindi ko na iyon nagawa ng hawakan niya ang braso ko at sinandal ako sa dingding na nasa likod ko.

Nandito kami ngayon sa pinakasulok ng hallway kung saan walng masyadong estudyante na dumadaan kapag ganitong oras.

"B-bakit? Anong kailangan mo?", Mahinang tanong ko at hindi pa din tumitingin sa kaniya. Ayokong tumingin dahil baka matunaw ako bigla dahil sa init ng mga tingin niya.

"Are you avoiding me?" Mahina nitong tanong habang nakatapat ang mga labi sa aking tenga. Napasinghap ako dahil sa init ng hangin na aking nadama dahil sa kaniyang mabangong hininga.

"N-no, why would I?" Bakit kita iiwasan kung alam ko naman na iyon talaga ang gusto mo? Ginagawa ko lang ang gusto mong mangyari.

Gusto ko sanang sabihin ngunit huwag nalang. Masakit kasi na sabihin niya na ayun nga ang gusto niya.

"About what happened yesterday i---"

"It's okay, alam ko naman hehe ako lang naman namimilit. Binigyan lang kita ng choice p-pero hindi ko inakala na iyon ang pipiliin mo." Malungkot na paliwanag ko.

Sa maikling araw na nagkasama kami na-attached na talaga ako sa kaniya.

I need to stop this before its too late...

"No, gusto kong sabihin sayo na kaya kita hinalikan hindi dahil gusto kong umalis ka. Kaya kita hinalikan because I want too. Gusto ko at alam ko na hindi mo ako kayang tiisin. Hindi ako naniniwala na once na halikan kita ay break na tayo, at walang magbe-break." Mahabang paliwanag nito kaya napangiti ako ng malawak at walang sabi-sabing niyakap siya sa bewang.

Bakit? Sino ba ako para magpakipot e, gusto ko din naman na magkabati kami?

"But that doesn't mean na porket bati na tayo papalampasin ko na ang pakikipaglandian na ginawa mo kanina." Napatunghay ako at napatingin sa kaniya at iyon na naman ang noo niya na nakakunot kaya napalunok ako.

"You have the guts to flirt huh? Then let me tie you on my bed naked."

Patay...

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now